Chapter 9

571 19 0
                                    

"Good Evening Ladies and Gentlemen. We are here to celebrate the Reunion of our beloved family. So cherish the moments and enjoy the party." Sabi ng pinsan kong si Mike na emcee ng reunion namin at kapartner naman nito si Miley na pinsan ko rin.

"Yup. Tama ka partner. Kailangan nga natin enjoyin ang party na ito lalo na at may mahalagang iaanounce sila Tita Marie and Tito Alex (Mga magulang ko) So, lets all welcome Mr. and Mrs. Fonte lets give them arround of applause."

Kaya naman umakyat na ang mga magulang ko sa stage at kumaway kaway pa then nagsimula na silang mag salita.

"Thank you for coming to this event. Especially to our guest because we want to share and to invite you to the coming engagement party of our daughter, Kriszalyn and our future son-in-law, Jackson Loires."

Nagulat kaming dalawa ni Jackson sa announcement na naganap. Kasi sa pagkakaalam namin matagal pa magaganap ang engagement party na sinabi ng daddy ko.

"So, may I call on to the stage, My lovely daughter Kriszalyn and my future son-in-law, Jackson." Kaya naman wala na kaming nagawa kundi ang sumunod dahil nakatingin halos lahat ng tao sa pwesto namin dalawa.

Nakakahiya naman diba kung gagawa pa ko ng eksena. So okay. Go with the flow Krizalyn. Go with the flow.

Inalalayan na ako ni Jackson papunta sa stage, nakahawak ako sa braso niya habang pangiti-ngiti effect ako. Para kunwari masaya ako. Para kunwari mahal ko siya, kahit na deep inside nahihirapan ako sa pinaggagawa namin. Hahaha charrot lang!

So yun na nga pagkapunta namin sa stage ay nakangiti ang lahat samin at mamaya-maya pa ay may kung anu-anong pang sinabi sila Mommy at Daddy na hindi ko naman pinakinggan kasi nga hindi ako interesado. Pero ang mas ikinagulat ko nalang dahil nga parang wala ako sa ulirat eh nagrerequest na silang ng kiss mula sa amin dalawa ni Jackson. Nagulat nalang ako nang bigla akong halikan ni Jackson sa lips mga ilang segundo lang naman. Ewan ko ba hindi ako agad nakareact or hindi ako nakaiwas dahil nga sobrang bilis ng mga pangyayari. Basta pagkatapos nun ay inalalayan niya ulit akong bumaba ng stage at bumalik na kami sa pwesto namin kanina lang.

Nang makaupo na kami ay nakaisip ako ng paraan para makaalis dun sa event. Dahil narin sa hindi ako komportable sa nangyari at talaga naman ikinagulat ko yun dahil yun ang first kiss ko.

"Ahm. Jackson, pupunta muna ako sa powder room."

"Gusto mo samahan na kita?" Pagtatanong niya sakin.

"Hindi na. Kaya ko naman mag-isa." Sabi ko. Dumaretso nga ako sa powder room dahil nakasunod talaga ang mga mata niya sakin.

'Teka? Pano ako makakalabas nito?' Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Tapos biglang nagflashback na naman ang mga nangyari kanina. Kaya naman napahawak ako sa labi ko.

Di ko alam pero biglang sumakit ang ulo ko ng sobra. Parang mabibiak na siya sa sobrang sakit. Tapos may mga nakikita akong malalabong events or pictures of events. Then everything went black.

"Pinapangako ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko magpakailan pa man. Sana ganun ka rin." Sabi ng isang tinig ng lalaki sa babaeng nasa harap nito.

"Pinapangako ko din sayo na ikaw lang at tayo lang sa tamang panahon." Sabi naman ng babae.

"Wag!" Sigaw ko pagkagising ko mula sa aking mahimbing na pagkakatulog.

'Ano ba tong mga nakikita ko sa panaginip ko?' Sabi ko sa isip ko habang inaalala ang lahat ng mga nakita ko sa panaginip ko.

Meron kasi akong nakitang magkasintahan na nagpapangakuan sa isat-isa tapos may mga events na nagsisigawan, nagkakagulo, may mga tawanan at ibat-iba pang kaganapan.

