Chapter 1

2K 53 2
                                    

"Mom! ayoko nga pong makipagdate sa lalaking yun! At wag na wag niyo rin sakin ipagpilitan na pakasalan siya. You heard it right. Narinig ko kayo ni daddy na nag-uusap about sa arrange marriage na yan." Sabi ko sa Mommy ko habang hinahanda ko na ang gamit ko papasok ng school.

"This things are all for your own good baby. Para sa kinabukasan mo, mas magiging matagumpay ang company natin kung papakasalan mo ang anak nila at mas gaganda ang buhay mo dahil dito. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, pupunta ka sa date na yun at makipagkilala ka. Kung hindi ay wala kang makukuha ni singko sa magiging mana mo at hinding-hindi ka na namin ituturing na anak." Pagkumbinsi sakin ng mommy ko na halata naman pagpilit na sakin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Uso pa rin sa panahon ngayon ang arranged marriage.

"Eh.. bakit ba kasi ako ang napili niyong makipagdate at ipagkasundo sa taong hindi ko naman kilala.. nandyan naman si Ate." Naiinis na sabi ko.

"Iba kasi ang ate mo sayo. Dahil siya-" Hindi na natuloy ni Mommy ang sinasabi niya dahil agad ko itong pinutol.

"Ano?! Dahil siya ang paborito niyong anak? Ganyan naman kayo sakin kahit noong mga bata pa kami lagi nalang ako ang nagsasakripisyo. Lagi nalang ako ang kailangan may gawin pabor mula sa inyo. Okay! I give up sige pupunta na ako sa walang kwentang date na yan! Oh.. sana masaya na kayo? Sige po aalis na ako!" Lumabas na ako ng kwarto at dali-daling umalis ng bahay namin nang hindi pinapansin ang pagtawag sakin ng Mommy ko. Hindi ko na kasi ma-take yung mga pangyayari ngayong araw eh.

"Manong, sa school nalang po." Sabi ko sa driver ko pagkapasok na pagkapasok ko ng kotse.

"Sige po Ma'am." Agad naman umandar ang sasakyan gaya ng sabi ko kay manong.

(Cafeteria)

"Ano? Uso pa sa inyo ang arrange marriage?" Gulat na gulat na sabi ng bestfriend ko na si Heart.

Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Kriszalyn Fonte but you can call me Krisza for short. I'm 19 years old and I am a graduating college student this year.

"Yeah! and I can't believe na tinuloy talaga nila ang balak nila. Dapat hindi na ako nagtaka nung simula palang at nagpakampante na hanggang plano lang ang lahat ng narinig ko."

"Nako best! Alam mo kung anong magandang gawin dyan sa problema mo?"

"Ano?" Sabi ko habang nilalaro ang pagkain na nasa harap ko.

"Magbigti ka nalang hahaha." Sabi ng bestfriend ko sabay tawa ng pagkalakas lakas.

Minsan talaga napapaisip ako kung kaibigan ko ba to o ano eh.

"Seryoso ako dito best." Malungkot na sabi ko habang nilalaro pa rin ang pagkain na nasa harap ko.

Ever since kasi noong bata pa kami ni ate siya nalang lagi ang bida. Yung para bang nasusunod lahat ng gusto niya. Samantalang ako, palaging kailangan sundin lahat ng gusto ng mga magulang namin.

"Hmm.. Bat hindi mo nalang kasi tanggapin ang kapalaran mo? Malay mo gwapo at mabait naman yang ide-date mo ay este yang future husband mo." May halong pang aasar pa niyang sabi.

"Sana ganun lang yun kadali. Pero naniniwala kasi ako na kaya kong gumawa ng sarili kong kapalaran. Yung hindi ako nakadepende sa mga magulang ko. Yun na nga lang ang kalayaan ko kukunin pa nila. "

"Ang hirap naman ng sitwasyon mo. Tapos dinadamay mo pa ko. Para lang mag-isip ng gagawin mo." Pagbibiro nito.

Bigla ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Hahaha joke lang naman best. Hindi ka naman mabiro. Pero seryoso ako. eh.. kung makipagdate ka na muna sa kanya habang gumagawa tayo ng paraan para makatakas ka sa sitwasyon na yan. Just go with the flow muna, act like a good daughter muna." Nakangisi na niyang sabi na para bang may plano.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now