Chapter 15

508 16 0
                                    

"Oh best! Anong nangyari sayo?" Nag-aalala akong lumapit at inakap siya ng mahigpit.

"Gaga ka talaga!" Sabi nito nang makapaghiwalay kami sa pagkakayakap. "Alam mo bang pinag-alala mo ako ng sobra sa nangyari sayo." Maluha-luha niyang sabi habang nakapout sabay hampas niya sakin ng mahina sa aking braso.

Para matigil siya sa kanyang paghampas sa akin ay dali-dali ko siyang inakap.

"Sorry na best kung pinag-alala kita. Okay na naman ako oh! Kaya wag ka ng magalit." Sabi ko sa kanya habang magkayakap kaming dalawa.

Nakita ko naman si Jackson na pababa na ng hagdan habang nakatingin sa aming dalawa ni Heart na mag kayakap. Sabay ngiti nito sa akin. Binawian ko rin siya ng ngiti at pagkatapos ay binalik ko ang tuon kay Heart.

Nang matapos ang paghihimuktol niya ay napag-usapan namin magmovie marathon. Narinig iyon ni Jackson at nagsuggest na sa multimedia room nalang kami manood imbes na sa sala.

"Multimedia Room? Meron ba tayong ganon dito?" Nagtataka kong tanong habang may pakunot-kunot pa ng noo. Nakaupo nalang kasi kami ngayong tatlo sa sofa habang si Manang ay naghatid ng juice para kay Heart.

"Yeah. Tara sasamahan ko kayo." Pagyayaya ni Jackson. Tumungo kaming dalawa at tumayo. Dinala din ni Heart ang baso niya ng mango juice habang papunta kami sa multimedia room. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking two way na pintuan.

Sa totoo kasi niyan eh, malawak talag itong bahay at hindi ko pa nasisilip ang bawat sulok nitong bahay kaya naman nagulat talaga ako nang malaman na may multimedia room kami.

Pagkapasok namin ay mas lalo akong nagulat pati narin si Heart sa aming nakita. Para kaming nasa loob ng sinehan, isang sosyal na sinehan. Kaso mas kaunti nga lang ang upuan dito di tulad ng sa sinehan na pang maramihan. Sa tingin ko ay nasa 10 upuan ang meron dito sa loob at ang bawat isa ay malalambot na upuan.

"Nandito sa loob yung mga tapes." Sabay bukas nito sa isang pinto sa gilid na hindi namin namalayan na nandun na pala siya dahil narin sa pagkamangha namin sa mga nakita.

Agad kaming nagtungo sa sinabing pintuan ni Jackson at pagkapasok namin ay may mga cabinet doon may punong-puno ng nakaayos na ibat ibang tapes. Nakaorganize ang mga ito base sa kung anong uri itong pilikula. May mga nakasulat din palatandaan ang bawat shelves kung ito ba ay Horror, Romace at kung anu-ano pang klase ng palabas.

"Seriously? totoo ba to?" Hindi makapaniwalang sabi ni Heart habang tumitingin kami ng tape.

"Anong gusto niyong snacks? I will get it for you guys. Magpapadeliver na lang tayo or magpapabili ako. Just request anything you like."

"Ah. Pwedeng popcorn and pizza?" Walang hiya hiyang suggest ni Heart. Tumungo naman si Jackson at tumingin sakin.

"Ikaw Kriszalyn?" Tanong naman niya sakin ng nakangiti.

"A-Ah. Padagdag nalang din ng fries and drinks." Sabi ko. Tumungo siya at lumabas na ng multi media room.

Ilang minuto din ang lumipas ay nakapili na din kami ng mga papanoorin namin. Ang unang nasa listahan namin ay ang isang foreign romantic movie. Kasabay ng pagpasok namin ng tape sa DVD player ay ang pagpasok nila Jackson kasama ang driver niya bitbit ang mga pagkain pinabili namin. Umupo na kami ni Heart at nilapag nila ang mga bitbit nila sa may harapan namin kung saan may isang mahaba at mababang mesa.

