Chapter 13

12.7K 258 23
                                    

Nagising ako nang makarinig ako ng ingay mula sa aking paligid. Nang imulat ko ang aking mata ay naabutan kong umiiyak si Hannah habang pinapakalma siya ni Camille. Anong nangyayari? Gusto ko silang tanungin kung ano ang nangyayari pero hindi ako makapag salita. Agad na lumapit sa akin si Camille nang mapansin niyang gising na ako.

“Pearl, sa wakas nagising kana. Sobra na kaming nag aalala para sa kalagayan mo.” nag aalalang ani ni Camille. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ko tuluyang maalala ang lahat ng nangyari sa akin.

“Nasaan yung anak ko Camille? May nangyari bang masama sa anak ko? Kamusta na yung anak ko? Maayos ba ang kalagayan niya?” sunod sunod na tanong ko sa kanila. Hindi to maaari. Hindi pwedeng mamatay ang anak ko. Anong gagawin ko? Hindi ko na napigilang umiyak habang hinihimas ang tiyan ko. Nabigla kami ng may pumasok na doctor.

“Doc ano nangyari sa anak ko? Maayos lang ba siya? Please doc sabihin mong maayos lang ang kalagayan ni baby.” humahagulgol na saad ko habang hinihimas ni Camille ang aking likod.

“Ms Sandoval calm down, maayos po ang kalagayan baby niyo. Malakas ang pagkaka kapit niya sayo kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya jan sa loob ng sinapupunan mo. Pero magiging maselan ang pagbubuntis mo kaya kailangan palagi ka lang nasa bahay. Magpasalamat tayo sa diyos na hanggang ngayon ay buhay pa din si baby.” aniya ng doctor. Parang nawala yung tinik sa aking dibdib nang malaman kong buhay pa ang anak ko. Saka lang ako nakahinga ng maluwag. Humiga na ako muli upang magpahinga.

“Ms Sandoval iwasan ang mga bagay o tao na magdudulot ng pagka stress mo. You're 2 weeks pregnant. Palagi ka dapat kumakain ng masustansyang pagkain. Kailangan din na hindi ka kukulangin sa oras ng pagpapahinga dahil yan ang kailangan ni baby sa ngayon. Ipapaabot ko na lang sa nurse yung mga gamot na kailangan mong inumin. Excuse me.” ani ni Doc bago lumabas mula sa aking kwarto.

“Salamat sa diyos, walang nangyari sa inyong dalawa ng baby mo Pearl. Bakit ka ba dinugo? At bakit wala pa rin hanggang ngayon dito si Xander?” nagtatakang tanong ni Camille. Bigla akong natahimik at hindi ko alam ang aking sasabihin. Paano ko ba sasabihin sa kanila na wala na kami ni Xander? Na ginamit lang pala ako nung lalaking yun para pangpalipas oras.

“Wala na kami ni Xander.” saad ko sa kanila bago magpunas ng luha.

“What do you mean wala na kayo? Parang kanina lang nung nasa restaurant tayo maayos pa kayong dalawa?”tanong ni Tanner. Maayos pa kami kanina, parang nagsisisi ako na umuwi ako sa mansion niya kanina. Muntik pa tuloy mapahamak si baby.

“Yung greatest love niya, bumalik na.”

“Si Kharylle? That st*pid girl ang kapal naman ng muka niyang bumalik? Hindi ko talaga alam kung bakit napakakitid ng utak ni Kuya.” galit na ani ni Hunter na kumuha ng atensyon naming lahat. Kuya? Si Xander ba yung tinutukoy niya?

“Kuya? Magkapatid kayo ni Xander?” nagtatakang tanong ko. Paano? Paano sila naging magkapatid? Magka away sila diba? Akmang sasagutin niya na yung tanong ko ng may biglang pumasok.

“Anong ginagawa mo dito Xandrea?” gulat na tanong ni Hunter sa babaeng kakapasok lang. Teka parang siya yumg kapatid ni Xander. Yung may kaaway sa mansion kanina?

“Checking on Pearl. Buti na lang nag chat si Kuya Tanner kaya nagpunta na ako kaagad dito. So kamusta na yung lagay ng magiging pamangkin ko?” biglaang tanong niya habang nakaturo sa may tiyan ko. Yung anak ko ba ang tinutukoy niya?

“Maayos naman ang kalagayan ng magiging pamangkin natin. Mabuti na lang at malakas ang pagkaka kapit niya kay Pearl.” pagpapaliwanag ni Hunter sa kapatid.

“I'm not supposed to reveal this pero since nacucrious ka Pearl ipapaliwanag ko na. Xander Ethan Montellarez and Xandra Elaine Montellarez are the first childrens of Marcus and Xandara Montellarez. They are twins and I'm the younger son of them, Hunter ,Gerald Montellarez ” bigla akong napanganga dahil sa sinabi ni Tanner. Magkakapatid silang tatlo? Saka Montellarez din pala si Hunter? Paano nangyari yun?

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now