Epilogue

17.3K 367 104
                                    

7 months have passed at malapit nang lumabas ang aking third baby. Tuwang tuwa si Xander nang malaman niyang lalaki ang susunod naming magiging anak. Masaya din daw siya dahil makikita na niyang lumaki ang susunod naming anak. Hindi niya kase nakita kung papaano lumaki si Xhantel at Xavier noon kaya nalulungkot siya.

Habang ipinagbubuntis ko yung ikatlong baby namin ay nag eenjoy akong pahirapan si Xander. Palagi ko siyang ginigising tuwing madaling araw para bumili ng pagkain na pinag lilihian ko. Akala ko mag rereklamo siya pero palagi niya lang sinusunod yung utos ko. Minsan sinasaraduhan ko siya ng pinto kaya dun siya sa may tapat ng pinto nakaka tulog.

I enjoy annoying him, tinitingnan ko kung sisigawan niya ako or magagalit siya. Pero palagi lang siyang kalmado. So to annoy him i force him to eat bagoong, alam kong yun ang pinaka ayaw niyang pag kain kaya yun ang ipinakain ko sa kaniya. I thought he will be mad at me but he silently eat it without complaining.

Kasalukuyan akong nandito sa garden ngayon para mag pahangin habang si Xander naman ay nag ce-cellphone. Nasa school pa yung kambal at ang lahat ng maid ay nasa loob kaya tahimik lang kami dito.

Mukang may ka chat siya kaya bigla akong nainis. Kanina pa kase siya pangiti ngiti and it makes me annoyed. I tried talking to him but he always says that he's busy. Kaya naisipan kong may ipagawa sa kaniya. Gusto ko lang naman tingnan kung gagawin niya ba ito.

“Xander.” mahinang tawag ko sa kaniya habang umiinom siya ng kape.

“Hmm?” aniya habang nakatingin pa rin dun sa cellphone niya. Ano bang meron dun sa cellphone niya at hindi niya ako matingnan. Mas lalo tuloy akong nainis sa kaniya.

“Throw your phone in the swimming pool” aniya ko na kumuha sa atensyon niya. He looked at me with questioning face.

“What did you say Mahal? You want me to throw my phone in the swimming pool?” nagtatakang tanong niya sa akin.

“Narinig mo naman pala itinanong mo pa?” pag tataray ko sa kaniya.

“Pero Mahal nandito lahat ng contacts ko sa mga business partner ng company ko. Saka bakit parang kakaiba naman ang trip mo ngayon?” tanong niya bago muling tumingin dun sa cellphone.

“Just throw it!!” sigaw ko sa kaniya. Kita ko sa muka niya na naiirita na siya.

“Fine!” sigaw niya bago ihagis yung cellphone sa tubig. Nabigla ako dahil itinapon niya talaga? Akala ko hindi niya gagawin yun. Saka nandoon lahat ng important files sa cellphone niya. He looked at me na para bang inis na inis na siya sa akin. Ngayon ko lang na realize na marami nga pa lang mahalaga sa loob ng cellphone na yun. Pero itinapon niya yun gaya ng utos ko para hindi ako magalit.

“Bakit mo itinapon?” mahinang saad ko. Masama niya lang akong tiningnan bago siya nag salita.

“So that you'll stop pestering me. I know you're pregnant Pearl but stop annoying me. Can you just stop being annoying for once? ” he screamed at me. Bigla akong natahimik dahil sa sinabi niya. Siguro nga naiinis na siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil palagi ko naman talaga siyang iniinis. He walked away looking pissed.

Namuo ang luha sa aking mata nang makita ko siyang galit. Gusto ko lang naman kuhanin yung atensyon niya eh. Kanina pa kase siya busy sa ginagawa niya at gusto ko siyang maka usap.

Hindi kaya may kausap siyang babae kanina at naistorbo ko sila? Ibig sabihin ipag papalit na niya ako? Dahil ba sa palagi ko siyang iniinis? Nag sawa na siya sa akin kaya nag hanap na siya ng iba?

Dahan dahan kong pinunasan ang aking mata bago ako nag lakad papalapit sa swimming pool. Kukuhanin ko yung cellphone niya at uutusan ko si Travis na ipaayos yun para hindi na siya magalit.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now