Chapter 2

21.6K 419 20
                                    

Nandito kami ngayon sa may police station dahil may pumasok sa bahay ng best friend ko. Parehas kaming takot na takot habang nagsumbong sa pulis. Napagpasyahan namin kaseng mag sleep over ngayon sa bahay ng kaibigan ko. Mag aalas dose na nang matulog kami tapos nagising nalang kami nang may biglang nahulog na vase sa may kusina. Agad akong kumuha ng maaring ipanghampas at nagtungo sa kusina. Doon ko nakita ang tatlong lalaking naka suot ng itim na maskara habang may hawak na k*tsilyo. Napasigaw ako dahil sa takot, ngunit mas lalo akong kinabahan ng bigla itong lumapit sa akin.

“Hindi magiging tahimik ang buhay mo Pearl. Mas lalong magiging miserable ang buhay ng mga kaibigan mo kapag hindi kapa sumama sa akin. Tandaan mo na akin kalang. Kung gusto mong maging mapayapa ang buhay nila, pumunta ka sa Hideout ng Dark Gang. Itetext ko sayo ang adress mamaya. Huwag na huwag kang mag magsusumbong sa pulis kung gusto mopang mabuhay ang mga kaibigan mo. Hmm i love you baby.” malambing na saad niya bago lumabas sa bintana. Napabagsak ako sa sahig dahil sa takot, ano na ang gagawin ko?

“Sis anong nangyari sayo?” nagaalalang tanong ni Camille nang makarating siya sa kusina agad niya akong niyakap at pinakalma.

“May nangyari bang masama sayo?”tanong ko sa kaniya.

“Okay naman ako. Nagising ako dahil may lalaking naka maskara ang pumasok sa kwarto ko. Ayun sinipa ko sa ano niya.”pagmamalaki ni Camille. Agad niya akong ikinuha ng tubig at pinakalma. Kinaumagahan ay nagtungo na kami sa police station.

_

*End of Flashback*

“Wala poba kayong naiisip kung sino ang pwedeng gumambala sa inyo? May naka away poba kayo?” tanong ni Kuyang pulis.

“Wala noh. Mabait ho ata ang best friend ko, wala naman kaming nakaka away eh.”saad ni Camille. Alam kong si Xander yun pero hindi ko kayang sabihin, natatakot akong saktan niya si Camille.

“Kung wala kayong kaaway pwedeng may gusto ang suspek sayo Ma'am o pwede ding stalker mo. Kailangan mong mag ingat araw araw. Huwag kang magdadalawang isip na tumawag sa amin kapag pumasok nanaman siya sa bahay mo. Yun lang.” aniya niya bago kami tumayo ni Camille at umalis na sa police station. Hindi pa man kami nakakalayo ay may bigla akong natanggap na text mula sa unknown number.

From: Unknown Number

Baby.

You didn't follow the instructions. Didn't i told you not to go to police but you disobey me.

Now if you don't want me to put a b*llet in your best friend's head, enter the XEM Mall and tell the guard the Code MNTLLRZ. He will lead you to the basement of the mall.

Make sure that you come alone or I'll k*ll your best friend.

Nanigas ako sa takot nang makita ko yung message niya. Agad naman akong nagpaalam kay Camille na may pupuntahan ako. Pumayag naman ito pero kailangan kodaw siyang iupdate para masigurado niyang maayos ang kalagayan ko.

Kinakabahan akong pumasok sa mall at lumapit sa guard para sabihin yung code.

“Number 3 ikaw na muna ang bahala dito. May ihahatid lang ako sa basement.” agad naman niya akong sinamahan papasok sa elevator. Halos sampung minuto ang tinagal bago tumigil ito at bumukas. Labing dalawang mga lalaking naka itim ang mga naka upo don at nagulat sila nang makita ako.

“Sino siya at bakit mo siya dinala dito Number 1?” napaatras sa takot yung lalaking kasama ko at yumuko.

“Ohh you again? I guess President is really obsessed with you.” saad nung lalaking may hawak na wine. Pamilyar yung muka niya, siya yung Vice President nila.

“Shut up Sean, baka marinig ka ni President. Btw I'm Travis, are you here because President call you?”

“O—oo.” maikling saad ko bago umiwas ng tingin.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now