Chapter 6

17.9K 319 29
                                    

Nagising ako nang maramdaman kong may humahalik sa aking labi. Nang imulat ko ang aking mata si Xander agad ang bumungad sa akin. Ang aga aga pa gising na siya? Niyakap niya ako at ibinaon ang ulo sa aking dibdib.

“Ang aga aga pa Xander bakit gising ka na?” tanong ko sa kaniya. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin bago sumagot.

“Can't sleep, napanaginipan ko kanina na iniwan mo ako. Natatakot ako na baka kapag nakatulog na ako ay umalis ka kagaya nung nangyari sa panaginip ko. Baka iwan mo ako at sumama sa ibang lalaki. I won't sleep para makasigurado akong hindi mo ako iwan.”mahinang saad niya. Hindi ako makapaniwalang sinabi niya yon? Wala naman akong balak umalis at iwanan siya ah?

“Bakit mo naman naisip na iiwan kita? Panaginip lang yun bakit naniniwala kana agad dun?” taas kilay kong tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot at naramdaman kong nabasa ang dibdib ko. Napansin kong lumuluha siya. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan sa noo.

“Huwag ka nang umiyak Xander, hindi ako aalis.” pagpapa kalma ko sa kaniya. Bakit ba takot natakot siya na umalis ako? Hindi ko naman siya iiwan dahil mahal ko na siya. Saka kung sakali man na umalis ako, alam kong ipapahanap niya ako sa mga tauhan niya.

“Promise that you won't leave me? You'll always love me and stay with me forever?” humihikbing saad niya. Hinimas ko ang ulo niya habang pinapatahan ito bago sumagot ng..

“Promise. Hindi ako aalis sa tabi mo at ikaw lang ang lalaking mamahalin ko.” nakangiting aniya ko sa kaniya. Para naman akong nag aalaga ng batang ayaw mag paiwan kapag natutulog dahil madilim. Nakita ko sa muka niyang ayaw niya talaga akong mawala. Seryoso ba ang pagmamahal niya sa akin?

“Hindi ako aalis kaya matulog kana. Sige ka mapupuyat ka niyan.” saad ko rito at agad naman siyang umayos ng higa at niyakap muli ako.

“Good Night Love.” aniya ko bago ko siya hinalikan sa labi at humiga ng maayos. Ipinikit na niya ang mata niya at naging tahimik na kami. Maya maya lang ay may naririnig na akong hilik. Sa wakas naka tulog na siya. Ipinikit ko na rin ang mata ko para matulog.

Ilang oras na akong nakahiga dito pero hindi pa rin ako inaantok. Mahimbing na ang tulog ni Xander, hindi naman siguro magigising toh kapag umalis ako saglit no? Medyo nagugutom na din kase ako dahil hindi pa ako nakaka kain ng dinner. Hindi kase ako binitawan ni Xander kanina. Kaya nag deretso tulog na kami. Inalis ko yung kamay niya at mabuti naman dahil hindi siya nagising. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at naglakad pababa ng hagdan. Naabutan kong naglilinis yung mga maid at nagbubuhat ng mga gamit. Agad akong nagtungo sa kusina at binuksan ko yung ref.

Habang tumitingin ako nang pagkain ay may biglang nagsalita mula sa likuran ko.

“Ma'am nagugutom po kayo?” tanong ni Aling Kara habang nakatingin sa akin. Nakakagulat ka naman Aling Pasing, bigla bigla kang sumusulpot.

“Opo eh. Hindi po ako nakakain ng dinner kanina dahil ayaw akong bitawan ni Xander.” natatawang saad ko.

“Ipag gagawa nalang kita ng makakain mo ija.” ani ni Aling Pasing bago magsimulang maghiwa ng mga ingredients. Pinapanood ko lang siya habang nagluluto ito. Amoy palang ay halatang masarap na. Mas lalo tuloy akong naglaway, gusto ko na agad kumain. Nang matapos na siyang magluto ay agad niyo akong ipinaghain ng kanin at yung ulam na niluto niya.

“Ma'am Pearl, ito ang unang pagkakataon na nakita kong halos p*matay na si Sir Xander dahil lang sa isang babae. Ito rin ang unang beses na nagseryoso siya sa isang babae. Kaya nagulat kami ng mga iba pang kasambahay nang iuwi ka niya dito. Hindi namin inaasahan na mag wawala si Sir Xander dahil sa isang babae. Huwag mo sana siyang iwan. Ikaw lang ang makakapag pasunod sa kaniya.” ani ni Aling Pasing. Ito ang unang beses na nagkaroon ng seryosong relasyon si Xander sa babae? Pero bakit? Lahat ng babae pwedeng pwede niya makuha. Nagtataka nga ako kung bakit ako ang napili niya. Nagkakilala lang naman kami nung nak*dnap ako at hindi inaasahang may nangyari sa aming dalawa.

Badboy's Obsession (Xander Ethan Montellarez) [COMPLETED]Where stories live. Discover now