Chapter 10

630 18 0
                                    

"Tapos ano pang nangyari bhest?" Pangungulit sakin ni Heart hkabang kinakain niya yung fries na inorder niya dito sa cafeteria.

Wala na kasi kaming klase sa mga oras na ito kaya naman naisipan namin kumain muna at naikwento ko narin sa kanya yung mga nangyari nung nakaraan araw.

"Basta mahabang kwento. Kaya wag mo ng alamin." Sabi ko nalang, tinatamad na kasi akong magkwento pa. Tapos inaalala ko pa rin yung mga napapanaginipan ko. Paulit-ulit kasing nagpapakita sa panaginip ko yung magkasintahan.

"Ah. Okay. Oo nga pala. Musta naman yung future husband mo? Okay naman siyang kasama sa araw-araw?" Nakangiti at punong puno ng interest na tanong niya sakin.

"Okay lang naman siya. Medyo busy lang siya this past few days. Pero naninibago lang talaga ako sa kanya kasi nung first time ko siyang makilala parang ang cold niya. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang nagiging maalalahanin sakin. Katulad nung nahospital ako. Nagulat ako sa ikinilos niya nun." Napaisip kong sabi habang nagsisip ako ng juice mula sa baso ko.

"Hala bhest. Iba na yan. Baka naman mahal ka na niya? Baka naman nahulog na siya sayo ng tuluyan."

"Luh. Nahulog ka dyan ng tuluyan. Imposoble. Sadyang mabait lang talaga siyang tao."

"Ikaw ba? Wala ka bang nararamdaman na kahit ano mula dyan sa puso mo? Wala ka bang naramdaman na kung ano nung hinalikan ka niya?" Tanong niya habang tinuturo yung puso ko sa pamamagitan ng nguso niya.

'Wala nga ba? Parang nakalimutan ko narin kasing umibig. Hindi ko din alam kung bakit? Parang may kulang sakin. Isang malaking parte ng buhay ko.' Sabi ko sa isip ko.

----------------------------------------------------------

Pagkalabas namin ni Heart ng gate ng school ay may narinig kaming bumubusinang itim na sasakyan sa tapat namin.

Ikinagulat ko nang makita ko na si Jackson pala ang nasa loob nito dahil bigla nalang bumukas ang salamin nito.

"Girls. Ihahatid ko na kayo." Sigaw niya mula sa loob ng sasakyan at bigla nalang itong lumabas para salubungin kaming dalawa ni Heart.

"Oh. Hello Mr. Husbby ni Kriszalyn. Kahit wag niyo na akong isabay kasi papapuntahin ko narin yung driver ko dito."

Sinamaan ko naman ng tingin si Heart sa sinabi.

"Don't you remember? Diba pupunta pa tayo ng mall? Ikaw talaga makakalimutin ka na talaga. Tsaka ikaw naman Jackson? Wala ka na bang pasok? Diba marami ka pang trabahong inaayos? Bat ka nandito?" Pagtataray na tanong ko. Syempre pigil kilig ang ate niyo. Kasi baka mamaya utos lang din to ng magulag ko sa kanya.

"Hmm. Wala lang. Bakit? Bawal na bang sunduin ang fiance ko?" Sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

'Ano ba tong lalaking to. Makatitig naman at makipag eye to eye sagad. Kriszalyn pigilan mo ang sarili mo.' Sabi mo sa isip mo kasi biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Bigla ko naman napansin na para bang palihim siyang ngumingiti. Di ko nalang ito pinansin at itinuon ang sarili kay Heart.

"Hindi naman. Pero mauna ka na sa bahay. Sa driver nalang ni Heart kami magpapahatid sa Mall."

"No. Ako na ang maghahatid sa inyo." Sabi naman niya.

"Hindi mo na kailangan pang ihatid kami. Alam kong pagod ka na. Kaya mauna ka mg umuwi."

"No. Hindi oa ako pagod. Kaya okay lang talaga kung ako na ang maghahatid sa inyo. I insist." Pagtatalo namin.

Nagtama ang tingin namin dalawa. Parang magkakaroon lang ng war ang peg. Nakahalata naman dito si Heart kaya naman bigla nalang siyang sumabat samin dalawa.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now