Chapter 4

740 22 0
                                    

*Ring! Ring! Ring!*

"Oh my Gosh friend kanina pa tumatawag ang fiance mo, dito sa phone mo. Hindi ko lang sinasagot!." Bungad sakin ni Heart pagkapasok ko ng condo niya. Kakagaling ko lang kasi sa labas at naisipan bumili ng masarap na breakfast sa labas. May mga niluto narin siyang iba pang breakfast tulad ng egg, bacon and hotdogs.

"Hayaan mo lang yan. Magsasawa din yan. Tara dun nalang tayo sa sala mo. Lets eat this one." Pag aaya ko kay Heart ng dala kong hot pandesal.

"Wow yummy. Let's go."

Habang kumakain kami ay napansin ko naman tumigil ang pag ring ng phone ko. Nakahinga naman ako ng malalim at ng matiwasay nang malamang tumigil na ito.

"Hahaha. see I told you magsasawa din yun sa pag tawag." Sabi ko.

"Hahaha yeah best I think you're right." Nagpatuloy nalang kami sa pagkain.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay yung phone naman niya ang tumunog. Kaya dali-dali niya tong sinagot kasi may inaantay rin siyang tawag.

"Hello"

(Hello, Is this Heart?)

"Yes, speaking."

(Can I ask you if you are with my fiance?)

"What fiance?"

Nagpintig ang aking tenga sa narinig. Kaya dali-dali kong kinuha sa kamay ni Heart ang phone niya at ni loudspeak iyon.

(I'm Jackson, Krisza's fiance. I know that you are with her right now. So paki sabi naman na kapag hindi siya umuwi dito sa bahay namin ngayon, ako mismo ang susundo sa kanya at kung ganun man ang mangyari, ako rin mismo ang magsasabi sa mommy mo na tinutulungan mo si Krisza.)

"What do you mean? Sorry pero nagkakamali ka. Hindi ko siya kasama ngayon." Sagot ni Heart sa kabilang linya.

(Hindi ako naniniwala. I have connections and I know everything. Kaya Krisza, alam kong nakikinig ka sakin ngayon. Please lang umuwi ka na dito sa bahay natin. Dahil hinahanap ka na sakin ng mga magulang mo.)

Nagulat ako sa narinig ko. Kaya naman dali-dali ko agad na pinatay ang tawag ni Jackson sa phone ni Heart.

"Wow thats weird. Pano niya nalaman na nandito ka sa condo ko? At pano rin niya nalaman na nakikinig ka sa usapan namin?" Nagtataka na tanong sakin ni Heart sabay subo ng isang pandesal.

"Hindi ko rin alam best eh. Di kaya pinapasundan niya ako? Wala na akong magagawa kundi ang bumalik dun sa bahay 'kunno' namin. Gosh! Damn it!"

"Wag na best. Malay mo baka di naman niya talaga alam na nandito ka sa condo ko."

"No best, babalik nalang ako dun. Kaysa naman na mag sumbong yun sa mommy mo. Baka parusahan ka pa. Mabuti na yung nag iingat tayo."

"Sigurado ka best?"

"Oo best. Kakausapin ko rin yung lalaking yun. Haharapin at tatapatin ko na siya." Sabi ko. Desidido na kasi talaga ako at ayokong iniipit ako ng ganito at mas lalo ng ayaw kong nadadamay ang kaibigan ko dito.

Tumungo naman siya at binilisan ko nalang sa pagkain at nag asikaso narin para makaalis.

----------------------------------

"Good Afternoon po Ma'am." Bati sakin ni Manang Elsie pagdating ko ng bahay.

"Ah. Good Afternoon din po manang. Manang, si Jackson po?" Seryoso kong tanong kay manang pagkatapos ko siyang ngitian at batiin.

"Ah. Si sir po ba? Nasa taas po sa may kwarto niya. Kanina ka pa niya hinihintay. Halos hindi nga po kumakain si sir nung nawala kayo."

"Ha? Baka busy po siya. Sige po manang, mauuna na po ako sa taas."

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now