"Ouch! Ang sakit naman nito. Ano bang nangyayari sakin?" Sabi ko sa sarili ko habang hawak ang sumasakit kong ulo. Sa tuwing inaalala ko kasi kung ano yung mga nakita ko ay sumasakit lang lalo ang ulo ko.

Nagpalinga-linga ako at laking gulat ko nalang nang makita ko si Jackson na tulog sa gilid ng kama ko habang hawak-hawak ang kamay ko.

'Luh. Anong nangyari dito? Bat dito to. Natutulog?' Sabi ko naman sa isip ko.

"Jackson? Okay ka lang?" Paggigising ko sa kanya habang tinatapik ang balikat niya, nakatungo kasi ito.

Dahan-dahan itong nag-angat ng ulo at nang makita ako ay talagang ikinagulat niya. Tapos bigla nalang niya akong inakap.

"Thank you Lord at nagising ka na. Please lang sana wag na wag mo na akong pinag-aalala ng ganito. Kasi hindi ko na kayang mahiwalay ka ulit sa buhay ko. Hinding-hindi ko na kakayanin." Punong-puno ng pag-aalala na sabi niya na talaga naman ikinagulat at ikinalito ko.

"Ha? Ano bang sinasabi mo? Okay ka lang ba?" Pagtatanong ko kasi gulong-gulo na ako.

"Wag mo ng alalahanin pa yung sinabi ko. Basta ang mahalaga ay nagisjng ka na." Sabi niya habang nasa ganoong posisyon pa rin kaming dalawa.

"Teka lang ha. Ano bang nangyari? Wala kasi akong maalala. Basta ang alam ko nasa party tayo. Tapos yun wala na akong maalala." Tanong ko habang humihiwalay sa pagkakayakap niya. Kaya naman humiwalay narin siya sa pagkakayakap namin sa isat-isa.

"Natagpuan ka kasi ng isa sa mga pinsan mo na nakahandusay sa comfort room. Kaya naman nang malaman ko yun ay agad akong tumakbo sa kinaroroonan mo at dinala kita agad dito sa hospital. Buti na nga lang at wala naman daw masamang nangyari sayo." May pag-aalala pa rin na sabi niya.

"Ah.. oo nga pala. Naalala ko din na sumakit ng sobra yung ulo ko nun. Tapos yun everything went black. Paggising ko nandito na ako at nandyan ka sa tabi ko. Bat ka nga pala nandyan sa tabi ko eh wala narin naman malubhang nakita sakin?" Nagtataka kong tanong sa kanya na napakamot nalang siya sa tanong ko.

"Ah wala lang. Nag-alala lang talaga ako sayo. Tsaka nagpresenta narin akong magbantay sayo dito sa hospital. Kasi alam kong pagod narin sila Tita sa event kanina. Matulog ka nalang ulit para makabawi ka at mawala yung pagod mo. Baka nga napagod ka lang sa byahe natin nung nakaraan."

"Ah.. ganun ba? Baka nga napagod lang ako. Sige babalik nalang ulit ako sa pagtulog." Bumalik na nga ako sa pagkakahiga ko. Pero napansin ko na parang di umaalis si Jackson sa pwesto niya kanina.

"Ikaw ba? Dyan ka talaga matutulog sa tabi ko? Hindi ka ba nahihirapan dyan sa pwesto mo? Baka gusto mong matulog sa sofa? Mas magiging komportable ka dun. Kaysa dyan sa upuan."

"Ah. Kala ko dyan sa tabi mo. Sa sofa pala." Bulong nito sa sarili habang inaayos ang kanyang pagkakatayo.

"Ha? Anong binubulong-bulong mo dyan?" Tanong ko sa kanya habang inaayos ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ko. Medyo nilalamig din kasi ako sa mga oras na to.

"Ah. Wala ikaw talaga kung ano-anong iniisip isip mo. Matulog ka na nga lang ulit dyan." Sabi niya habang inaayos ang sofa na hihigaan niya.

"Okay. Good Night Jackson." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Good Night."




My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon