Chapter 17

12.7K 272 37
                                    

“Oo may anak tayo. Kambal sila”aniya ko na nagpagulat sa kaniya. Ayaw ko mang malaman niya pero huli na ang lahat. Nakita na ni Xander si Xavier at nakita na ni Xavier si Xander. Dapat pala hindi ko na isinama si Xavier. Nagkita pa tuloy sila ng ama niya.

“What do you mean na may anak tayo?” galit na tanong niya sa akin. Nagulat ako sa reaksyon niya. Akala ko pa naman matutuwa siya kahit kaunti. Sabagay hindi na dapat ako nagtataka may pamilya na nga pala siya. Para sa kaniya magiging sagabal si Xavier at Xhantel kapag nalaman nung asawa niya na may anak siya sa labas.

“Anong klaseng tanong yan Kuya? Malamang gumawa kayo ng kababalaghan kaya nabuo si Xavier at Xhantel.” aniya ni Hunter bago umirap. Oo nga naman, kailangan niya pa ba itanong kung bakit kami may anak? Common sense Xander!

“Nabuo po kami dahil sa kababalaghan? Ano po yung kababalaghan?” inosenteng tanong ng anak ko sa aming dalawa ng ama niya. Bakit naman kase kailangan pang sabihin ni Hunter yun sa harapan ng anak ko! Nagtanong pa tuloy si Xavier. Akmang sasagutin ko na sana si Xavier nang unahan ako ni Hunter.

“Kababalaghan? Yun yung ginagawa ng babae at lalaki para magkaroon ng baby. Napapasigaw sa sarap ang babae kapag ginagawa nila yun.” natatawang ani ni Hunter. Sira*lo talaga itong lalaking toh! Nabigla ako ng biglang lumapit si Xander at binatukan siya nito.

“Yung bunganga mo Hunter! Alam mo namang bata yung nagtatanong tapos ganyan isasagot mo? Sira*lo ka ba?” galit na aniya ni Xander sa kapatid.

“Mommy gusto ko na po bumalik sa hospital. Gusto ko na pong makita ulit si Xhantel at si Tita Xandrea. Balik na po tayo.” pamimilit ng anak ko habang nakayakap sa may binti ko. Naiinip na siguro siya at namimiss na niya yung kapatid niya. Lakas loob akong nakipag titigan sa kaniya bago ako nagsalita.

“Tulungan mo ako kahit dito lang Xander. Kailangan lang ni Xhantel yung dugo mo. May leukemia siya at hindi kami magkapareho ng blood type. Type O ang dugo ko habang si Xhantel naman ay Type AB negative. Sinabi sa akin ni Xandrea na ikaw ang may Blood Type AB negative kaya sayo ako humihingi ng tulong”handa na akong lumuhod sa harapan niya kapag hindi pa siya pumayag. Kailangan ni Xhantel ang dugo niya para maging ligtas siya.

“Ipinapangako ko kapag natapos na ito ilalayo ko na sila. Alam ko naman na may pamilya ka kaya kami na ang didistansya para hindi masira ang pamilya mo.” pagmamakaawa ko sa kaniya. Kinakabahan ako dahil baka magalit at hindi siya pumayag na mag donate ng dugo para kay Xhantel. Para sa anak ko handa akong gawin ang lahat huwag lang mapahamak at mahirapan.

“Okay I'll help you with your problem,  but after these I want you to leave me alone. I don't need your f*cking children in my life. Pagkatapos ko kayong tulungan, huwag na kayong magpapakita sa akin. Masisira ang reputasyon ko kapag may naka alam na may anak ako.” malamig na saad niya. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya ang salitang yun. Nang mapabaling ang tingin ko kay Xavier ay tumutulo na ang luha nito. Napansin din ito ni Hunter kaya binuhat niya kaagad si Xavier.

“How could you say that infront of your child? Are you crazy? Alam mo ba ang paghihirap ni Pearl habang inaalagaan niya yung mga anak mo? Napaka walang kwenta mong ama! I'm ashamed that your my older brother!” galit na sigaw ni Hunter sa kapatid habang pinapatahan si Xavier. Sa mga oras na ito ay umiiyak na si Xavier. Nasaktan siguro siya sa sinabi ng ama niya. Nasaktan siya dahil walang pakielam sa kaniya yung ama niya.

“Sige, kung yan ang gusto mo wala akong magagawa. Pagkatapos ng operasyon ni Xhantel, hindi ka na namin guguluhin at hindi mo na din kami makikita. Handa akong gawin lahat para kay Xhantel.” aniya ko bago ko inilahad ang aking kamay. Masakit man sa akin na wala na talaga kaming pag asa ng mga anak ko sa kaniya pero wala akong magagawa. Inilahad niya din ang kaniyang kamay at nag shake hands kami. Sinabi ko na sa kaniya yung mga detalye bago ako lumabas ng opisina niya. Umiiyak pa din si Xavier hanggang ngayon habang kalong kalong siya ni Hunter.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt