Chapter 4:

18.3K 385 67
                                    

It's been 2 weeks since nung sumama ako kay Xander dito sa Villa niya. Sobrang laki ng bahay niya at sobrang dami ng mga guards at maid. Palagi siyang malambing sa akin at hindi na niya ako sinisigawan. Na eenjoy ko kapag kasama ko siya, ngayon ko lang din napansin na kapag sumusunod ako sa gusto niya ay hindi siya nagagalit. May nangyayari sa amin pero kapag ginagawa ko iyon kasama siya ay hindi na ako naiilang. Para bang magkasintahan na kami. Pero hindi pa rin ako sigurado dahil hindi niya pa linilinaw sa akin ang relasyon namin.

Nandito ako ngayon sa garden dahil iniintay ko siya. Mag aalas siyete na at wala parin siya sa bahay. Parang dati ay mag aalas kwatro ay nasa bahay na siya ah. Medyo kinakabahan na ako dahil baka mamaya mangyari nanaman yung nangyari sa kaniya noong papunta palang kami dito. Papaano kung mag away nanaman sila ni Hunter. Teka bakit ba ako nag aalala sa kaniya? May feelings naba ako sa kaniya? Hindi kaya mahal kona siya? Hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko pero palaging tumitibok ng malakas ang puso ko kapag magkasama kami.

Lumipas ang isa pang oras pero wala pa rin siya. Napagpasyahan kong pumasok na dahil lumalamig na at doon ko nalang siya aantayin. Pero ng pumasok ako sa loob hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. S—si Xander may kahalikang i—iba?

Hindi ko alam pero parang nasaktan ang puso ko. Bakit ba ako nasasaktan? Wala naming kaming relasyon diba? Bakit pa ako nagtaka? Wala lang naman ata ako sa kaniya eh. Nabigla ako ng maramdaman kong tumutulo na ang luha ko. Agad ko itong pinunasan nang mapatingin sila sa akin.

“Creep!! Sino ka ang ginagawa mo dito” malakas na sigaw nung babae habang tinatakpan yung katawan niya.

“Don't worry she's just my cousin. Pearl go to your room. Let's continue it babe” aniya niya bago halikan yung babae. Agad akong tumakbo papa akyat ng hagdan dahil mas lalo akong naiyak ng ipakilala niya ako bilang pinsan? Dalawang linggo palang ang nakakalipas nagsawa na agad siya sa akin? Ganon ba ako kabilis pag sawaan? Sa bagay isang buwan lang nang magsawa sa akin yung first boyfriend ko na si Tanner. Pang palipas oras lang naman ata ako.

Agad akong nagtalukbong ng kumot umiyak hanggang sa makatulog.

_

Nagising ako nang marinig kong tinatawag ng maid dito yung pangalan ko. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na may pasok ako ngayon. Agad akong bumangon at lumabas sa aking kwarto. Nandito pa kaya si Xander? Makakasabay ko kaya siyang kumain? Nang makarating ako sa kusina ay ang naabutan ko lang ay yung mga maid. Nasaan kaya si Xander?

“Manang Cecilla nasaan po si Xander?” tanong ko rito bago umupo sa upuan.

“Good Morning po Ma'am Pearl, kanina papo umalis si Sir Xander. Baka nasa school na po siya ngayon” aniya niya bago ilapag yung mga pagkain sa lamesa. Umalis na ka agad siya? Bakit kaya hindi na niya ako sinasabayan katulad nung dati? Nag sawa na kaya siya sa akin?

Nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko iyon. Gusto ko na siya kaso wala na ata siyang nararamdaman para sa akin. Ganito din ba ang ginawa niya sa mga unang babaeng nagustuhan niya? Hayss. Nang matapos akong kumain ay naligo na ako at nagbihis. Lumabas ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga bodyguard at pinasakay sa kotse. Baka sila nalang ang maghahatid sa akin. Agad naman akong sumakay at naupo. Nagsimula nang umandar ang kotse at tumahimik nalang ako.

Maya maya lang ay nakarating na ako sa school at bumaba na, sinalubong ako ni Hannah/ new friend ko dito sa University. Nag kakausap pa kami ni Camille pero lumipat sila sa Batangas after nung pag kidn*p ni Xander kay Camille kaya hindi na kami masyadong nagkikita.

“Good Morning Pearl. Himala hindi ka ata hinatid ni Mr Principal/ Xander Ethan Montellarez. War ba kayo ngayon? Akala koba mag jowa na kayo?” sunod na sunod na kuda ni Hannah. Napansin niyang malungkot ako kaya agad siyang lumapit sa akin at nagtanong.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon