Chapter 22

433 10 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay galing school ay dumaretso agad muna ako sa kwarto ko at nakatanggap na nga ako ng mga pictures mula kay Jackson. Pinakita niya ang mga magagandang tanawin ng South Korea sakin.

Manghang mangha ako sa aking nakita. Naiimagine tuloy ako na one day makakapunta rin ako roon.

Nagulat naman ako nang biglang magring ang phone ko at via video call ito. Sinagot ko naman ito agad.

"Kamusta naman dyan? Miss na kita." Panimula niya. Bigla itong nagpout na parang bata.

Napangiti naman ako dito dahil minsan niya lang napapakita yung childish side niya. Ilang segundo lang din ay binawi ko ang aking ngiti.

"Eh ikaw kasi eh, hindi mo ko sinama." Biro ko.

"Hayaan mo next time magkasama na tayong pupunta dito." Nakangiti ulit niyang sabi.

"Aasahan ko yan." Sabi ko nalang at pilit na ngumiti, pilit kasi ewan ko ba? Nalulungkot ako.

"I want to hug you so tight..." Biglang seryoso nitong sabi. Di ko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Isang araw palang na di tayo magkasama, di kita nahahawakan, di kita nasisilayan ng harapan, parang ang tagal tagal na. Miss na miss na kita." Dagdag pa nito na nagdulot ng pagbilis lalo ng tibok ng puso ko. Bahagyang napahawak ako sa dibdib ko.

Di ko alam pero parehas kami ng nararamdaman. Dahil lang ba to sa nasanay akong kasama siya?, nasanay akong nakikita siya?, o dahil mahal ko talaga siya? o mahal ko na siya? 

Tatlong araw na ang lumipas simula ng umalis si Jackson. Mamayang gabi na ang napag usapan namin pag uwi niya dito sa pinas.

"Anong meron friend? Ang happy naman ata ng face mo. May nangyari ba?" Tanong ni Heart sakin habang may hawak siyang libro. Nandito kasi kami ngayon sa library gumagawa kasi siya ng homework and ako naman ito sinasamahan siya at nakatulala sa kawalan.

"Ngayon na kasi uuwi si Jackson." Napahawak ako ng bibig ko dahil sa pagkakadulas komg sabi.

"Aysus... Mahal mo na nga talaga siya. Ay mali! Matagal mo na nga pala siyang mahal. Isip mo lang ang nakalimot, pero ang puso mo hindi." Sabi nito.

"Sa tingin mo?" Tanong ko kagad sa kanya. Tumango naman ito at nagpatuloy na sa pagbabasa.

Ewan ko ba pero inaamin ko. Tama nga siguro siya. Bsta ang nasa isip ko lang sa ngayon ay kung anong gagawin ko kapag nagkita na kami.

On my way na ko pauwi and I'm so excited na kasi baka nasa bahay na si Jackson sa mga oras na to. Nang biglang nagring ang phone ko and the caller ID, was Jackson's Secretary.

"Uhm Hello?" I answered.

"Hello, Ma'am Kriszalyn?"

"Yes, speaking po. Kamusta na kayo?"

"Okay lang naman po ako. Ah Ma'am, Mr. Jackson asked me to tell you na nadelay po yung flight niya. So baka mga bukas pa daw po siya makakauwi ng pinas." Malungkot nitong sabi sakin.

"Ah ganun po ba? Sige po maraming salamat sa pag inform." Sabi ko nalang. Then I end na yung call. Nakaramdam naman ako ng lungkot sa nalaman. Akala ko kasi makakauwi na ko ng makikita si Jackson.

Malungkot akong lumabas ng gate ng school namin. Tinawagan ko na si kanina Manong para sunduin ako. Pero hindi pa rin siya dumadating. Lumipas na ang ilang minutong paghihintay ko. Pero wala pa rin.

