Chapter 24

383 10 0
                                    

"Hindi pa ba tayo uuwi? Parang magsasara na kasi tong Enchanted Kingdom, konting konti nalang ang mga tao oh." Sabi ko ng may pagtataka. Napansin ko kasi na halos wala ng masyadong tao at puro mga empleyado nalang ng Enchanted Kingdom ang nakikita ko.

"Hindi pa. I told you, that there's more." Sagot niya ng nakangiti habang magkahawak pa rin ang mga kamay namin. Tumigil kami at namangha ako sa aking mga nakita.

Nasa parang isang park kami sa loob ng Enchanted Kingdom, may nakikita akong isang lamesa at dalawang upuan sa gitna na napapaligiran ng mga lobo at bulaklak. May mga nakapaligid din mga ilaw at kandila dito, naglakad kami papalapit dito at pinag usod niya ako ng upuan nang makalapit kami para makaupo ako.

"Para san to?" Tanong ko kay Jackson, nang makaupo na ako sa upuan. Umupo narin siya sa harap ko nang mabigay na niya ang mga dala namin gamit sa isang lalaki. Tingin ko ay empleyado din ito dito.

"I want to make up the days that I'm not with you. So this is it. Surprise!" Nakangiti niyang sabi. May lumapit naman samin at naghatid ng pagkain sa harap namin, may steak at mash potatoes itong nakalagay at may mga ilang gulay din na nakapaligid. Ilang minuto din ang lumipas ay may lumapit ulit para lagyan ng wine ang mga baso namin sa lamesa, nang matapos ay umalis agad ito.

Hindi ko alam pero nagsimula na naman mangilid ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na napigilan iyon kaya naman napansin agad ito ni Jackson. Napatayo siya dito at lumapit sakin.

"Don't cry." Aniya may kinuha siya sa bulsa niya, isang panyo, at ipinunas ito ng marahan sa aking mga mata. "I promise that this is the last time na magkakahiwalay tayong dalawa. I will never leave you again. Hinding-hindi na ulit ako papayag na magkakahiwalay pa ulit tayong dalawa.

Hindi ko alam pero nagtuloy-tuloy lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Hindi ko ito mapigilan kaya hinayaan ko nalang. Yumuko naman si Jackson para magpantay kaming dalawa, bigla niya akong inakap ng mahigpit.

Narinig ko nalang ang malalakas na putok at pagliwag ng paligid. Napamulat ang mga mata ko at nakita na may mga fireworks sa kalangitan. Bumitaw narin sa pagkakayakap si Jackson at muling tumayo, bumungad sakin ang mga empleyado ng Enchanted Kingdom na may mga hawak na malalaking cards.

"Can we start over again?" Pagkabasa ko, tumingin ako kay Jackson na may hawak ng isang bouquet ng red roses. Binigay niya ito sakin at tinanggap ko naman ito mula sa kanya. Napahawak ako sa bibig ko sa sobrang pagkagulat. Bumuhos na naman ang luha sa mga mata ko.

"I want us to start over again. I know everything was fast for you at alam kong magulo pa para sayo ang lahat, kahit na nakaarrange marriage na tayo, gusto kong ligawan ka at patunayan sayo kung gaano kita kamahal mula noon hanggang ngayon. Can you give a chance?" Nakangiti niyang sabi.

Lalong bumilis ang pag tibok ng puso ko sa kanyang sinabi. Tumayo ako mula sa aking upuan at binaba doon ang bitbit ko kaninang mga bulaklak.

"Yes, Jackson. We can." Nakangiti kong sabi habang may tumutulo pa rin luha sa mga mata ko. Bigla akong inakap ni Jackson ng mahigpit at inakap ko rin siya pabalik.

"Thank you Kriszalyn. Thank you." Sabi niya habang magkayakap kami, rinig ko sa boses niya ang panginginig. Umiiyak ata si Jackson, paulit-ulit niya itong sinasabi sakin habang magkayakap kami. Tumigil ito at tinignan ako sa aking mga mata, dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin na dahilan para pumikit ako. Naramdaman ko ang dahan dahang pagdampi at paggalaw ng labi niya sa aking mga labi. We kissed gently like we don't want to stop it. Like we didn't met for years, like we missed each other so much. Every thing's flashing back in my mind, because of the kiss I can now remember everything. I reminisce everything, my heart keeps on beating so fast. I really love this guy so much. Tears from my eyes starts to flow, because of the happiness. I feel now that I'm complete and it is because of him.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now