Naka upo kasi kami ni Heart sa bandang harapan pero di ganun kalapit sa screen dahil siguradong magiging masakit sa screen kung masyadong malapit ang mga upuan. Kumbaga, planado itong multimedia room at hindi ito basta-basta.

Nagpaalam na si Manang at umalis dahil may gagawin pa daw siya. Pero bago ito makalabas ay pinatay na niya ang ilaw at binuksan ang dim lights. Paalis na din sana si Jackson dahil nakita niyang mukhang okay na kaming dalawa dito sa loob at nag uumpisa narin ang palabas. Pero bago pa siya makahakbang palayo ay hinawakan ko ang kanyang kamay habang nakaupo pa rin ako sa upuan ko.

Para siyang nagulat sa ginawa ko. Kaya takang-taka siyang tumingin sa akin na para bang nagtatanong kung bakit?

"Dito ka muna. Ayaw mo bang manood?" Mahina kong tanong sa kanya habang si Heart ay abala na nanonood.

Hindi ito sumagot pero tumabi nalang ito sakin sa may bandang kanan ko kung saan ay bakante.

Naalala ko na nakahawak pa rin pala ang kamay ko sa kamay niya kaya naman medyo uminit ang mukha ko. Buti nalang at madilim dahil sigurado ako na sa mga oras na ito ay namumula ang mga pisngi ko.

Naghanap ako ng dahilan o ng magandang dahilan para tanggalin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Para naman hindi siya makahalata. Naisip ko ang pagkuha nalang ng bowl ng fries sa harap ko.

Sumubo ako ng ilang piraso ng fries at inalok ko si Jackson. Ngunit nakangiting tumanggi ito. Napabuntong hininga nalang ako ng mahina bilang relief sa nangyari.

Tahimik pa rin kaming nanonood habang kumakain nang makaramdam ako ng lamig sa buong katawan ko. Bigla akong napahawak sa braso ko sa lamig. Hindi ko alam kung bakit.

"Heart, Ang lamig no?" Pabulong ko sa kanya.

"Hindi naman. Sakto lang." Nakatingin sa screen niyang sabi sabay subo ng popcorn at upo ng maayos sa kanyang upuan. Enjoy na enjoy niya ang panonood.

"Sure ka?"

Nagnod lang siya bilang sagot. Pagbalik ko sa pagkakaupo ko ay nagtaka ako dahil biglang nawala si Jackson sa tabi ko. Luminga-linga ako at wala siya. Then napatingin ako sa may pintuan dahil biglang lumiwanag galing doon at nakita ko nga si Jackson na pumasok sa loob. So bumalik nalang ako sa panonood.

Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko at may inabot sakin malambot na kumot.

"Para san yan?" Takang taka kong tanong.

"Diba nilalamig ka?" Nakataas na kilay niyang tanong. Tumungo ako at kinuha ko nalang ang kumot mula sa kamay niya.

Itinaas ko ang aking mga paa at ibinalot ang kumot sa sarili ko.

"Okay ka na ba? Hindi ka na ba nilalamig? Ang lamig pa ng kamay mo eh." Nag-aalalang sabi niya.

Nagtaka ako kung pano niya nalaman. Naalala ko na nagdikit nga pala ang kamay namin kanina noong kinuha ko ang kumot sa kamay niya.

"Medyo." Daretsong sabi ko dahil ramdam ko pa rin ang lamig. Nagulat nalang ako nang bigla niyang kinuha ang kamay ko mula sa arm chair na pinagpapatungan ko at pinag intertwined ang kamay namin dalawa. Itinago niya ito sa ilang nakalaylay at sobrang bahagi ng kumot.

Naramdaman ko ang init ng kamay niya kasabay ng init sa aking mukha. HIndi ko alam kung bat di ako umangal or bumitaw manlang. HInayaan ko nalang ito at tahimik nalang nanood ng movie.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now