Chapter 9

13.2K 294 29
                                    

“Pearl tama na ang pag iyak. Mamumula na ng sobra ang mata mo.” nag aalalang saad ni Tanner habang patuloy pa din ang pag iyak ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung mga nangyari kanina. Hindi ko inaakalang lolokohin lang ako ni Xander. Maayos naman kami nung nakaraan, akala ko talaga seryoso siya sa akin. Nakaka dalawang balot na ako ng tissue kakaiyak habang si Tanner ay sinusubukang patahanin ako.

“Huwag ka ng umiyak Pearl. Tara bibili nalang tayo ng chocolate ice cream at clubhouse sandwich sa 7/11.” pag aaya niya. Clubhouse sandwich saka chocolate ice cream? Ayaw ko pa sanang umalis pero hindi ako makakatanggi sa clubhouse sandwich at ice cream. Kaagad akong nagpunas ng luha at nag ayos ng buhok. Suot ko ang hoodie ni Tanner ngayon dahil basa pa yung mga damit ko at wala akong balak bumalik sa mansion ni Xander.

Nang matapos na akong mag ayos ng sarili ay lumabas na kami at sumakay sa kotse. Wala ako sa mood magsalita kaya tumahimik nalang ako habang nag mamaneho siya. Kita ko ang pag aalala sa mata ni Tanner. Nakakatuwa dahil kahit matagal na kaming hiwalay ang tinatrato niya pa din ako ng katulad dati. Okay na sana kami kaso nag loko siya, napatawad ko na siya pero wala nang pag asang maging kami ulit. Siguro hanggang kaibigan nalang kaming dalawa.

“Nandito na tayo.” aniya niya bago lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong bumaba at pumasok na kami.

“Get everything that you want, I'll pay for it.” saad niya. Kumuha ako ng isang tub ng chocolate ice cream at tatlong balot ng clubhouse sandwich. Habang siya naman ay kumuha ng instant noodles at pineapple juice. Binayaran niya kaagad yung mga binili namin at dito na rin kami kumain.

“Alam mo Pearl, nung nalaman kong ikaw yung girlfriend ni Kuya Xander nag alala ako. I know what kind of guy he is. Bukod sa gwapo siya marami pa siyang pero kaya halos lahat ng babaeng gusto niya ay nakukuha niya. Hindi ko naman sinabi sayo ang tungkol doon dahil baka magalit siya sa akin. Nung nagwala siya diba nakakatakot. Pero mas nakakatakot pa siya dun. Buti nga hindi na siya masyadong nagwawala. Dati kase araw araw nalang nasisira ang mga gamit sa mansion habang nagwawala siya.” saad niya. Noon pa lang nagwawala na si Xander? At mas malala pa ang pagwawala niya noon? Hindi ako makapaniwala dahil halos pum*tay na siya nung umalis lang ako sa bahay tapos may mas malala pa doon.

“Incase your wondering, he's a psychopath. Matagal na siyang ganun at sinubukan nila Tita Xandara na ilagay siya sa Asylum pero pinap*tay niya yung mga nag aalaga sa kaniya doon. Kaya wala silang nagawa kundi hayaan siyang mamuhay ng solo. Kaya nga sobrang layo ng mansion niya sa bayan dahil natatakot silang makasakit ng tao si Kuya Xander. Kaya kapag nakikipag laban siya walang emosyon.” pag kwekwento niya sa akin. Baliw si Xander? Psychopath siya? Kaya pala wala lang sa kaniya ang pum*tay ng tao.

“Kaya halos kaming lahat ay natatakot kapag nawawalan siya ng emosyon. Hindi niya nakokontrol ang sarili niya at nakaka p*tay siya ng mga inosenteng tao. Kahit si Tito Marcus at Xandrea ay takot din sa kaniya.” Xandrea? Kapatid siguro ni Xander yun. Hindi ko mapigilang mag isip kung ano ba ang dahilan kung bakit naging psychopath si Xander. Sigurado akong may rason ito at alam kong malaki ito, kaya naisipan kong mag tanong kay Tanner tungkol sa bagay na ito.

“Paano naging psychopath si Xander? Sigurado akong may dahilan ito.” aniya ko sa kaniya. Mas lalo akong nacucrious sa buhay ni Xander.

“Wala din kaming alam na eksaktong detalye, pero alam kong alam nila Tita Xandara ang dahilan ng pagiging ganito ni Kuya.” saad niya habang kumakain kami. Ano nga kaya ang dahilan?

“Kumain kana Pearl, matutunaw na yung ice cream mo.” aniya niya. Nagsimula na akong kumain pero hindi ko parin makalimutan yung sinabi ni Tanner. Ano kaya ang dahilan kung bakit naging psychopath si Xander. Habang kumakain kami ay biglang tumunog yung telepono niya. Agad siyang tumayo at sinagot ito.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now