Chapter 25

454 10 5
                                    

I wake up in my bed with a smile on my lips. Everything was still fresh in my mind and now, that I can remember everything from the day I met Jackson and up to the day we fell apart. It breaks my honestly but my heart and my mind rejoices, because I feel so complete.

"Ma'am? Breakfast is ready na po." Tawag ni manang mula sa pinto ng kwarto ko.

Nakauwi na kami ni Jackson ng bahay. After kasi namin sa Enchanted Kingdom eh napagpasyahan na namin umuwi na para makapagpahinga narin.

"Yes po. Saglit lang at baba narin po." Sagot ko, then nag asikaso na agad ako. Nag brush agad ako ng t ngipin at naghilamos ng mabuti, nagsuklay narin ako ng magulo kong buhok. I check myself first before going out of my room.

Si Jackson kaya? Gising na kaya siya? Wala naman siyang pasok ngayon right? Tanungin ko kaya si Manang?

"Manang?" Tawag ko habang nasa loob pa rin ng kwarto ko. "Si Jackson po ba gising na?" Sabi ko sabay bukas ng pintuan. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita si Jackson sa harap ko. Lumapit ito sakin dahilan para mapaatras ako.

"Are you looking for me?" Tanong niya ng may ngiti sa labi habang lumalapit sakin. Atras naman ako ng atras. Nang makapasok kami ng kwarto ko ay bigla niyang sinarado ang pinto na kinagulat ko. Hindi ko namalayan na palapit na kami sa pader para macorner ako.

Why this guy always making my heart beats faster?

"Uh ano kasi.." Nauutal na sabi ko. Ano ba? Walang pumapasok sa isip ko, tanging lumalabas sa isip ko ay yung mga nangyari kagabi. Kriszalyn isip!

"Kasi ano?" Tanong niya habang may mapaglarong ngiti na sa kanyang mga labi.

Umiling ako para mawala sa isip ko yung mga nangyari samin kagabi at nag isip ng idadahilan.

"Uh kasi, baka wala ka ngayon baka kasi bigla kang umalis ganun, baka may emergency ka sa work mo ganun. Tsaka..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang niya akong hinalikan sa labi ng marahan, hinalikan ko rin siya pabalik. Ilang segundo din kaming nasa ganun posisyon, hanggang sa siya na mismo ang nag angat sa kanyang labi.

Hindi ko alam pero nababaliw na ako sa mga halik niya sakin. Parang ayoko ng matapos pa.

"Sinabi ko naman sayo na bukas pa balik ko ng office diba? So we still have our quality time together .today." Nakangiti na niyang sabi at sabay pisil ng ilong ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin sa ginawa niya. Tumawa lang siya sa nakita. "Let's go get some breakfast na." Tumango naman ako at hinawakan niya ang kamay ko, dahilan para magholding hands kami papunta sa sala.

Pagbaba namin, nakatingin samin ang mga katulong at nangingiti sa nakikita. Pagkatapos namin kumain ay sinabihan ako ni Jackson na mag bihis at may lakad daw ulit kaming dalawa. Sinunod ko naman ito at nag asikaso na nga sa kwarto ko.

"San tayo?" Tanong ko sa kanya nang makasakay na kami ng sasakyan.

"Anywhere you want." He confidently said, then ini-start na nga niya ang sasakyan.

"Hmm.. I honestly don't know where I want eh. Maybe sa mall?" Sagot ko sa kanya. Tumungo naman siya. Nitong mga nakaraan kasi di na ko nakakapunta ng mall dahil sa mga ginagawa sa school at wala akong makasama para mag gala. Busy rin kasi si Heart sa mga sarili niyang lakad eh.

And maliban dun, I really love malls tho. I really want din na nag iikot sa mall with the one I love. Holding each other's hands, eating together, shopping together, watching movies together, and many more things to do in the mall with your partner.

Napailing ako sa mga naiisip ko kaya naman hinampas ko ang magkabilaang pisnge ko ng marahan, yung tama lang para magising ako sa katotohanan. Napansin ko naman na patingin tingin sakin si Jackson kaya naramdaman ko nalang na nag init ang mukha ko dahil sa kahihiyan na aking naiisip.

Tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagbrobrowse sa social media account ko habang nasa byahe kami. May mga tinatanong tanong at nag kwentuhan lang din kami sa byahe ni Jackson. Tumigil ang sasakyan sa tapat ng Mall Of Asia.

Agad akong dumungaw sa bintana ng sasakyan at namangha ulit ako sa nakita. Di ko narin kasi maalala kung kelan ako huling nakapunta dito, matagal tagal narin kasi nung huli akong nakapunta dito. Kaya naman natuwa ako sa mga pagbabagong nakikita ko.

