Chapter 7

620 20 0
                                    

*** JACKSON'S POV ***

I know that I'm too selfish. Wala akong magawa kasi mahal ko ang babaeng ito na nasa harap ko. Nasa kama na nga pala kaming dalawa ni Kriszalyn dahil binuhat ko siya mula sa pagkakatulog niya sa labas.

Ang totoo kasi niyan, matagal ko na siyang kilala at matagal ko narin siyang mahal. Nagkaroon kami ng lihim na relasyon at pinangakuan namin ang isat-isa na kami ang magkakatuluyan sa pagdating ng tamang panahon.

Nagkahiwalay kami dahil sa isang aksidente...

*** Flashback (3 yrs. Ago) ***

"Pakawalan niyo siya! Ako lang naman ang kailangan niyo diba?"

Kinidnap kasi kami ng mga bampirang kalaban ng aking mga magulang at ito ang aking tiyuhin.

Oo, tama ang nabasa niyo. Ang pamilya namin ay kilala na isa sa mga mabubuting bampira sa mundo at pinamumunuan ito ng aking ama. Kaya kilala ang aking ama bilang, King of Good Vampires at ako naman ang Prince na nag-iisang anak at taga pagmana ng trono.

Dahil sa gustong masakop ng Tiyo ko ang pinamumunuan ng aking ama ay naisipan niya itong pabagsakin, kaya naman kinidnap niya ako at si Kriszalyn para gawing pain sa aking ama.

Sa totoo kasi nito, pinaghihiwalay na kami ng mga magulang ni Kriszalyn sa simula palang dahil narin sa nalaman nila ang mga kuro-kuro tungkol samin na agad naman nilang pinaniwalaan. Akala kasi nila ay masasama kaming mga bampira at masama akong impluwensya para kay Kriszalyn.

"Oo, ikaw nga lang ang kailangan namin para mapapunta ang ama mo dito at siya naman ang magiging handa at pagsasaluhan namin pag nagtagumpay kami sa balak namin." Wika ng aking masamang tiyo.

"Hindi yun mangyayari! dahil alam kong pababagsakin kayo ng aking ama at pagbabayaran niyo ang lahat ng mga panggugulong ginawa niyo."

Hindi nga ako nagkamali at dumating nga ang mga magagaling na tauhang bampira ng aking ama. Lingid sa inyong kaalaman ay may ibat-ibang kakayahan ang mga bampira. Ito ay bigla nalang lumalabas sa pagdating ng panahon ng kanilang pagbibinata o pagdadalaga at sinasanay para mas lalong lumakas at madagdagan pa ang kanilang mga kakayahan. May mga bampirang kayang magpalabas at kumontrol ng apoy, tubig, hangin, bato, yelo, lupa at iba. Ang iba naman ay kayang magpagalaw ng mga bagay, magbura ng alaala, magbasa ng isip at marami pang iba.

Pagkatapos kalabanin ng mga tauhan ng aking ama ang mga tauhan ng tiyuhin ko ay nakita ko naman na lumabas mula sa likod ang aking ama at hinarap ang kanyang kapatid na tiyuhin ko at naglaban silang dalawa. Dahil sa mas malakas ang aking ama ay natalo niya ang tiyuhin ko at kinuha ang kapangyarihan nito. Para hindi na ito magamit sa masama. Kaya naman naiwan ang tiyuhin ko na hinang hina at wala ng ni anong kapangyarihan pa.

Samantalang si Kriszalyn naman ay ibinalik ng aking ama ng walang maalalang kahit ano. Para narin hindi na ito matrauma sa lahat ng nangyari.

*** End of flashback ***

Simula nun ay hindi na muli kami nagkita ni Kriszalyn dahil narin sa pumunta kami ng ibang bansa ng mga magulang ko para doon magsimula ng panibagong buhay.

Tsaka ko lang nalaman na, binura pala ng mga magulang ko ang lahat ng alaala ni Kriszalyn na may kinalaman sa akin. Pati narin ang alaala ng kanyang mga magulang. Dahil dito ay mas lalo ko pang pinag igihan ang pag-aaral ko at nakaimbento ako ng mas magandang gamot na pakikinabangan ng kapwa ko bampira para hindi kami masunog sa araw at hindi na uminom ng kahit anong uri ng dugo at magkaroon ng katahimikan ang mundo. Ayoko din sanang mahiwalay kay Kriszalyn dahil sa gusto ko siyang makasama hanggang sa pagtanda namin. Pero hindi ako pinayagan ng aking ama dahil may mga mas mahalagang responsibilidad akong kailangang gawin at para narin maiwas si Kriszalyn sa mga kapahamakan na dulot ko at ng aking pamilya.

Minsan ay inaalala ko nalang ang mga araw na nagpapangakuan pa kaming dalawa sa isat-isa na pilit kong pinapanalangin na maalala sana niya muli.

*** Flashback ***

"Pinapangako ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko magpakailan pa man. Sana ganun ka rin." Sabi ko kay Kriszalyn habang inaayos ang mga buhok na nakaharang sa mukha niya.

"Pinapangako ko din sayo na ikaw lang at tayo lang sa tamang panahon." Sagot naman niya sa sinabi ko.

"Promise?" Tanong ko.

"Promise." Nakangiti niyang sagot at biglang dinampi niya ang labi niya sa labi ko bilang seal ng aming pangako sa isat-isa.

*** End of Flashback ***

Wala din araw na hindi ko iniisip ang kalagayan ni Kriszalyn, palagi ko siyang pinababantayan sa tauhan ko at binibigyan ako ng updates tungkol sa mga nangyayari sa kanya. Meron akong mga litrato niya nung graduation niya nung high school, debu, mga christmas celebrations at iba pa.

Kaya naman nang malaman ko na nagkaroon ng problema ang kompanya nila ay agad kong kinausap ang mga magulang ko para makipag merge dito. Dahil alam naman din nila kung gaano ko kamahal ang babaeng nasa harap ko ngayon ay pinagbigyan nila ako at dahil narin sa alam nila na wala na ang tiyuhin ko na siyang utak sa mga masasamang balak laban sa pamilya namin.

Sana nga wala ng haharang pa saming dalawa pero sana maalala na akong muli ni Kriszalyn. Katulad ng pagtanggap niya sakin dati. Katulad ng mga maliligayang araw na magkasama pa kami.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now