Chapter 19

13.3K 277 37
                                    

“Mommy let's watch a movie.” aniya ni Xhantel habang nakahawak sa laylay ng dress ko. Kanina niya pa ako inaaya kaya this time pumayag na ako. Agad ko itong binuhat at naglakad na kami papunta sa sala. Kasalukuyan kaming nandito sa mansion ni Xander dahil simula nung natapos na ang operasyon ni Xhantel ay lagi na nilang hinahanap si Xander.

Gusto din naman silang makasama ni Xander kaya pumayag na lang ako. Maayos na ang relasyon niya sa mga bata pero wala na talaga kaming pag asang magkabalikan. Sinabi niya sa akin na hindi na daw kami pwedeng magkaroon ng relasyon dahil may minamahal siyang iba. Gusto niya lang talaga makasama yung kambal kaya kami nandito sa mansion niya ngayon. Nirespeto ko naman yung desisyon niya dahil wala akong karapatan tumanggi. Mahal ko pa siya pero kung hindi na niya ako kayang mahalin ay wala akong magagawa.

“Aling Sali padala po nung mga pagkain sa sala.” saad ko bago kami tuluyang makalabas mula sa kusina. Naabutan kong naka upo na si Xavier sa sofa habang hinihintay kami ni Xhantel. Agad kong ibinaba si Xhantel sa may sofa para makapag simula na kaming manood. Nang bubuksan ko na yung Tv ay may biglang nagsalita mula sa likuran namin.

“Are you going to watch a movie?” tanong ni Xander habang inaayos yung kwelyo ng damit niya. Aalis siya? Saan kaya siya pupunta?

“Daddy you're not gonna watch the movie with us? I thought you said that you're gonna stay here with is today?” malungkot na tanong ni Xhantel sa ama niya. Nangako kase si Xander sa kambal na manonood ito ng movie kasama sila. Pero marami kasing meeting si Xander kaya naintindihan ko naman.

“Anak marami kasing meeting si Daddy niyo kaya kailangan niya umalis ngayon.” aniya ko. Nagulat ako ng biglang hubadin ni Xander yung coat niya. Anong ginagawa niya? Malalate na kaya siya.

“Okay I'll stay here baby, so what movie are we gonna watch?” aniya niya bago umupo dun sa tabi ng kambal. Nabigla ako dahil hindi na siya umatend ng meeting para manood ng movie. Umupo na lang din ako sa tabi nila at nagsimula na kaming manood ng movie. Kitang kita ko kung gaano kasaya yung kambal habang kasama yung ama nila. Masakit man sa akin na palagi kong nakikitang may kasamang babae si Xander pero ayaw ko namang ilayo yung mga bata sa kaniya dahil lang sa nasasaktan ako. Handa akong tiisin lahat ng sakit maging masaya lang yung kambal.

_

_

Kasalukuyan akong nagma-make up dahil may pupuntahan kami nila Camille ngayon. Ilang taon na din kase ang nakalipas simula nung huli namin nakita si Sevy. Isa siya sa naging kaibigan ko nung napasok pa kami sa school. Matagal na kaming hindi nagkikita dahil nabuntis na pala siya nung math teacher namin. Matagal na niya kaseng sinisinta si Sir Tyler at mabuti naman dahil sila ang nagkatuluyan. Si Crystal naman ay niligawan nung doctor sa clinic namin. Napagpasyahan naming magkita kita ngayon sa isang resto-bar para makapag chikahan.

Nang matapos na ako mag make up ay agad kong sinuot yung red fitted dress ko. Nag chat na sa akin si Camille kanina at papunta na daw siya dun. Kaya nag mamadali akong nagsuot ng slim bag bago lumbas mula sa kwarto ko. Nasabi ko nanaman kay Xander na may pupuntahan ako kaya siya muna ang mag aalaga sa mga bata. Pumayag naman siya at nagpa alam na din ako sa mga bata.

Hinalikan ko na sila Xhantel at Xavier sa noo bago ako lumabas sa mansion. Nagpahatid ako sa driver papunta sa restaurant dahil baka ma late pa ako. Ilang minuto din ang nakalipas bago ako makarating sa Kiel's Resto-Bar. Nirecommend nila ito sa akin dahil maganda daw ito. Agad akong nagpasalamat sa driver bago bumaba. Pumasok na ako sa loob para hanapin sila pero hindi ko sila makita. Agad akong lumapit sa isang waitress at tinanong ko ito kung may nagpa reserve ba dito ng table na may pangalang Camille. Agad nila akong sinamahan papasok sa isang private room kung saan nag iinom sila Camille, Hannah at Sevy. Nag iinom na agad sila? Hindi pa nga kami nakakapag kwentuhan lasing na agad sila.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now