Chapter 19

442 10 0
                                    

"Ahhhh!" Ungol ko habang hapo-hapo ang ulo ko dahil sa sobrang sakit.

"Ma'am? May problema po ba?" Naririnig kong tawag ni Manang Elsie mula sa labas ng kwarto. Nandito kasi ako sa loob ng kwarto ko at kakatapos ko lang magbihis ng damit galing school.

Napaupo naman ako sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Naririnig ko naman na tinawag ni Manang Elsie si Ling para kunin yung susi ng kwarto ko.

Bigla nalang may mga nakikita akong imahe habang nakapikit ako. Hindi ko alam kung ano ba tong mga nakikita ko, basta ang alam ko lang eh parang pamilyar sakin ang lahat. Ang lalaki na nakikita ko, mga lalaking hindi ko malaman kung anong nilalang. Hindi ko nalang namalayan ay biglang nagdilim ang lahat.

Nagising nalang ako na nasa kama na ako at maiging nakatingin sakin sa mga oras na to si Jackson.

"A-Anong n-angyari?" Agad akong umupo ng maayos.

"Nahimatay ka. Anong nangyari sayo? Okay na ba ang pakiramdam mo? Nagpapakapagod ka ata sa school eh." Nag-aalalang sabi ni Jackson.

"Hindi ah. Hindi ko rin alam." Sagot ko nalang habang napapaisip sa mga nangyayari.

"Magpahinga ka na muna dyan. Siguradong gutom ka na. Wait lang ah ikukuha kita ng makakain." Sabi nito. Aalis na sana siya nang hawakan ko ang kamay niya.

"Please.. Pwede bang dito ka na muna sa tabi ko." Sabi ko. Ewan ko ba pero ito ang gustong sabihin ng bibig ko at ng isip ko.

Nagulat naman siya sa ginawa ko base sa ekspresyon na binibigay niya sakin ngayon. Kaya naman tumigil siya sa tuluyan niyang pag alis at umupo sa tabi ko.

"May gumugulo ba sa isipan mo?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"May naalala lang kasi ako nung araw na niligtas mo ko mula sa mga kumuha sakin. Hindi ba mga bampira sila?" Tumungo naman siya bilang sagot habang katabi ko siyang nakaupo.

"Kung ganun, ibig sabihin lang niyan, isa ka rin sa kanila?"

"Oo ganun na nga." Sagot nito ng nakatingin na sakin.

Ewan ko ba pero di na ko nagulat o parang wala nalang sakin ang nalaman ko.

"Pero bat hindi mo sakin sinabi agad?" Napabitiw naman ako sa pagkakahawak ko sa kanya.

"Ayoko lang na mawala ka sakin, na baka mawala ka na naman sakin. Baka matakot ka kapag nalaman mo."

"Ah ganun ba.." Napatahimik ako sa nalaman at naguguluhan sa lahat. Natahimik kami ng ilang seconds na kanya naman binasag.

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ikuha na kita ng pagkain?" Natatarantang tanong nito.

Tumungo naman ako bilang sagot sa kanya.

"Pwede bang si Manang Elsie nalang ang magdala ng pagkain dito? Alam kong pagod ka rin kaya siya nalang ang magdadala. Ayoko din munang maabala ka." Dagdag ko.

"Ah ganun ba. Okay sige as you wish." Malungkot na tinig nitong sabi. Bigla naman akong naguilty dahil parang may nasabi or nagawa akong masama sa sinabi ko.

Hindi naman ako makatulog ilang oras pagkatapos kong kumain. Mag aalas-onse na ng gabi pero gising pa rin ako. Hindi ako makatulog kasi naiisip ko si Jackson. Napatingin ako sa sala at inalala lahat ng nangyari kanina lang.

'Ahhhh Kriszalyn! Ano bang ginawa mo? Ang rude mo.' Sabi ko sa isip ko habang ginugulo ko ang buhok ko sa inis. Bigla ko nalang naisip na lumabas nalang para magpalamig at mag paantok. Kaya bumaba na ako mula sa kwarto ko. Agad akong pumunta sa kusina para kumuha ng maiinom. Kumuha ako ng mango juice sa ref at agad itong nilagay sa baso.

Papunta ako sa garden area para magpahangin sana nang makita ko si Jackson na nakatayo doon habang nakasandal sa gilid ng pinto habang nakatingin sa may garden. Nagdalawang isip naman ako kung tutuloy pa ba ako sa pagpunta sa garden. Pero nilakasan ko nalang ang loob ko na lumapit.

"H-Hindi ka rin ba makatulog?" Panimula ko nang makalapit ako sa kanya.

Bigla naman siya nagulat sa pagpasok ko dahil sa naging reaksyon niya na ikinatawa ko.

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo." Natatawa paring sabi ko.

"Ah ikaw kase eh." Nakangiti na nitong sabi.

"Yan.. dapat lagi kang nakangiti." Sabi ko ng nakangiti din sa kanya habang nakatingin sa mata niya.

"Sorry nga pala sa nagawa ko sayo kanina. Naging rude ako sayo. Ang ayoko lang kasi talaga eh yung nagsisinungaling sakin. Kaya naman nagalit ako." Dagdag ko.

"Sorry din kung hindi ko nasabi sayo agad." Nakatingin din sa mga mata kong sabi niya.

"So okay na tayo? Wala ka na bang hindi nasasabi sakin? Ito na yung pagkakataon mo para sabihin sakin kung meron ka pang hindi nasasabi sakin?"

"Ang totoo kasi niyan meron pa kong mga bagay na di ko pa nasasabi sayo." Naging seryoso naman ang ekspresyon ng mukha niya nang sinabi ito at kinuwento na nga nito sakin ang lahat.

Mula sa araw ng pagkakakilala naming hanggang sa mga araw na nagkahiwalay kami, mga ginawa niya para maging attached pa rin siya sa buhay ko para malaman mga nangyari sakin at kung anu-ano pa.

"Kaya pala may mga nakikita akong imahe o eksena sa isip ko. Pero ba't mo hinayaang mapalayo sakin? Binura mo pa lahat ng alaala ko." Nalilito pa rin tanong ko. Umupo naman kami sa may upuanan sa may garden para makapag usap ng maayos.

"Para sa kaligtasan mo. Pumayag akong alisin ang lahat ng memories mo sakin, lahat lahat ng mga memorya mo kasama ako, lahat ng mga may kinalaman sakin. Kahit masakit sakin, pumayag ako para lang sa kaligtasan mo. Ganun kita kamahal Kriszalyn." Nakita ko naman ang sincere sa kanyang mga mata nang tumingin ako dito. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya naman, bigla ko nalang itong inakap ng mahigpit.

Naramdaman ko naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko na di ko inaasahan. Nagpapatunay ba ito na hindi talaga nakakalimot ang puso?

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now