Chapter 18

12.9K 247 38
                                    

Kasalukuyan akong naka upo ngayon dito habang hinihintay ko si Xander. Mag aalas otso na pero wala pa din siya. Kinakabahan ako ngayon dahil baka hindi na siya pumunta. Paano na si Xhantel? Kanina ko pa siya hinihintay pero hindi pa rin siya dumadating. Hindi kaya nagalit siya dahil sa nangyari kagabi at ayaw niya nang tulungan si Xhantel? Kaunting oras na lang ay magsisimula na yung operasyon ni Xhantel.

“Hunter paano kung hindi siya pumunta?” naiiyak na saad ko habang pinapakalma ako ni Xandrea. Tulog na si Xavier habang kami ay nandito hinihintay si Xander.

“Pupunta siya Pearl, magtiwala ka lang.” nag aalalang aniya ni Hunter. Hinding hindi ko siya mapapatawad kapag hindi siya pumunta ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin siya dumadating. Nagsisimula na akong magalit sa kaniya dahil sa hindi siya tumupad sa usapan namin. Limang minuto na lang ay magsisimula na ang surgery. Ang sabi ng doctor ay hindi na makaka survive si Xhantel kapag hindi pa siya na operahan ngayon. Hindi ko mapigilang maiyak habang iniisip ko si Xhantel. Ano nang mangyayari sa anak ko kapag hindi pumunta si Xander ngayon?

Habang umiiyak ako ay nakarinig ako ng sigaw ng lalaki habang papalapit sa amin. Nagulat ako nang makita kong naghuhubad ng necktie si Xander habang tumatakbo papalapit sa amin. Nang makalapit siya sa amin ay agad ko siyang niyakap dahil sa tuwa. Nagulat silang lahat sa aking ginawi kaya agad akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kaniya at nagpunas ng luha.

“Nasaan yung operating room?” tanong niya kaya agad kong itinuro ito sa kaniya at tumakbo na siya papunta doon. Nawala ang bigat sa aking dibdib dahil nandito na siya at maliligtas na si Xhantel. Saka ko lang napansin na kasama pala si ni Xander si Travis at Sean nung mapatingin ako sa kanila. Akmang magsasalita na sana ako ng biglang sumigaw si Xavier.

“Mommy nakabili na po kami ni Tita Ivy ng milktea.” sigaw ng anak ko habang kalong kalong siya ni Ivy. Kakabalik lang ni Ivy, Camille at Xavier dahil nagpunta sila kanina sa labas upang bumili ng mga pagkain. Kitang kita ko ang gulat sa mata ni Camille at Ivy nang makita nila sila Travis at Sean. Mag jowa naman si Camille at Travis pero nagtataka ako sa titigan ni Sean at Ivy. Nang maibigay na ni Ivy sa akin si Xavier agad siyang humarap kay Sean at sinigawan ito.

“Anong ginagawa mo ditong lalaki ka? Ang kapal ng muka mong mag pakita sa akin matapos mo akong inisin? Gusto mo ba ng sapak?!” galit na sigaw ni Ivy habang si Sean naman ay nakangisi habang pinapanood itong magsisisgaw.

“Oh you again? You're still cute even if you're always mad. Did you miss me my little fire cracker?” pang aasar niya kay Ivy. Bigla itong namula at nagulat kaming lahat ng batukan niya si Sean.

“Ouch! You're so mean Ivy.” aniya niya na parang aping api ba. Tama nga ang hula ko, si Sean yung kinaiinisan ni Ivy. Sa kabilang banda naman ay tahimik si Camille habang malamig na nakatingin sa kaniya si Travis. Nag away kasi sila nung isang linggo at hanggang ngayon hindi pa rin sila nag uusap. Nahuli niya kaseng nakikipag halikan si Travis sa secretary nito. Sa sobrang galit ni Camille ay iniwan niya si Travis nung araw na iyon at umuwi muna sa bahay ni Tita Carina.

Halos dalawang oras din ang nakalipas bago lumabas yung doctor mula sa emergency room. Agad akong lumapit sa kaniya para itanong ang kalagayan ni Xhantel. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Papaano kung hindi naging tagumpay ang surgery ni Xhantel? Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag alala ng lubos. 

“Magandang gabi Ms  Sandoval. Gusto kong ipaalam sayo na naging maayos ang pag oopera sa anak niyo. Maayos na nai-transfer ang dugo ni Mr Montellarez sa kaniya at ngayon ay nagpapahinga na siya. Lilinisin lang namin ang katawan ni Xhantel at ibabalik na namin siya mamaya sa kwarto. Baka bukas lang ay gising na siya.” aniya ni Doc. Magandang balita ito. Sa wakas ligtas ka na anak. Hindi ko mapigilang maiyak nang marinig ko ang magandang balitang iyon. Umiiyak na yumakap ako kay Hunter. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Sobrang saya na din ni Xavier dahil ligtas na ang kapatid niya.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora