Chapter 23

12.7K 227 34
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang nasa panganib na yung anak namin ni Xander. Natatakot ako dahil baka saktan ni Jerson yung kambal. Hindi ko mapigilan ang sarili kong humahagulgol habang yakap yakap ako ni Xander. Pinapakalma niya ako habang nandito kami sa hide out ng Dark Gang.

Sinabi ko sa kaniya ang gusto mangyari ni Jerson. Gusto kase ni Jerson na magkita kami mamayang alas dose ng gabi doon sa building kung saan muntik na niya akong gahas*in. Nang sabihin ko kay Xander ang tungkol doon ay sinabi niya rin na doon din siya pupunta. Tumawag sa kaniya kanina si Kharylle at gustong makipag kita sa building na iyon. Nakakapag taka nung una dahil parehas ang destinasyong gusto nila kami pumunta. And that's when it hit me. Hindi kaya mag kasabwat silang dalawa?!  Pero bakit ba nila kami ginugulo!?

“Calm down baby, maililigtas din natin yung kambal mamaya.” pagpapakalma niya sa akin habang naghahanda na yung mga tauhan niya. May mga hawak silang mga bar*l at nilalagyan na nila ito ng mga bala. Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Kahel. Agad itong lumapit kay Xander bago yumuko.

“Boss, nag report na po sa akin yung espiya natin kung ano ang ginagawa nila. Confirm po na magkasama si Kharylle Vien Macareg at Jerson Kole Geldeo. Pinagplanuhan nila ang pagkidn*p dun sa kambal para makapaghiganti sa inyong dalawa.” pagpapaliwanag ni Kahel. Makapag higanti? Ano bang masamang ginawa namin sa kanila? Bakit kailangang idamay pa nila yung kambal? Wala naman silang kasalanan dito. Kung may galit sila sa amin kami ang saktan nila.

“I also found the background of Jerson Kole Geldeo. His real name is Oscar Jules Vandora, 28 years old and obsessed stalker. He became a stalker when he was 19 years old, but then he found out that the girl he love likes someone. He became obsessed with that girl, he follows her every where she goes. And that girl is you Ms Pearl Maxine Sandoval. If I'm not mistaken you already know him right?”tanong ni Kahel. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kahel. Si Oscar?! Kaklase ko siya nung highschool pero lumipat na siya nang school nung naging kami na ni Tanner. Hindi ko alam ang iisipin ko dahil sa sinabi ni Kahel. Ibig sabihin si Jerson at Oscar ay iisa lang?

“K—Kilala ko si Oscar. Isa siyang mahiyain na istudyante noon kaya hindi ko siya masyadong nakaka usap.” aniya ko habang iniisip pa rin yung sinabi ni Kahel. Ang layo kase ng hitsura ni Jerson sa hitsura ni Oscar. Mataba kase si Oscar at marami itong tagihawat. Gusto ko siyang maging kaibigan noon pero nung kinausap ko siya ay tumakbo lang siya papalayo.

“Naging iba ang hitsura niya dahil nagpa plastic surgery siya. 8 years ago, from Herewua Clinic siya nagpa surgery. Hindi lang hitsura ang binago niya pati pangalan or should i say buong pagkatao na niya. Nang mabago na niya ang sarili niya akala niya malalapitan kana niya Ms Pearl pero boyfriend niyo na po that time si Boss. Nawalan siya nang pag asa hanggang sa nakipag tulungan siya kay Kharylle upang sirain ang relasyon niyo.” saad ni Kahel. Kitang kita ko ang galit sa muka ni Xander habang pinakikinggan niya ang sinasabi ni Kahel. Ibig sabihin pinagplanuhan talaga nila yung pag hihiwalay namin ni Xander? Sila pala ang dahilan kung bakit walang ama yung dalawa kong anak ng limang taon. Hinding hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nilang paninira sa relasyon namin.

“Boss ready na ang lahat.” aniya ni Travis habang si Sean naman ay nagtitipa sa cellphone.

“Anong ginagawa mo Sean?! Aalis na tayo puro ka pa rin cellphone!” panenermon ni Travis kay Sean nang makita niya itong ngingiti ngiti habang nag ce-cellphone.

“Sandali lang Travis, palibhasa hindi kayo bati ni Camille nagagalit ka bigla bigla. Inaupdate ko lang yung sweet honeybunch ko.” aniya ni Sean bago siya binatukan ni Travis. Honeybunch? Sino naman kaya yun?

“Yan nanaman? Akala ko ba sabi mo hindi mo magugustuhan yung babaeng yun kase laging galit? Bakit parang inlove na inlove ka na ngayon dun?” tanong ni Travis kay Sean pangiti ngiti pa rin si Sean bago nito sinagot si Travis.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now