Chapter 10

14K 287 28
                                    

Hindi ako mapakali ngayon habang naglalakad na papalapit sa amin ngayon si Xander. Masama ang hilatsa ng muka niya habang nakayukom ang kamao. Nabigla ako ng hawakan niya ako ng mahigpit at hinigit niya ako papalabas ng VIP Room. Wala naman akong magawa kundi magpatangay sa kaniya. Nagulat ako ng bigla niya akong ipinasok sa isang kwarto at itinulak niya ako sa may kama.

“What the f*ck do you think you're doing? How could you let him kiss you?!” galit na sigaw niya sa akin. Aba siya pa ang galit? Ano namang pakielam niya kung nakikipag halikan ako kay Tanner? Akala ko ba ayaw niya na sa akin? Saka may bagong babae na siya diba?

“Bakit mo ako dinala dito? Ano bang problema mo? Ikaw nga dito sa ating dalawa ang nakipaghiwalay diba? Saka diba sabi mo nagsasawa kana sa akin? Tigilan mo na ako Xander.” galit na sabi ko at akmang maglalakad na ako papalabas ng higitin niya akong muli bago pinatungan. I was caught off guard when he suddenly kiss me. He was kissing me hungrily but i didn't respond. Pilit ko siyang tinutulak pero hinuli niya ang dalawa kong kamay at hinawakan ito.

“Ano ba Xander bitawan mo ako hmmm~” hindi ko mapigilang mapa ung*l ng bigla niyang hawakan ang kaliwang s*so ko habang nilalamas niya ito

“Don't forget that you're mine Pearl. I own you, you belong to me.” aniya niya habang tinatanggal yung zipper ng dress ko. Dahil sa galit ay malakas ko siyang tinulak at tumakbo papunta sa pinto. Binuksan ko ito at tumakbo papalabas. Hindi na ako tumingin sa may likuran ko at patuloy pa din akong tumakbo.

Tumigil ako sa pagtakbo at tinawagan ko si Tanner. Mabuti naman at naka alis na ako sa lugar na iyon. Naiinis ako kay Xander dahil pagkatapos niya akong pagsawaan sasabihin niya na pagmamay ari niya ako? Ang kapal naman ng muka niya. Pagkatapos niya akong saktan akala niya kapag binalikan niya ako ay papayag ako? Hindi ako desperado. Oo alam kong mahal ko pa siya pero sinaktan niya ako.

Maya maya lang ay may tumigil na sasakyan sa harapan ko at sumilip si Tanner. Sa wakas nandito na din siya. Sinenyasan niya ako na pumasok na sa loob kaya pumasok na din ako kaagad.

“Buti nalang nakatakas ka dun sa lalaking yun. Ito ang unang pagkakataon na nagselos siya kahit wala na kayong relasyon. Yung mga babaeng nagiging girlfriend niya noon ay hindi niya na pinapansin pero pag dating sayo, nagseselos nanaman siya. Buti nga nakatakas ako kay Sean at Travis, ikinulong nila ako kanina sa isang kwarto kanina, buti nalang walang bantay ito at nakatakas ako.” aniya niya habang nagsisimula nang mag maneho. Napansin kong nag iba ng daan si Tanner habang papauwi na kami. Hindi na ba kami sa mansion niya uuwi?

“Saan tayo pupunta Tanner?” tanong ko sa kaniya.

“Doon sa bahay ko sa Laguna. Delikado tayo ngayon dito sa Maynila. Alam kong ipapahanap tayong dalawa ni Xander kaya kailangan nating umalis ng Maynila. Dala ko naman yung susi ng bahay at may mga stock na din ng pagkain doon kaya hindi na natin kakailanganing lumabas.” pagpapaliwanag niya. Kailangan ba talaga naming umalis ng Maynila? Ayaw ko mang umalis pero natatakot na ako kay Xander. Baka kung ano pang masama ang gawin niya sa amin ni Tanner. Hindi ko napipigilang mag alala dahil baka guluhin nanaman niya si Camille. Huwag naman sana niyang guluhin o saktan si Camille para lang bumalik ako sa kaniya.

Ilang oras din ang ibinyahe bago kami makarating sa isang hindi kalakihang bahay. Hindi man ito kaseng laki ng mansion pero maganda ang disenyo ng bagay na ito. Agad kaming bumaba sa kotse at  pinagbuksan ng gwardiya ng pintuan. Namangha ako ng makita ko ang loob nito. Maraming chandelier ang nakasabit doon at maraming magagandang frame. Ngunit ang nakakapag taka, may gwardiya dito pero walang mga katulong.

“Matagal nang walang nakatira dito kaya walang katulong dito. Binibisita ko ito kada buwan, dito ngayon tayo magpapahinga. Sigurado na akong hindi tayo mahahanap ni Xander dito.” aniya niya bago hubadin yung suot niyang coat. Pinagpapawisan na kase siya dahil siguro sa kaba. Kahit ako ay kinakabahan dahil baka malaman ni Xander kung nasaan kami. Pero nasa Laguna na kami, sigurado akong sa Maynila niya lang kami ipapahanap, kung sakali man.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon