Chapter 18

415 10 1
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng alarm na sinet ko kagabi. Babalik na kasi ako sa school dahil sa ilang araw din akong di nakapasok dahil sa nangyari sakin. Nag alala narin kasi sila Mommy at Daddy sa nangyari sakin.

Bumaba na ako ng kwarto ng bihis na bihis na at para kakain nalang ako, bago umallis. Nagulat ako nang maabutan ko si Mommy sa may hapagkainan.

Hindi ko alam pero naging magaan nalang para sakin nang makita siya. Hindi na ko nakakaramdam ng tampo o ng kung ano mang galit sa kanya.

"Mom, anong ginagawa niyo dito?" Sabi ko nang makalapit ako sa kanya sabay beso.

"Hindi ko na ba pwedeng dalawin ang anak ko?" Sabi naman nito.

"Hindi naman sa ganun ma." Sabi ko sabay upo sa katapat nitong upuan. May mga nakahanda narin mga pagkain sa mesa.

"Gusto lang kitang makita at gusto kong ipaalam sayo na may mga body guards ka pa rin hanggang sa ngayon. Habang hindi pa nahuhuli ang mga taong may utak sa pagkakakidnap sayo. Alam mo na hindi pa safe para sayo." Paliwanag nito sakin.

"Ah ganun po ba?" Sabi ko nalang. Hindi na ko umangal dahil ayaw ko narin ulit mangyari yung mga bagay na yun.

"Musta na nga pala kayo dito ni Jackson?" Pangangamusta ni Mommy habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

"Ako na ma." Sabi ko nang matapos niyang lagyan ng fried rice ang plato ko. Hinayaan naman na niya ako na ako na ang maglagay ng pagkain. Naglagay naman ako ng hotdog at egg sa plato ko at nilagyan ko narin ang plato ng kay mommy.

"What do you mean about that, mom?" Medyo napakunot noo kong tanong kay Mommy dahil hindi ko inaasahan ang tanong nito.

"You know what I mean, do you already have some feelings for him?" Nakangiti niyang tanong habang hinihiwa ang hotdog sa kanyang pinggan.

"Hmmm.. I don't know Mom." Napaisip kong sabi sa kanya habang abala ako sa pagkain ko.

"Mabait naman siya diba?" Pagkumbinsi sakin ni Mommy. Then she sip to her cup of coffee.

'Ano na nga ba si Jackson para sakin? Meron na nga ba siyang puwang dito sa puso ko?' Tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos namin kumain ni mommy ay umalis na ito at iniwan akong nag iisip pa rin kung ano na ba ang nararamdaman ko para kay Jackson.

"I'm so happy na nakapasok ka narin." Masayang masaya na bati ni Heart sakin nang magkita kami sa cafeteria.

"Yeah! me too. I miss you so much!" Sabi ko naman then we hug each other so tight.

"Yiee.. Naks naman so sweet naman ng best friend ko at dahil nandito ka na, treat ko. Kahit ano, pili ka lang ako ng bahala." Sabi naman niya nang magkahiwalay kami sa pagkakayakap sa isat-isa.

"Talaga? Alam mo naman fave ko eh. Large Fries and Float lang." Sabi ko.

"So.. Let's go sa Mcdo?"

"Yeah, Tara! Tayo na at magmove on!" Pagbibiro ko.

"Move on? From what?" Nagtatakang tanong ni Heart.

"Choss lang to naman. Yung sa commercial kase eh!" Sabay pout. Nagtawanan naman kaming dalawa habang papunta ng Mcdo na malapit lang sa school namin.  

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now