Chapter 15

12.9K 250 23
                                    

"Ate Danna nasaan na yung mga yogurt na binili mo? Malapit na kase magsimula yung palabas." pag tawag ko kay Ate Danna na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan. Gustuhin ko man tumayo at ako na ang kumuha non pero hindi ko kaya. Sobrang laki na kase ng tiyan ko dahil 9 months pregnant na ako. Ang due date ata ng pagbubuntis ko ay Feb 18. Ibig sabihin ay maipapanganak ko na yung kambal kong anak sa February 18. Kaya ngayon ay palagi na lang akong naka upo at nagpapahinga. Mabilis din kase akong mapagod.

"Sandali lang maghuhugas lang ako ng kamay. Strawberry flavor ba ulit?" tanong ni Ate Danna. Alam niya na agad yung favorite flavor ko.

"Oo yun ulit." aniya ko. Maya maya lang ay lumabas na si Ate Danna mula sa kusina habang may dala dalang limang strawberry yogurt at bagong hugas na strawberry. Masarap kase kapag sinasawsaw yung mismong strawberry sa yogurt. Inilapag niya ang mga ito sa lamesa kasama ang tubig. Bumalik na din siya kaagad sa kusina dahil magluluto pa daw siya ng uulamin namin mamaya.

Agad kong binuksan yung TV at ang palabas pa ay balita. Ang pagkaka alam ko ay pagkatapos ng balita saka magsisimula yung palabas. Kahapon lang nagsimula yun at nagustuhan ko kaya araw araw ko ng papanoodin yun. Habang kumakain ako ay nakuha ng balita yung atensyon. Ang kasalukuyang ibinabalita nito ay ang nalalapit na kasal ng isang business man na may ari ng maraming kompanya sa buong mundo.

"Magandang umaga po sa ating lahat, ako si Marie Kim Trillano nagbabalita. Kaninang madaling araw ay inireveal ng isa sa pinaka successful business man ang kaniyang nalalapit na kasal sa February 18. Ang business man na ito ay walang iba kundi ang nagmamay ari ng XEM Mall, XEM Hotel at XEM Corporation na si Xander Ethan Montellarez." aniya nung babae mula sa TV. Nabitawan ko yung kinakain kong yogurt dahil sa aking narinig. Ikakasal na si Xander?

Hindi na dapat ako maapektuhan ng balitang ito pero bakit ako umiiyak ngayon? Bakit nasasaktan ako? Gusto ko man pigilan ang pagtulo ng luha ko pero patuloy pa din ang pag agos nito. Ang masaklap ay ikakasal sila kung kelan ko ipapanganak ang anak namin. Bakit ang sakit na malaman na yung taong mahal mo ay ikakasal na sa iba?

"Ipinahayag niya din na sobrang saya niya ngayon dahil ikakasal na siya sa babaeng minamahal niya. Matagal na daw niyang iniintay ang araw na ito kaya pinaghahandaan niya talaga ito. Yun lang ang aking maichichika ngayong araw. Balik sayo Mr Marquez."

Kinuha ko yung tissue sa may tabi ko at nagpunas ako ng luha. Agad akong tumayo para kuhanin yung remote. Nawalan na kase ako ng gana manood. Maayos pa yung mood ko kanina pero nasira na. Akmang hahawakan ko na sana yung remote nang maramdaman kong sumakit yung tiyan ko. Hindi ko na lang ito pinansin dahil baka sumipa nanaman si baby. Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko nanaman yung pagsakit ng tiyan ko. Napatigil ako dahil dito at hinawakan ko yung tiyan ko. Napapa isip na lang ako, nalulungkot din kaya yung mga anak ko kaya sila sumisipa. Maglalakad na sana ako nang may biglang umagos na tubig mula sa hita ko.

Napako ako sa kinatatayuan ko ng biglang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako sa lamesa habang hawak hawak ko yung tiyan ko. Hindi ko maipapaliwanag yung sakit. Sobrang sakit niya, para bang manganganak na ako?

"A-Ate Danna, tulong sumasakit na yung tiyan ko." sigaw ko habang patuloy pa din ang pag agos ng tubig sa hita ko. Natatarantang lumabas mula sa kusina si Ate Danna at lunapit siya sa akin.

"Ivy! Ipahanda mo na yung sasakyan manganganak na si Pearl!" sigaw ni Ate Danna. Biglang bumukas ang pinto at pumasok yung mga guards na nasa labas. Dahan dahan nila akong binuhat at ipinasok sa loob ng kotse. Pumasok na din sila Ate Danna at Ivy sa loob at nagsimula nang mag maneho si Kuya Lary.

Mahigpit akong nakahawak sa mga kamay nila habang iniindako yung sakit na nararamdaman ko. Natatakot ako. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Papaano kung mahirapan ako sa panganganak? Paano kung hindi ko sila maipanganak ng maayos?

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now