Chapter 14

12.8K 258 30
                                    

Kasalukuyan akong naka upo ngayon dito sa kama habang naglalagay ng lotion sa aking tiyan nang may marinig akong busina mula sa labas ng bahay. Finally nandito na sila Xandrea at Hunter. Kanina ko pa talaga sila hinihintay dahil nagpabili ako ng lychee sa kanila. Wala kaseng mabilihan dito sa palengke at kahapon ko pa talaga gusto kainin yun.

Dali dali akong nagsuot ng tsinelas at lumabas ng bahay para salubungin sila. Nang makalabas ako ay naabutan kong inilalabas na ni Hunter yung mga dala nilang pagkain at mga gamit. Si Xandrea naman ay kausap yung mga gwardiya sa labas. Agad akong lumapit kay Hunter para kuhanin yung lychee.

“Hunter nakabili ka ba? Pwede ko na ba kuhanin?” nasasabik na saad ko sa kaniya. Gustong gusto ko na talaga kainin yung lychee. Paiba iba ang cravings ko every week. Nung nakaraan ay naghanap ako ng rambutan, guyabano at durian. Pero ngayon lychee naman ang pinaglilihian ko. Ewan ko ba dito sa anak ko paiba iba ng gustong kainin. Natutuwa ako dahil lumalaki na yung tiyan ko. Mag aapat na buwan na kase si baby sa tiyan ko sa sabado. Excited na nga si Xandrea na mag six months si baby para malaman na daw namin yung gender. Pero ang ikinakataka ko lang is parang masyadong malaki yung tiyan ko. Sabi nga ni Ate Danna parang six months pregnant na ako dahil sa laki ng tiyan ko.

“Siyempre naman nakabili ako. Limang kilo na ang binili ko incase na magustuhan mo at kapag naubos mo naman ay bibili na lang ako uli.” aniya niya bago iabot sa akin yung plastic na punong puno ng lychee. Bigla tuloy akong nag laway. Itsura pa lang masarap na. Kukuha na sa ako ng isang piraso ng biglang lumapit sa akin si Xandrea.

“Kamusta na kayo ng pamangkin ko? Maayos lang ba ang pakiramdam niyo? Pasensya na kung hindi kami nakadalaw dito. Kinakailangan ko kaseng bumalik ng France tapos si Hunter naman ay may business trip.” saad ni Xandrea habang hinihimas yung tiyan ko.

“Na miss ka ni tita baby. Gustong gusto ko na kayong makita.” aniya ni Xandrea. Nakakatuwa dahil nagiging emosyonal siya kapag kinakausap niya yung anak ko. Sobrang saya ko dahil kahit hindi pa lumalabas si baby ay mahal na mahal na siya ng mga tito at tita niya. Kung nabubuhay lang siguro si Mama at Papa matutuwa kaya sila?

“Bakit parang naiiyak ka Xandrea? Ano nang nangyari dun sa bunso kong kapatid na laging naiinis sa bata noon? Bakit parang naging mabait ka nung malaman mong magkaka anak si Kuya?” nang aasar na tanong niya sa kapatid.

“Shut up Hunter! Oo aaminin ko medyo nakaka inis yung mga bata noon pero nag bago na ako nang malaman kong magkakaroon na ako ng pamangkin. Hindi din kase ako makapaniwala na magkaka anak pa si Kuya dahil sa sama ugali niya.” natatawang ani niya.

“Ganon ba talag—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non sila Ate Danna at Ivy. Mukang kakatapos lang nilang maglinis at magluto. Pero nagtaka ako dahil parang gulat na gulat si Ate Danna nang makita niya si Hunter? Nagwapuhan siguro siya kay Hunter?

“Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito. Ako nga pala si Danna at siya naman si Ivy. Pinsan kami ni Pearl at kami ang nag aalaga sa kaniya ngayon.” pag papakilala ni Ate Danna. I can sense something fishy. Nakangisi kase si Hunter habang nakatingin kay Ate Danna. Ano kayang meron dito sa dalawang ito? Hindi kaya magkakilala na sila?

“Pumasok na kayo sa loob, mag hahanda na ako ng pagkain kung sakaling nagugutom na kayo.”saad ni Ate Danna at agad naman silang pumasok. Umupo kaming lahat sa sofa habang nag uusap usap.

“Huhugasan ko na muna yan at ipagbabalat na kita para kakainin mo na lang Pearl.” aniya ni Ate Danna bago kinuha yung mga lychee at nagtungo siya sa kusina.

Nag kwentuhan kami tungkol sa pagbubuntis ko. Natatawa ako dahil naghuhulaan na sila kung ano daw ang magiging gender ng baby ko. Habang nagbabasa ako ay napansin kong tumayo si Hunter at naglakad siya papunta sa kusina. Sabi na nga ba may something sa kanila ni Ate Danna. Kaya nag paalam ako sandali kila Ivy na iihi lang ako at sinundan ko silang dalawa. Naabutan kong naglalakad si Hunter papalapit kay Ate Danna. Nabigla ako ng yakapin niya ito mula sa likuran. Anong ginagawa nila? Hindi kaya magka relasyon na yung dalawang yun?

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang