Chapter 21

447 9 0
                                    

I woke up early para maghanda ng breakfast for Jackson. Maalam naman ako magluto pero binantayan at tinulungan pa rin ako ni manang Elsie sa pagluluto.

Naghiwa ako ng mga ingredients at di ko sinasadyang masugatan ng ilang beses ang kamay ko. Kinagalitan naman ako ni manang dahil daw di ako nag iingat sa paghiwa. Kaya naman siya na ang gumawa nito para sakin kase di talaga ako sanay.

Kumuha naman ako ng banda aid para takpan ang mga sugat at tumigil na sa pagdurugo.

Nagfried ako ng bacon, sausages, egg and gumawa din ako ng fried rice. Gumawa din ako ng salad para may gulay din for our breakfast.

Pagkatapos nito ay inihanda na nila manang Elsie at Ling (yung bagong kasambahay) sa lamesa ang mga naluto kong pagkain.

So ako naman excited na umakyat ng kwarto ni Jackson at kinatok ito.

"Jackson? Good morning. Are you awake?" Nakangiti kong tanong habang kumakatok sa pintuan nito.

Bigla naman bumukas ang pintuan at lumabas doon ang makisig na mukha ni Jackson habang nagpupunas ng buhok niyang basa. Bagong ligo ito at nakasando lang at pants sa mga oras na ito.

Medyo na stun ako sa nakita at di nakapagsalita ng ilang segundo. Naramdaman ko naman bumilis ang tibok ng puso ko.

"Are you all right?" Tanong niya.

Tsaka naman nabalik ang sarili ko nang marinig ito.

"A-Ah yeahhh. Hmm. Gusto lang kitang yayain magbreakfast. Bago ka sana umalis." Sabi ko ng medyo nahihiya sa nangyari kanina lang. Tinago ko sa likuran ang kamay ko nang maalala kong may sugat ang mga ito.

"Tinatanong pa ba yan? Definitely yes! Kakain tayo together." Nakangiti nitong sabi sabay akbay sakin.

"So let's go?" Tanong niya. Tumungo naman ako at bumaba na nga kami ng hagdan.

Pagkarating namin ng dining area, ay pinag usod niya ako ng mauupuan at tumabi naman siya sa akin sa katabing kanan upuan ko.

Bago pa ito makakuha ng kakainin eh, inunahan ko na siyang lagyan ng pagkain. Nilagyan ko ng fried rice ang pinggan niya. Kita naman sa gilid ng aking mga mata ang nakangiti nitong mga labi habang ginagawa ko iyon pero bigla itong nagbago nang makita ang kamay ko.

Patay. Sabi ng isip ko dahil sa pag iiba ng ihip ng hangin.

"Anong nangyari dyan sa kamay mo?" Sabi nito. Napatigil naman ako sa paglalagay ng pagkain at tumingin sa kanya para sumagot. Kitang kita sa mukha niya ang inis habang kunot-noo itong nakatingin sakin.

"Ah eh. Di ko sinasadyang mahiwa ang sarili ko kanina habang nagluluto. Gusto ko sana kasing maipagluto ka ng kahit breakfast manlang bago ka umalis eh." Mahinahong sabi ko. Nawala naman ang kunot sa mukha niya at napalitan ng saya sa kanyang mukha.

"Next time, mag ingat ka kasi or kahit sila manang nalang muna ang maghiwa kasi alam kong di ka sanay sa mga ganyang gawain." Nag-aalalang pangaral niya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang mga parteng may sugat.

"Masakit pa ba? Wag ka ng umulit ahh. Ayokong nakikita kang nasasaktan." Dagdag nito at nakatingin sa mga mata ko directly.

Nagulat nalang ako nang lumapit ang mukha niya saakin at marahan ang hinalikan sa labi. Imbis na lumaban ay hinyaan ko lang ito hanggang sa sumunod nalang din ang labi ko sa paghalik sa kanya. Ilang segundo kaming ganun at pagkatapos ay masaya na kaming kumain ng agahan.

Sumama ako kay Jackson hanggang sa airport bago ako pumasok sa klase ko. Gusto ko kasing makasama ko siya bago siya umalis ng bansa.

Magkatabi kami sa passenger's seat habang magkaholding hands. Ewan ko ba pero ayaw ko sanang matapos ang mga oras na iyon.

"Mamimiss kita." Bulong kong sabi.

"Mas mamimiss kita." Sagot naman nito sa sinabi ko. Nagulat naman ako kase narinig pala nito ang sinabi ko.

"Sus. Pero mag enjoy ka dun ah. Kailangan mo din ng pahinga mula sa work mo. I'm sure marami ka naman spare time kahit papano dun." Nakangiti kong sabi.

"Yes, I will. I will take some pictures ng mga ginawa ko dun, ng mga places na pupuntahan ko then I will send it to you. Para kunwari kasama kita. Then kapag may time na tayo, we can go there together." Masaya nitong sabi at tumingin sakin at pinitik ang ilong ko.

Nairita naman ako sa pagpitik nito sa ilong ko at kinilig din sa sinabi niya.

"Mag iingat na dun ah." Sabi ko sa kanya nang makarating na kami sa airpprt.

"Oo naman. Hintayin mo ko ah.." Sabi ni Jackson ng nakangiti. Tumungo naman ako dito bilang sagot.

Then inakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa labi ng smack lang bago umalis at kumaway sakin palayo.






My Future Husband is a Vampire?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora