Chapter 17:

290 11 1
                                    

Chapter 17:

NARAMDAMAN ni Heylie na may humawak sa kanyang bras. Naging dahilan iyon kung bakit siya napabalik at napaharap sa humila sa kanya. Tumingin siya sa may ibaba para hindi niya ito makita.

"Please bitiwan mo ako" paki-usap niya dito. Naramdaman niya na niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya. Tinanggal niya ang kamay nito at agad na tumakbo palabas ng lugar.

Hanggang sa mapagod si Heylie sa kanyang pagtakbo umiiyak. Huminto siya ng may makita siyang bench. Naglakad siya palapit sa bench upang umupo at doon niya pinagpatuloy ang pag-iyak niya.

Napatingin siya sa may dagat na nasa harapan niya habang humahangin ng katam-taman. Napansin niya rin ang papa-gabi na pero iyak pa rin siya nang iyak sa mga oras na iyon.

HALOS mag-iisang oras nang nakaupo si Heylie sa bench at natapos na ang kanyang pag-iyak habang nakatingin sa may dagat. 'Sana hindi ko na lang s'ya makita.' sabi niya sa sarili.

"Nandito kalang pala" napatingin siya sa nagsalita nakatayo ito sa harapan niya at umiwas siya ng tingin dito. "Buti nakita na kita ng malapitan, tinakbuhan mo na nga ako sa orphanage. Pati ba naman si Nathan tinakbuhan mo" Napatingib si Heylie dahil sa sinabi ni Nathan sa kanya. 'Ganyan kana ba Nathan?'. Ngumiti ito sa kanya.

"Nielthan, thanks nakita mo siya" narinig niya ang boses ni Nathan. 'Pero sino 'tong nasa harapan ko?'. Napatingin siya sa likuran niya at pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa.

"Sige iwan ko na kayo" sabi nang nasa harapan niya at naglakad na ito paalis.

"Thanks, bro" sabi nito at limapit sa kanya. "Hey!" umupo ito sa harapan niya. Nakatingin lang ito sa kanya habang nakangiti. Nang makita niya na si Nathan na nga ang kaharap niya. Nanlabo na nman ang kanyang paningin dahil sa kanyang luha.

Nakatingin lang sa kanya si Nathan at ganun rin siya dito. Marami gusto sabihin si Heylie  pero ang lahat ng iyon ay hanggang tingin lang ang nangyari. 'Na miss mo ba ako Nathan?. Kasi ako oo.. Yung mga ngiti mo, tawa mo, pag-akbay ko sa'yo at ang mga yakap mo'. Umiyak siya dahil hindi niya dito masabi ang laman ng kanyang isip.

"I missed you, Heylie" sabi nito at pumantay sa mukha niya. 'I want to say I missed you pero okey na ako na makita ka lang ng harap-harap' sabi niya habang nakatingin lang kay Nathan.

"HEYLIE!" Narinig niyang maraming tumawag sa pangalan niya. Kahit ayaw niyang mawala sa panginin niya si Nathan ng mga oras na iyon. Mas pinili pa rin niya na lingunin sa ang mga tumawag sa kanya. 'Baka panaginip lang 'to. Panaginip lang na nasa harapan ko si Nathan.'

Pagkalingon nakita niya si Nadja at iba pang mga kaibingan na nakatingin sa kanya. Habang sila Nolan at Jaymie na may hawak na bulaklak ay lumapit sa kanya.

"Here" abot ni Jaymie sa kanya ng bulaklak. "Gusto ko, ikaw naman yung maging masaya  kasama siya" sabi ni Jaymie sa kanya. Tumingin ito sa kaharap niyang lalaki. Kay Nathan. 'Totoo pala siya, Pero sa kanya? paano naman yun?'

Umiyak siya nang umiyak. Napayuko na lang siya dahil iyon dahil sa false hope na naman na naririnig niya mula kay Jaymie. Lalo pa't nasa harapan niya pa si Nathan.

"Akala ko kapag nagkita tayo nakangiti ka, pero umiiyak ka pa rin. Bakit Heylie?" taas ni Nathan sa mukha niya para makita nito ang mukha niya.

"Mahal pa rin kasi kita, Nathan. Sana hindi ka muna nagpakita-"

"I love you too, Heylie" sabi ni Nathan sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Heylie dahil sa sinabi ni Nathan. "Pero-"

"Kaya wag kanang umiyak, kasi ayoko nakikita kang ganyan. Ayokong nakikita kang nasasaktan, gusto ko-" Nathan kissed her lips and she was shocked. "Gusto ko lagi kang nakangiti, dahil ayun yung pangarap ko. Matagal na..." niyakap siya ni Nathan ng mahigpit. 'I missed this'.

Falling into Pieces [COMPLETED]Where stories live. Discover now