Chapter 6

701 22 0
                                    

"Tulungan na kita." Alok sakin ni Jackson habang buhat ko ang bag ko. At dahil sa nabibigatan narin ako ay binigay ko narin ito sa kanya.

Nandito kasi kami ngayon sa airport. Ngayon na kasi yung flight na sinasabi ni Mommy papuntang Cebu.

Nang makaupo na kami sa seats namin ay agad kong kinuha yung earphones ko at phone ko at nakinig nalang ako sa music dahil wala rin akong mood sa mga oras na ito.

Samantalang si Jackson, katabi ko lang sa upuan at tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako at nang magmulat ako ay nakita ko ang sarili ko na nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Jackson, na nakapikit din sa mga oras na iyon.

'Gosh! Nakatulog pala ako. Nakakahiya naman, nakapatong pa yung ulo ko sa balikat niya.'

Kaya naman inayos ko na ang sarili ko sa pagkakaupo at pumikit ulit para bumalik sa pagkakatulog, iniiwasan kong pumatong ulit ang ulo ko sa balikat ni Jackson kaya naman paulit ulit din akong nagigising.

"Haist.. ano ba yan! Di ako makatulog ng maayos dito." Bulong ko sa sarili ko. Kaya naman napagdesisyunan ko ulit na kunin ang earphones ko na natanggal na sa pagkakalagay sa tenga ko at nakinig ulit ng music para mabuhayan ang diwa ko at hindi na ulit ako makatulog pero nagkamali ako dahil mas inantok ako sa lagay na iyon. Papikit na ako nang biglang may kamay na humawak sa ulo ko at pinatong ang ulo ko sa malambot na balikat. Dahil sa antok ay hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa pagtulog.

Dahil sa may naramdaman akong kamay na humahawi sa buhok ko ay unti unti akong napamulat. Laking gulat ko nang makita ko ang sarili ko na nakapatong ang ulo ko sa balikat ni Jackson habang nakatingin ito sa akin at nangiti. Sa gulat ko ay napalayo agad ako sa kanya dahil sobrang lapit lang ng mukha niya sakin.

Bigla ko naman naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko nang di ko alam ang dahilan kaya naman napahawak nalang ako sa dibdib ko.

"Ah okay ka lang?" Nag aalalang tanong sakin ni Jackson. Agad naman akong nag ayos ng sarili ko sa pagkakaupo at ngumiti.

"Okay lang. Medyo nagulat lang ako sayo. Ikaw kasi eh." Sabi ko nalang at ngumiti ng pilit. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkadating namin sa resort ng mga magulang ko ay medyo madilim na kaya agad naman kaming pinagbuksan ng sasakyan ng mga nag aassist sa resort at dinala narin nila ang mga gamit namin papunta sa magiging kwarto namin. Pagkapasok namin ay sinalubong agad kami ng mga magulang ko ng nakangiti. Kaya naman nang makalapit kami ay agad nila kaming niyakap bilang welcome.

"Welcome to our resort jiho. Sana mag enjoy ka dito. Kamusta pala ang mga magulang mo? makakapunta ba sila ngayon?" Tanong agad ni Mommy nang mapunta ang mga mata niya kay Jackson.

"Sorry po tita. Hindi po sila makakapunta ngayon kasi out of town sila. Busy po kasi sa business." Nakangiting sagot ni Jackson kay Mommy.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now