Chapter 11

14.8K 286 48
                                    

“Xander nagluluto ako mamaya mo na ako yakapin” saway ko sa kaniya dahil nakayakap ito habang nagluluto ako ng kakainin namin. Nandito pa din kami sa hotel ngayon at mag iisang buwan na kami dito.

“No, I want to hug you.” pag pupumilit niya kaya wala akong nagawa kundi hayaan siya. Kagabi pa siya nakayakap sa akin hindi pa ba siya nagsasawa? Maayos na kami ngayon at hindi na kami masyadong nag aaway. Palagi na ulit siyang sweet sa akin.

“Baby we're going back to the villa tomorrow. Baka gusto mong mag shopping mamaya? Para may bago kang damit, sapatos at bag.” malambing na saad niya habang naka subsob ang muka niya sa may leeg ko. Bagong damit nanaman? Pero kung iisipin ko, wala pa akong bagong damit na nabibili ngayong buwan. Hindi naman kase kami lumalabas ni Xander dito sa hotel.

“Sakto parang nasa mood ako mag shopping ngayon. May gusto kase akong bilhin na bag. Nakita ko sa post ng Gucci Page yung latest nilang bag. Okay lang ba kung bilhin ko yun?” tanong ko sa kaniya. Sa ngayon wala pang nakakabili non dahil sa nakakabutas ng bulsa ang presyo ng bag na iyon. Pero gusto ko talaga yun eh, sana pumayag si Xander.

“Hmm... you want another Gucci bag? Okay I'll buy it for you but give me a kiss first.” he said while pouting. Agad ko naman siyang hinalikan sa labi at ngumiti.

“Okay if my baby wants that bag, we're gonna get it.” he said sweetly. Itutuloy ko na sana ang pagluluto ko ng maalala kong magkikita nga pala kami ni Camille at Hannah ngayon. Matagal na kase kaming hindi nagkikita kaya napagpasyahan naming mag meet up ngayon. Si Hannah naman ay naisipan kong isama para makilala niya na si Camille. Napag usapan na din namin na isasama namin yung mga boyfriend namin para makilala na nila ang isa't isa . Nacucrious nga ako sa boyfriend ni Camille, hindi niya pa pinapakilala sa akin. Pero sinabi niyang malalaman ko daw ito kapag nagkita na kami.

“Xander okay lang ba kung makipag kita muna ako kay Camille at Hannah bago tayo bumili ng bag. Ilang buwan na din since nung huli kaming nagkita eh. Miss na miss ko na sila.” aniya ko. Simula kase nung naging kami na ni Xander ay lagi lang akong nasa bahay dahil delikado kapag lumabas ako. Pero wala na naman sigurong magtatanka sa buhay ko ngayon.

“Okay, we'll meet her later but first kumain muna tayo. Nagugutom na ako.” nakangusong saad niya. Kaya ipinagpatuloy ko na yung niluluto ko at naghain na din ako. Nagsimula na kaming kumain at nag usap.

_

_

Kasalukuyan akong nag ma-make up ngayon ng biglang lumabas mula sa banyo si Xander. Hindi ko mapigilang mapapatitig sa kaniya. Sobrang gwapo niya habang tumutulo ang tubig mula sa buhok niya hanggang sa malalaking abs niya. Teka? Pinagnanasahan ko ba siya?

“Done staring at me baby. I know I'm hot but don't worry baby, I'm only yours.” he said smirking. Bigla akong namula dahil sa sinabi niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya at itinuloy ko nalang yung pag ma-make up ko. Naglalagay ako ng eyeliner nang bigla niya akong halikan sa leeg.

“You smell good as always baby. I can't stop smelling you.” he said while sniffling me.

“Siyempre naman. Magbihis kana Xander baka malate tayo.” ani ko sa kaniya. Akmang maglalagay na ako ng eyeshadow ng bigla siyang magsalita.

“Ubos na ang mga make up mo?” tanong niya habang nakatingin sa eyeshadow palette kong napudpod na. Favorite ko kase yung eyeshadow na yun kaya yun ang lagi kong ginagamit. Tapos yung lipstick ko ay paubos na rin.

“Palagi ko kaseng ginagamit kaya paubos na.” saad ko habang naglalagay ng eyeshadow.

“Ganun ba? Let's buy a new one later.” he said before walking into his closet. Kumuha siya ng damit doon at tinanggal niya na yung towel. Nagtaklob ako ng mata dahil makikita ko yung alaga niya. Bakit kase dito pa siya nagbihis!

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