Chapter 26

411 13 2
                                    

Naglakad na kami at kumain sa isang restaurant. Pagkatapos namin kumain ay naglakad na naman kami napatigil sa may mga nag ice skating. Inaaya niya akong mag ice skating kaso umayaw ako dahil di ako marunong. Pero sabi niya tuturuan naman daw niya ako. Pero ang sabi ko, maybe next time.

Wala naman siyang nagawa dun at nanood na muna kami at tumambay ng ilang minuto. Napagpasyahan namin manood naman ng sine dahil may nakita akong movie na gusto ko habang naglalakad kami. Gusto rin naman daw niyang manood nito kaya yun bumili na kami ng tickets. Kaso may isang oras pang natitira bago mag start yung movie na napili namin.

Dahil nga may ilang oras pa kami para manood ng sine ay naglakad lakad muli kami. Magkahawak ang aming mga kamay kaya naman nagulat ako nang hilahin niya ako sa isang store. Tindahan ng mga damit. Pumasok kami dito, kitang kita naman sa itsura ni Jackson at saya nang may nakita siyang kung ano, kaya naman napatingin ako dito.

"Couple shirts?" Tanong ko nang mapansin ang hawak niya. Tumango naman siya.

"Can we have one?" Nakangiti niyang sabi na para bang nakapuppy eyes dahil sa pagkukumbinsi sakin. Napangiti naman ako at tumango. Parang bata naman siyang tuwang tuwa nang pumayag ako.

Kumuha siya ng isang pair ng plain pink shirt na may floral na bulsa sa kanan part ng dibdib. Simple but pretty.

Nagtaka naman ako bakit pink ang kinuha niya kaya nagtanong ako dahil sa pagtataka.

"Why pink?"

"I know you like pink color. So, let's go with the pink one." He said then he blink with a smile.

Nag init naman ang mukha ko na tingin ko ay namumula na sa mga oras na to. Napahawak ako sa mga pisngi ko. Alam kong di lahat ng guys type ang pink pero he still manage and choose the pink one because I like it? He is so sweet.

Sinukat namin ang mga ito at nang mag kasya ay nilagay niya ito sa shopping basket na kinuha niya kanina lang. Muli kaming nag ikot sa loob ng store at may nakita siyang pang couple din na shoes, tumingin na naman siya sakin at dahil alam ko na kung anong ibig sabihin niya ay ngumiti nalang ako doon at tumango.

Sinabi ko kung anong size ko at kumuha siya ng size ko at ng kasize narin ng paa niya.

Hindi ko alam na may ganitong side pala si Jackson. Dahil narin siguro sa maraming taon din ang nasayang ng hindi kami magkasama, kaya ganito nalang ang mga actions niya sakin o di kaya kasi ngayon ko nalang siya nakasama ng ganito.

"Sit here." Aniya kaya nagising ako sa katotohanan, mukhang natulala kasi ako kanina dahil sa mga naiisip. Tinap naman niya ang upuan kaya naman umupo ako dito. Nagulat ako nang lumuhod siya at tinanggal ang suot kong flat shoes. Then, sinuot niya sakin yung pinili niyang design ng shoes kanina.

Bagay na bagay ito sakin kaya napangiti ako dito. Tinanggal na niya itong muli at kinausap ang sales lady doon. Pumunta na kami ng counter at nagbayad doon ng mga pinili niya.

Nang matapos kaming manood ng sine ay inaya na niya akong lumabas ng mall at maglakad - lakad hanggang sa makarating kami sa sea side. Nagulat ako dahil palubog na pala ang araw at namangha rin dahil may mga rides dito at lumitaw ang kagandahan ng paligid nang bumukas na ang mga ilaw sa paligid.

"Ang ganda dito." Sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"Tara doon tayo sa Ferris wheel." Aya niya sakin at hinila na ko papunta sa ride. Pagkapasok namin sa loob ay umupo agad kami ng magkatabi at ipinatong naman ni Jackson ang mga pinamili namin sa katapat namin upuan, magkabilaan kasi ang upuan sa loob. Naramdaman kong dahan-dahan ng umikot ang ride. Kaya naman napahawak ako sa upuan, first time ko kasing makasakay sa ganito.

Napatingin naman ako sa labas at tuwang tuwa sa mga nakita. Kitang kita mula rito ang mga ibat-ibang kulay ng liwanag sa mga building, mga sasakyan at mga ilaw sa kalsada. Naramdaman ko nalang na unti-unting pumulupot mula sa likod ko ang braso ni Jackson sakin. Niyakap niya ako at dinantay ang ulo sa balikat ko.

"I know everything was too fast for you, Kriszalyn. Pero gustong kong malaman mong mahal na mahal kita." Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim pagkatapos sabihin ito. "Kahit di mo pa tuluyang maalala ang lahat, nandito lang ako para ipaalala sayo ang lahat kahit gaano pa katagal yan."

Sumakit ang puso ko sa mga narinig at muli na naman bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hinawakan ko ang braso niya na nakapulupot sa bewang ko, tinanggal ko ito ng dahan-dahan at napansin iyon ni Jackson kaya tinanggal niya ang pagkakapatong ng ulo niya sa balikat ko at ang pagkakapulupot ng braso niya. Hinarap ko siya.

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at luha, na parang pinipigilan lang niyang ilabas. Alam kong nalulungkot siya dahil sa wala akong maalala noong una, na yung taong mahal niya ng ilang taon, hindi siya makilala.

"Hindi mo na kailangan pang maghintay sakin Jackson, naaalala ko na ang lahat. Mula sa araw na nagkita tayo, hanggang sa araw na nagkahiwalay tayo. Malabo man sa isip ko ang ilang mga detalye, pero malinaw sakin kung anong koneksyon meron ako sayo at ikaw sakin." Sabi ko ng naluluha na ang mga mata. Di ko alam pero di ko mapigilan ang emosyon ko sa mga nasabi.

Bigla akong inakap ni Jackson ng mahigpit, inakap ko rin siya pabalik at mas lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata. Naramdaman ko rin ang kamay ni Jackson mula sakin likod na para bang nagpupunas ng luha.

"Mahal na mahal din kita Jackson." Walang pag aalinlangan kong sabi.

Bumitaw si Jackson sa pagkakayakap at dahan-dahan niyang nilapit ang labi niya sa mga labi ko. We kiss passionately and full of love.

I loved this guy from our past and now I know and I realize that I love him even more. I promise I will never leave him alone again. I will be right here beside him, no matter what happens and I will stay and fight for him.

My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon