Chapter 22

13.3K 243 16
                                    

Kasalukuyan akong naka upo ngayon dito sa loob ng office ni Xander habang nag titipa siya sa laptop niya. Kanina pa kami nandito at naiinip na ako sobra. Nasa school pa yung mga bata at mamaya pang hapon ang uwian nila. Napansin siguro ni Xander na naiinip na ako kaya agad itomg nag tanong sa akin.

“Are you bored baby? Do you want to go somewhere?” tanong niya habang patuloy pa rin ang pag titipa niya sa laptop niya. Sa totoo lang gusto ko na umuwi pero marami pa siyang ginagawa. Sinabi ko naman sa kaniya na mag isa na lang ako uuwi pero ayaw niya pumayag.

“Medyo naiinip na ako Xander. Anong oras ka ba matatapos jan?” tanong ko sa kaniya. Nabigla ako ng isarado niya yung laptop niya bago niya ako nginitian.

“Let's go home then. Mas gugustuhin ko pang makipag yakapan sayo sa mansion kesa mag stay dito. Saka para masundo natin yung mga bata mamaya.” aniya niya bago tumayo at naglakad siya papalapit sa akin. He kissed me on my lips nang makatayo ako sa kinauupuan ko. Namula ako ng parang kamatis dahil sa ginawa niya.

“I love you baby.” malambing na saad niya bago niya kinuha yung susi ng kotse niya sa may tabi ko. Ilang taon na din ang nakalipas pero baby pa din ang tawag niya sa akin.

“Bakit baby pa din ang tawag mo sa akin? Ilang taon na ang nakalipas pero you still call me baby.” tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako bago sumagot nang..

“Because you're still my baby, pero soon wife na ang itatawag ko sayo.” nakangiting saad niya bago kami lumabas ng office niya. Matagal na din nung nag kasama kaming dalawa ng matagal dahil lagi naming kasama yung kambal nung nakaraan.

Agad kaming sumakay sa elevator at nang makababa na kami ay lumabas na din kami kaagad. We we're about to go inside the car when my cellphone ring. Unknown number ito pero sasagutin ko pa rin kaagad dahil baka importante. Nauna nang pumasok si Xander habang ako naman ay lumayo ng kaunti sa kotse niya para sagutin yung tawag

“Hello” aniya ko dun sa tumawag. Ilang segundo din ang nakalipas bago mag salita yung tumawag. Nakakapag taka dahil tumatawa lang ito. Wrong call ba ito?

“Hello? Kilala ba kita? Baka na wrong call kal—” hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla itong mag salita.

“Hello Pearl” saad niya mula sa kabilang linya. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na iyon. Hindi ako pwedeng magka mali. S—Si Jerson ang nagmamay ari ng boses na iyon. Bakit siya tumatawag? Akala ko pa naman hindi ko na siya makikita pa kahit kailan. Bakit bumalik pa siya.

“Why aren't you talking my Pearl? Did you miss me so much that you couldn't even speak when you heard my voice?” natatawang aniya niya. Nag sisimula na akong manginig sa takot. I never thought na malalaman niya pa kung ano ang number ko pagkatapos ko siyang i-block noon.

“Kanino mo nakuha ang number ko? Bakit ka pa tumawag Jerson. Please lang tigilan mo na ako.” pagmamakaawa ko sa kaniya. Magkakaroon nanaman ako ng problema ngayon.

“Don't be like that my Pearl. I miss you so much and i wanted to see your beautiful face tonight. Let's meet tonight” saad niya. Seryoso ba siya? Matapos niya akong takutin noon makikipag kita ako sa kaniya?!

“Hep, you can't say no to me my Pearl. Kase kung hindi ka papayag, hindi mo na makikita yung dalawa mong anak.” pag babanta niya sa akin. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko nang sabihin niya ang salitang yun. Anong ibig sabihin niya sa dalawa mong anak? Hindi maaari! Huwag naman sana mangyari yung nasa isip ko.

“Anong ibig mong sabihin Jerson? Nasaan yung mga anak ko? May ginawa ka bang masama sa kanila? Sumagot ka Jerson!”hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Ano na lang gagawin ko kapag may nangyaring masama dun sa kambal? Hindi ko hahayaang mapahamak sila. Mahal na mahal ko ang mga anak ko.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now