Bigla naman may dumaan sa harap ko ang isang pamilyar na kotse. Natulala ako at napaisip. Then suddenly, nag open nalang yung window ng kotse sa may harapan at tumambad sakin ang nakangiting si Jackson.

Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Bigla naman siyang lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko kagad sa kanya ng may seryosong boses pagkapasok namin ng kotse.

"Kanina pang umaga. Nasurprise ba kita? Plinano ko ito eh." Nakangiti niyang sabi na halatang masaya sa nangyari.

Tinignan ko naman siya ng masama and di ko inaasahan ang nangyari. Naluha ako.

"Oh? Bat ganyan mukha mo? Hindi ba dapat masaya ka kasi nandito na ulit ako?" Natatwa niyang sabi.

"Eh nakakainis ka kasi eh! Sabi ng secretary mo, madedelay flight mo. Tas ano to? Nalungkot lungkot pa ko na di ka makakauwi ng pinas? Ano masaya bang manloko? Nakakainis ka.." Paghihimutok ko while teary eyes and bigla nalang niya kong niyakap ng mahigpit.

"Shhh wag ka ng magalit. Nandito na ko ohh.." Sabi nito ng may malambing na tinig.

"Ikaw kasi eh.. Nakakainis ka." Sabi ko sa kanya habang sinusuyo pa rin ako ng marahan.

"Sorry na. Sus namiss mo lang talaga ako kaya ka nagagalit." Sabi nito habang umaalis sa pagkakayakap at iniharap na ko sa kanya.

"Wag ka ng umiyak. Di mo alam kung gaano rin kita namiss. Sobra." Dugtong nitony sabi then inalis na niya yung mga luha sa mata ko at napalitan ito ng ngiti sa labi ko.

"Hindi kita namiss no." Nakakunot kong sabi pagkabawi ko ng ngiti.

"Sus talaga ba?" Nakangiting nay halong pang aasar na sbi nito.

"Mag drive ka na nga lang." Sabi ko at di na siya pinansin sa pangungulit nito. Para makaalis na kami ng school.

Nagsimula na nga itong magdrive and I know na sinusulyap sulyapan niya ko sa salamin sa taas while still smiling widely.

Di ko naman maiwasan mapangiti. Kasi kinikilig ako at masaya akong nandito na ulit siya sa tabi ko.

Pagkarating namin ng bahay ay dumaretso ako agad sa kwarto ko. Napansin ko nalang na sumunod lang si Jackson sakin.

"Oh? Bat ka nandito sa kwarto ko?" Tanong ko sa kanya.

"Kausapin mo muna ako. Namiss kita oh.." Sabi nito while pouting his lips.

"Kinakausap naman na kita ah. Magbibihis muna ako. Labas ka na muna dali." Sabi ko while arranging my things.

"Ayaw ko." Childish niyang sabi with actions pa.

"Edi dyan ka lang." Sabi ko nalang and kumuha na ko ng pamalit kong damit at dumaretso sa bathroom ko.

Pagkalabas ko ng bathroom. Nandun pa nga rin siya nakaupo sa bed ko while playing with his phone. Then he stop nang makita na kong lumabas.

"So whats the problem?" Sabi ko while drying my hair nag shower narin kasi ako dahil sa init. Then nag pout na naman siya.

"Bakit ang sungit mo? Huhuhu. Kala ko naman matutuwa ka sa surprise ko." Sabi niya then umupo na ko sa tabi niya. Nag change na ko ng mood. Nainis lang ako kanina kasi nalungkot talaga ako nung nalaman kong madedelay daw ang uwi niya.

"Di na ko galit. Naasar lang ako kanina. Pero nawala yun nung makita na kita. I don't know what I'm feeling right now. I surrender. I missed you too. I missed you so much." Sabi ko with sincere tone. Then unexpectedly, he hold my chin and he kiss my lips gently.  I stunned right infront of him and I don't know but I replied with his kisses. We kiss passionately. Full of love and happiness.

My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon