Chapter 7

16.3K 360 23
                                    

Ilang oras din ang ibinyahe namin bago kami makarating sa isang abandonadong building. Bakit ba nila ako sinama dito? Wala naman akong ginagawa sa kanila ah? Itinali nila ako sa isang bangko habang si Kuya Ben ay nakagapos sa gilid. Yung iba namang body guard na kasama ko ay nakahiga sa sahig habang nakatali ang paa.

“Liam pakawalan mo na si Ma'am Pearl. Hindi magandang ideya na kalabanin si Sir Xander, hindi mo pa siya nakikilala ng tunay. Hindi mo alam kung ano ang pwede niyang gawin sayo kapag nalaman niyang sinaktan mo si Ma'am Pearl.” pagkiki usap ni Kuya Ben kay Liam. Pero imbis n makinig ay tumawa lang ito nang malakas bago marahas na hinawakan ang baba ko.

“Itong babaeng toh? Ano bang meron dito sa babaeng ito? Hindi ako makapaniwalang ang kahinaan ng Leader ng Dark Gang ay babae. Siya pa naman ang tinutingang pinaka kakaiba sa mga Gang Leader pero babae lang kahinaan niya?”

“Huwag mo siyang sasaktan Liam. Kahit pat*yin mo na ako pero huwag na huwag mong susugatan si Ma'am Pearl. Hindi siya binansagan na Merciless Leader ng walang dahilan. Hindi mo magugustuhang makita ang totoo niyang ugali. Please huwag mo siyang saktan.” pagmamakaawa niya. Madiin akong tinititigan ni Liam bago kumuha ng belt at hinataw niya ang aking katawan.

“AHHH!” malakas na sigaw ko nang hatawin niya ako muli.

“Tama na Liam! Kung ayaw mo pang mamat*y itigil mo na yang giangawa mo.” aniya ni Kuya Ben pero patuloy pa din ang paghataw niya sa akin ng belt. Nagsisimula nang humapdi ang aking balat dahil sa lakas ng paghataw niya. Nagsisimula nang tumulo ang aking luha nang may biglang pumasok.

“Huwag mo naman pahirapan ng sobra yan Liam, kailangan buhay pa siya bago dumating si Xander. Nasabi ko na sa kaniya ang adress ng building na ito at mamaya lang ay makakarating na yun. Ihanda niyo na ang sarili niyo.” saad nung lalaking kakapasok palang. Itinigil na ni Liam ang paghataw niya sa akin ng belt at pumunta sa gilid.

“Hindi maaari, hindi maaari.” naririnig kong bulong ni Kuya Ben habang umiiyak. Masakit naba ang katawan niya? Hindi ako maka isip ng paraan kung papaano kami tatakas dito eh.

“Pap*tayin niya tayo. Pasensya na Ma'am Pearl hindi kita ma protektahan. Sana patawarin ako ni Sir Xander kapag nalaman niya yung mga nangyari sa iyo Ma'am” ha? Sinong pap*tay sa kanila? At saka papatawarin? Wala naman silang ginagawang mali ah? Hindi ako masyadong makapag salita dahil sa sakit ng aking katawan. Puro pasa na ang braso ko at may dumudugo akong sugat sa aking hita.

Ilang oras na akong nakatali dito habang si Kuya Ben ay patuloy pa din ang pag iyak. Kanina niya pa pinapaulit ulit yung salitang ‘pap*tayin niya tayo’. Gusto ko malaman kung ano ang ibig sabihin niya doon pero nagsisimula na akong mahilo. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang..

“Liam, may mga kotseng tumigil sa harapan ng building. Apat na kotse ang tumigil at may labing tatlong tao na lumabas kabilang na doon si Xander.” ani nung lalaking nagbabantay sa bintana na nagpalaki ng ngisi ni Liam.

“Nandito na siya sa wakas.” nakangising aniya niya bago tumingin sa akin. Nandito na si Xander? Gumana ba yung alarm? Maliligtas na ba kami? Naputol ang aking pag iisip nang makita ko ang takot na muka ni Kuya Ben. Nagtataka ako dahil parang natatakot siya nang malaman niyang nandito si Xander. Nagtipon na lahat ng miyembro ng grupo nila at pumwesto sa may likuran ko.

“Kuya pagkatapos mong pat*yin si Xander, ibigay mo na sa akin itong babae. Napaka kinis ng balat niya sigurado akong masarap ito.” manyak na saad nung lalaking mukang adik sa likuran ko. Nagdadasal ako na sana hindi matalo sila Xander. Labing tatlo lang kasi sila habang yung mga taong makakalaban nila ay nasa isang daan ang dami. Matatalo kaya nila ang grupong ito?

Maya maya lang ay pumasok na sila Xander kasama sila Sean at Travis pati na rin yung mga Captains ng Dark Gang. Kita akong kaba sa mga mata niya habang nakayukom ang kamao.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now