Chapter 16

12.6K 264 20
                                    

Five years have passed at ngayon ay malalaki na yung mga bata. Inalagaan at pinalaki ko silang dalawa ng maayos. Pero magkaibang magkaiba ang personalities nila. Active at palaging masaya si Xhantel habang si Xavier naman ay laging walang emosyon at palaging nagbabasa ng libro. Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon papunta sa school nila para sunduin yung dalawa. Nag leave kase yung yaya nila for 1 week dahil nasa hospital yung anak niyo. Pinayagan ko naman siya at nagbigay na din ako ng kaunting tulong.

Card viewing nila Xavier at Xhantel ngayon kaya kailangan kong pumunta upang pumirma sa card nila.  Feeling ko nga late na ako dahil alas dos ng hapon ang simula. Busy kase ako ngayon sa trabaho at marami pa akong kailangang tapusin. Nang makarating na ako sa school nila ay agad akong bumaba sa kotse at pumasok sa loob. Dumiretso na agad ako sa classroom nilang dalawa at pumasok.

“Good Afternoon Teacher Lyka. I'm Pearl Maxine Sandoval, the mother of Xavier Max and Xhantel Macy Sandoval. I'm sorry for being late, i just got stuck with something important.” paghingi ko ng paumanhin sa kaniya.

“It's okay Ms Sandoval, eto nga po pala yung card ni Xavier at Xhantel. Your son and daughter was impressive. Parehas silang matalino at palaging sumasali sa mga activities.” puri ni Teacher Lyka sa mga anak ko. Nakakatuwa dahil lumaki silang dalawa na parehas mahilig mag aral. Agad kong pinirmahan yung mga card nila at napangiti dahil puro line of 9 yung mga grade nila. Ibinalik ko na kay Teacher Lyka yung card at lumapit na ako dun sa mga bata.

“Mga anak nandito na si Mommy. How was school Xavier, Xhantel?” tanong ko sa mga anak ko bago ko sila hinalikan sa pisnge. Xhantel looks so happy while Xavier was bored.

“Today was amazing Mom. We draw a lot of things, i draw Kuya Xavier, you Mommy and....... Daddy” nang banggitin niya ang salitang daddy ay bigla siyang natahimik. Bakit parang naging malungkot siya? Ang saya saya niya pa kanina, pero ngayon malungkot na siya.

“That's great baby, how about you Xavier?” pag iiba ko ng usapan. Ayaw kong umabot ang usapan namin tungkol kay Xander.

“Boring as always, i rather stay at home and read books.” masungit na saad niya bago isara yung libro. Kung anong bait ni Xhantel ay siya namang sungit ng anak kong ito. Manang mana talaga siya dun sa ama. Magkamuka na nga sila magka ugali pa.

“Mom bakit po kulay gray yung mata namin ni Kuya? Madami po kaming kaklase ang nacucrious dahil hindi naman daw po gray yung eyes niyo.” biglaang tanong ni Xhantel. Bigla akong napatigil dahil sa itinanong niya. Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na kaya kulay gray ang mata nila ay dahil sa kanilang ama. Sigurado akong kapag sinabi ko iyon ay itatanong nila kung sino yung ama nila.

“Ah kase anak..... ganyan na talaga yung mga mata niyo nung ipinanganak ko kayo.” pag papalusot ko. Muka namang nakumbinse ko si Xhantel at sabay sabay kaming naglakad papalabas. Akmang lalabas na kami sa gate ng bigla akong tawagin ni Teacher Lyka.

“Ms Sandoval, nakalimutan ko nga pa lang sabihin sa inyo na sa susunod na buwan ay magkakaroon ng family day. Kailangan kasama ang buong pamilya at magkakaroon po yun ng mga palaro at masasayang activities.” family day? Kung hindi ako nagkakamali program yun sa school kung saan kasama mo yung nanay at tatay mo.

“Sige susubukan kong umatend kapag hindi ako busy.” huling aniya ko bago kami tuluyang lumabas. Sumakay na sila Xhantel at Xavier sa kotse kaya sumakay na din ako.

“Mommy okay lang po ba if pumunta tayo sa park? Gusto ko din pong kumain ng ice cream.” wika ni Xhantel nang makapasok ako sa loob. Tapos na naman ang trabaho ko kaya pumayag ako at nagsimula na akong magmaneho papunta sa parke.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na din kami sa park at bumaba na din kami agad. Nagpabili silang dalawa ng ice cream at burgers and fries. Habang kumakain kami ay may naalala ako dito sa park na ito. Dito kase ako sa lugar na ito nak*dnap noon. Habang naglalakad ako napansin kong may van na sumusunod sa akin. Grabe ang kaba na naramdaman ko noon kaya mas binilisan ko yung paglalakad pero naabutan nila ako at may itinakip sila sa ilong ko na nakapag patulog sa akin. Pagod na pagod na ako noon tapos may biglang isang itim na van ang tumigil sa may harapan ko at may mga lalaking lumabas dito at tinakpan nila yung bibig ko. Hanggang sa nakatulog ako at nagising na ako doon sa hideout nila Xander.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now