"Let's go?" Natigil ako sa pagpapantasya sa aking mga nakita nang nasa harap ko na pala si Jackson at ready ng buksan ang pinto ng sasakayan. Tumango ako at ngumiti, agad naman niyang binuksan ang pinto at nilahad ang kamay niya para hawakan at makababa ako ng sasakyan. Tinanggap ko naman yun at kinilig sa kanyang ginawa. Nang masara na niya ang pinto ay pinatunog na niya ito para ilock.

"So where do you want to go first?" Tanong niya sakin.

"Kahit saan. Ikaw bahala." Nakangiti kong sagot. Sa totoo lang, wala naman sakin kung saan kami pupunta at kung ano ang gagawin namin dun. Basta ang nasa akin lang, kasama ko si Jackson ngayon.

"Sigurado ka? Akong bahala?" Sabi niya ng may halong pang aasar na may para bang may balak sa kanyang boses.

"Ha?" Napaisip kong sabi.

Tumawa lang siya doon, kaya naman tinignan ko siya ng masama. Hahampasin ko na sana siya kaso hinawakan niya ang braso ko habang tumatawa.

"Anong nakakatawa?" Nakakunot noo kong sabi.

"Yung reaksyon mo kasi..." Sabay tawa na naman na parang di na makahinga. "kung anu-ano iniisip mo ah... dejoke tayo na nga." Aniya at huminga na ng malalim para dahan-dahang tumigil ang kanyang pagtawa.

Pinag intertwined niya ang mga kamay namin at naglakad na. Ewan ko, pero tuwing ginagawa namin ang paghoholding hands, eh feeling ko safe na safe ako sa kanya.

"Dahil nakakastress sa school at sa work, I think we need to rest and take some massage." Sabi niya at tumigil na kami sa isang kilala at mamahaling spa.

"Magpapamasahe tayo?" Tanong ko sa kanya kasi di ko naman ineexpect na mag gaganito kami. Kahit mayaman ang family namin, hindi ko pa natry na magpamassage dahil di ko rin naman nakasanayan yung mga ganitong bagay.

"Yeah, and sabi mo akong bahala sa mga gagawin at pupuntahan natin today." Nakangiti na naman niyang sabi. Napatingin ako sa mga mata niya at napahawak narin sa dibdib ko dahil sumasakit ang puso ko na para bang di ako makahinga.

Nako Jackson, dinadaan mo na naman ako sa mga ngiti ngiti mo ah. Tigil-tigilan mo ko, bumibilis na naman ang tibok ng puso. Bigla naman naiba ang expression ng mukha niya para siyang natatawa na pinipigilan, kaya naman nag iwas agad ako ng tingin sa kanya at ininda ang sakit ng dibdib ko.

"Okay ka lang?" Biglang tanong niya ng mapansin atang nakahawak ako sa dibdib ko at di makainga ng maayos. Bakit ba naman kasi parang may naghahabulan na mga kabayo sa puso ko.

"Ah oo, okay lang ako kinabahan lang ako kasi di pa ko nakakapunta sa ganito."

Tumungo naman siya at tinanong pa kung sigurado ba ako. Sinabi ko lang ulit na okay lang ako at tumigil na siya sa pangungulit, kaya naman pumasok na kami sa loob. May kinausap na siya sa loob at inassist na kami.

Nagulat ako kasi kailangan palang maghubad dito kaya kinabahan pa ako noong una. Buti nalang magkahiwalay kami ng kwarto ni Jackson, kung hindi, di ko maeenjoy ang moment na to at mag wawala na naman ang puso ko nito panigurado.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa masahe. Ginising nalang ako ng nagmamassage at sinabing tapos na raw ang masahe, sa tingin ko ay ilang oras din ang lumipas sa pagmamasahe. Hinayaan naman niya akong mag stay pa ng ilang minuto, tsaka ako bumangon at nagpalit na ng damit.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Jackson na nakaupo lang sa sofa ng spa at mukhang naghihintay sakin. Nang palapit na ako ay tumingin agad ito at tumayo para salubungin ako.

"Kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya nang makalapit siya sakin.

"Nope. So, how was it? Did you enjoyed?" Tanong niya.

"Oo, sorry ah nakatulog ako dahil siguro sa galing ng pagmamasahe nila." Manghang manghang sabi ko.

"I think we should go here once a week or every free time and stressful na tayo." Aniya. "So, lets go? I know your hungry." Tumungo naman ako at hinawakan na naman niya ang kamay ko para umalis.

My Future Husband is a Vampire?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon