Chapter 24

12.1K 228 77
                                    

“Camille nasaan na yung yogurt ko dito sa ref?” tanong ko kay Camille. Kasalukuyan silang nasa sala ni Hannah at nung kambal, nanonood sila ng movie habang ako naman ay nandito sa kusina dahil nagugutom ulit ako. Kanina lang ay kumain na ako ng carbonara na dala si Hannah pero gutom na nanaman ako.

“Yung strawberry yogurt ba Pearl? Pasensya na kinain ko kase kanina.” aniya ni Camille. Kinain na niya? Ano ba yan kanina ko pa gusto kainin yun. Paubos na din kase yung stock ko nun at isa na lang ang natitira, yun pala kinain na ni Camille. Kaya wala akong nagawa kundi bumalik sa sala at umupo. Nagugutom pa din talaga ako, makapag isip nga ng kakainin.

Si Hannah, Camille at yung kambal ang kasama ko ngayon sa bahay. Nasa business trip si Xander at malapit nang mag isang buwan since nung last na nagkita kami.

Huli pa kaming nag kasama nung araw na nailigtas namin si Xhantel at Xavier. Naaalala ko tuloy yung ginawa namin sa abandonadong building na iyon. Sabi ni Xander one round lang daw pero inabot na kami ng umaga doon sa building na yun. Isang round lang daw pero naka limang round ata yung lalaking yun sa akin. Ayaw ba naman akong tigilan, kapag pinipigilan ko siya pilit niyang sinasabi na h*rny pa rin siya at one last round na lang daw. Mag tatanghali na ata kami naka uwi sa bahay at kinagabihan ay umalis siya dahil sa business trip.

“Naka simangot ka nanaman besh? Miss mo na ba si Xander?” tanong ni Hannah habang nakatingin ito sa akin.

“Gusto ko na siyang makita pero dalawang buwan ata ang business trip niya. Baka sa susunod na buwan pa siya makaka uwi.” aniya ko bago bumuntong hininga. Hindi na ako masyadong nag lilinis dito sa bahay dahil madali na akong mapagod. Sila Aling Sali at yung ibang mga maid ng mansion ang nag lilinis at nag aayos ng mga gamit dito. Palagi pati akong nakakatulog at nagugutom.

“Hayss buti na lang hindi masyadong busy si Tanner ngayon. Yan lang ang mahirap kapag may ari ng isa sa pinaka malaking company ang asawa mo. Palagi siyang busy dahil sa mga business meetings. Pero okay lang yun dahil kasama mo naman kami ni Hannah. Tutulungan ka naming alagaan yung kambal habang wala pa sila Xandrea at Hunter.” aniya niya na nag pangiti sa akin. Napaka bait talaga ng mga kaibigan ko. Wala sila Hunter at Xandrea dahil pumunta sila ng Hongkong dahil may kailangan silang gawin doon para sa company nila.

Hindi na lang ako sumagot at binuksan ko yung cellphone ko. Nabigla ako ng may nag message sa akin. Unknown number ito at parang may sinend itong picture. Nagulat ako nang makita ko yung sinend na picture nung uknown number.

Akala ko ba nasa business trip si Xander? B—Bakit siya nasa beach habang may kausap na magandang babae. Hindi lang isa ang picture ni lang dalawa kundi lima. Isang picture habang umiinom sila ng alak, habang nag uusap sila, habang naliligo sila sa dagat, habang papasok sila sa hotel at ang pinaka huli ay habang mag kayakap sila nung babae.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. T—Totoo ba ito? Please tell me it's a lie! Hindi ito pwedeng mangyari! Paano mo nagawa ito sa akin Xander? Bakit ka nag sinungaling?!

Malapit nang tumulo ang luha ko kaya agad akong nagpa alam sa kanila at tumakbo papasok sa kwarto namin. Paulit ulit kong tinitingnan yung picture, umaasang namamalik mata lang ako pero totoo itong nakikita ko. May kasama siyang ibang babae habang nag sasaya siya sa beach.

Nabigla ako ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto namin at iniluwa non si Xander. Malamig siyang nakatingin sa akin. Dahil sa galit ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong komprontahin siya.

“Totoo ba ito Xander?! Sino yung kasama mong babae sa beach?” galit na saad ko sa kaniya pero ngumisi lang siya.

“Oo totoo yan, ano naman sayo kung may babae ako? Akala mo ba magiging loyal ako sayo porket may anak tayo? Why would I be with someone like you if i could be with her. She's beautiful unlike you, you look so ugly. You gained weight and you have a lot of pimples. Sawang sawa na ako sayo!” natatawang aniya niya. Hindi ako makapaniwalang nasabi niya sa akin yun. Bakit ka nagkakaganito Xander? Anong nangyayari?! Bakit parang nag iiba ka nanaman? May nagawa nanaman ba ako na ayaw mo?

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now