Chapter 12

13K 258 60
                                    

Mag aalas otso na ng gabi ay hindi pa rin sinasagot ni Xander yung tawag ko. Anong oras na, bakit hindi niya pa rin ako sinusundo. Nagsisimula na naman akong mag alala. Baka may kung anong masamang mangyari sa kaniya.

“Kung okay lang sayo ako na maghahatid sayo sa mansion ni Xander.” pag aalok ni Tanner. Naka uwi na sila Hannah, Camille at Travis. Kami na lang ang magkasama ngayon ni Tanner dito sa may 7/11.

“Baka may importante siyang ginagawa ngayon. Ako na ang maghahatid sayo.” pamimilit niya kaya agad naman akong tumango bilang pag responde. Mas okay kung may maghahatid sa akin kesa sumakay ako sa taxi. Medyo delikado kase kung sasakay ako sa taxi, baka makidn*p nanaman ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong pumasok dito.

Hindi ako nagsalita buong biyahe dahil hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong mag alala para sa kalagayan ni Xander ngayon. Mag iisang oras na din ang nakalipas bago kami makarating sa tapat ng mansion. Nagpasalamat ako kay Tanner bago bumaba mula sa kotse niya. Pinagbuksan ako ng mga gwardiya ng gate at agad akong pumasok doon. Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Aling Sali na mukang balisa. May nangyayari bang masama sa loob? Bigla akong kinabahan at nagmamadaling pumasok sa pinto at doon ko naabutan na may dalawang babaeng nag aaway habang pinipigilan sila ni Xander?

“How could you be so st*pid Kuya? Anong ginagawa niyang pang*t na yan dito? I can't even stand her face!! Palayasin mo yang babaeng yan!!” sigaw nung babaeng may maikling buhok habang hila hila yung buhok ng isa pang babae. Nagtataka ako. Tinawag niyang Kuya si Xander? Ibig sabihin magkapatid sila ni Xander? Siya naba yung tinutukoy ni Aling Sali?

“Tama Xandrea!! Sumosobra kana tigilan mo na si Kharylle!” sigaw ni Xander habang pinipigilan yung babae.

“Ikaw babae ka! Napaka kapal ng muka mong bumalik after mong iwanan si Kuya noon! Ang mas malala pa doon ay pumatol ka pa sa boyfriend kong hay*p ka!! Lumayas ka sa pamamahay kong h*gad ka!!” Nabitawan niya yung babae pero nagulat kaming lahat ng maglabas yung babaeng may maikling buhok ng bar*l.

“Lalayas ka sa bahay ko o pap*t*yin kitang malandi ka?!” pagbabanta niya. Natigilan si Xander at yung babae habang hawak hawak ni Xandrea yung bar*l. Padabog na nag ayos ng buhok yung isang babae at kinuha yung bag niya bago lumabas ng mansion. Nagka eye to eye kaming dalawa at nabigla ako ng irapan niya ako. Ginagawa nun? Ako baga ang kaaway niya?

“Hindi pa tayo tapos babae. Huwag na huwag kang babalik dito dahil siguraduhin kong hindi kana makaka uwi ng buhay.” huling ani ni Xandrea bago tuluyang maka alis yung babaeng kaaway niya. Hindi pa din nila ako nakikita dahil nasa gilid ako ng pinto.

“Bakit mo ba pinapakielaman ang buhay ko Xandrea?! At anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa France ka?” sigaw ni Xander sa kapatid. Nagulat ako ng sampalin siya ni Xandrea.

“Pinapakielaman? Inililigtas lang kita Kuya. Baka kung hindi ko ito ginawa maging sunod sunudan ka nanaman dun sa babaeng yun! Umuwi ako kaagad mula France nang malaman kong babalik nanaman yung h*gad na yon. Huwag mong sabihin na kakampihan mo yung babaeng yun kesa sa sarili mong kambal? Saka akala ko ba may girlfriend kana?” galit na saad nito habang nagpupunas ng pawis.

“Ano naman kung paniwalaan ko si Kharylle kesa sayo? Tandaan mo kambal lang kita! Mahalaga sa akin si Kharylle kesa sayo!” sagot pabalik ni Xander.

“Mas mahalaga pa sayo yung babaeng nanakit sayo kesa sa sarili mong kapatid?! Iba ka na rin kuya, sinasabi na nga ba eh. Na kapag bumalik yung babaeng yun mamahalin mo nanaman siya! Baka nakakalimutan mong iniwan mo yung girlfriend mo sa isang restaurant. Ano na lang kayang mangyayari kapag napahamak siya?”

“Bakit mas inuuna mo pa yung babaeng yun kesa sa girlfriend mo? Napaka walang kwenta mo namang boyfriend!” nagulat ako ng biglang sampalin ni Xander si Xandrea.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now