Chapter 20

13.8K 269 40
                                    

“Who are you with? Bakit amoy pabango ka ng lalaki? Sinong kasama mong lalaki kanina Pearl?! Answer me!?”galit na tanong ni Xander habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Gusto kong sabihin sa kaniya na nasasaktan na ako pero hindi ako makapag salita. Natatakot ako dahil baka saktan niya ako kapag nag salita ako kaya nanatili akong tahimik. Nabigla ako ng itinulak niya ako sa sofa bago niya ako pinatungan at hinawakan ang magkabila kong kamay.

“Sumagot ka Pearl!” nakakabingi niyang sigaw sa akin. Bakit ba siya nagagalit? Ano naman kung may kasama nga akong lalaki? Akmang itutulak ko na siya nang may biglang nag bukas nung pinto. Agad kaming napatingin sa pumasok at nagulat ako nang may makita kaming dalawang hindi masyadong katandaan na lalaki at babae na nakatingin sa amin ngayon.

They both look shock nang makita nila ang pwesto namin ni Xander ngayon. Para kasi kaming gumagawa ng kababalaghan sa pwesto namin ngayon. Agad kong itinulak si Xander bago tumayo. Hindi ako makatingin sa kanila dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon. Perfect timing naman yung pag pasok nila.

“What are you doing here Mom and Dad?” tanong ni Xander na nagpagulat sa akin. Nanay at Tatay niya yung dalawang yun? Hindi ako makapag salita dahil sa gulat. Agad kong inayos ang sarili ko dahil pupunta na ako sa kwarto nung kambal. Akmang mag lalakad na ako papaalis nang tawagin ako ng Mama ni Xander.

“Ija, you must be Pearl Maxine Sandoval? The mother of my two cute grandchildrens.” masayang aniya niya bago lumapit sa akin. Kung tingnan niya ako ay parang matagal na niya ako gustong makita.

“Kilala niyo po ako?” nagtatakang tanong ko sa kaniya. Paano naman kaya ako nakilala ng Mama ni Xander. Bukod kay Xandrea at Hunter wala na akong ibang nakilala pa na kamag anak ni Xander.

“Oo naman Pearl, ikinukwento ka sa akin ni Xandrea tuwing magka usap kami sa video call. Kagaya nga ng sinabi ni Xandrea mas maganda ka sa personal. Sobrang saya ko noon nang malaman kong magkaka apo na ako. By the way, nasaan yung mga bata?”Teka, matagal na niya ako kilala?

“A—Ah tulog na po ata yung mga bata. Kakauwi ko lang po kaya hindi po ako sigurado.” aniya ko. Ang pangalan ng Mom ni Xander ay Xandra habang ang Dad naman niya ay Marcus.

“Ah ganun ba, sige bukas ko na lang sila pupuntahan. Kailangan na din naming umuwi dahil may meeting pa si Marcus bukas. Sige na magpahinga na kayong dalawa.” aniya ni Tita Xandra bago niya ako niyakap.

“Pag pasensyahan niyo na si Marcus, kausap niya kase ngayon yung mga ka business partner namin. Dumaan kami sandali dito dahil akala ko ay gising pa yung kambal. Sige aalis na kami, pupunta ako dito bukas ng hapon para makita yung mga apo ko. Tara na honey maaga pa ang gising mo bukas.” huling aniya ni Tita Xandra bago sila lumabas ni Tito Marcus. Pinilit kong hindi matumba kanina habang kausap ko sila. Kanina pa kase talaga ako nahihilo at gusto ko nang matulog. Si Sevy kase umorder ng sandamakmak na alak kanina dahil broken ang babaitang yun. Dahil sa pagod ay napagpasyahan ko nang pumunta sa kwarto nung mga bata dahil sa inaantok na ako.

“Where do you think you're going? We're not done talking Pearl. You still didn't answer my questions.” malamig na aniya ni Xander pero hindi ko siya pinansin.  Nag dirediretso ako sa paglalakad at hindi na ako lumingon pabalik sa kaniya. Akmang ihahakbang ko na yung paa ko nang bigla akong matumba. Biglang lumabo ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.

“Pearl! What happened?” nag aalalang tanong niya bago niya ako tinulungang makatayo. Pinag papawisan ako ng sobra dahil sa sobrang init. Dahan dahan niyang hinipo ang ulo at leeg ko.

“Napadami ang ininom mong alak. Kailangan mong maligo para mahimasmasan ka. Halika dadalhin kita sa may banyo.” saad nito bago niya ako tinulungang makatayo. Inalalayan niya ako papaakyat ng hagdan. Nagulat ako nang sa kwarto niya ako dinala. Sobrang dilim ng kwarto niya at walang kailaw ilaw dito.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon