Chapter 5

665 27 0
                                    

"Teka san ka pupunta?" Tanong kagad sakin ni Jackson nang makita niya ako na papunta na sa gate.


"Sa labas magjojogging. Bakit? Bawal na ba akong lumabas ngayon?"

"Hmm.. sigurado ka?" Tanong niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Oo naman. Tsaka bakit mo ba ko tinatanong? Kailangan ko bang ireport sayo lahat ng gagawin ko?"

"Oo. Kasi magiging asawa na kita pagdating ng panahon. Tsaka binilin ka sakin ni Tita."

"So what? Pwede ba wag mong sasabihin na magiging asawa mo ako. As if naman na we are in a real relationship. Sige na I don't have enough time for this, aalis na ko."

"Wait. Sasama ako. Magjojogging din ako. Manong, wag niyo munang palalabasin si Krisza hanggat hindi ko sinasabi." Sabi niya sakin sabay sabi din sa Guard na nasa harap lang namin.

'Ano ba yan. Makakagala na sana ako at makakalayo sa bahay na to. Tapos hindi pa matutuloy dahil sasama pa siya. Tsk.'

"So tara na?" Aya niya sakin nang makalabas na siya ng bahay. Nakasuot lang siya ngayon ng pangjogging attire at naka sando lang siya. Kaya kitang kita yung biceps niya.

'Inferness ang ganda ng katawan.' Sabi ko sa isip ko, hindi ko kasi talaga mapigilan na mesmerize sa maganda niyang katawan.

"Ano ba? Aalis ba tayo o tititigan mo lang tong katawan ko?" Nakangiting tanong niya sakin.

"Asa! Anong tinititigan ka dyan? Mukha mo oy! Ang feeler nito." Sabi ko sabay talikod.

'Pano niya nalaman na nakatingin ako sa katawan niya? Ganun na ba ako kahalata?'

Paglabas namin ng gate ay nagsimula na kaming magjogging sa paligid ng village na tinitirhan namin. Medyo layo-layo ang bahay kasi bawat bahay ay talaga naman malalaki.

'Ang ganda pala dito. Ngayon ko lang na appreciate tong village na to. Kasi naman eh, ngayon ko lang triny na lumibot-libot. Dapat kasi tatakas ako ngayon tapos eto tuloy bagsak ko.'

My Future Husband is a Vampire?Onde histórias criam vida. Descubra agora