Chapter 17

452 12 0
                                    

"Ah mauuna na ako sayo sa pag uwi pagkatapos ko dito. Ayoko ng makaistorbo sayo sa trabaho mo." Sabi ko sa kanya habang pinapanood niya akong maghugas ng mga pinagkainan namin, mula sa aking likuran. Buti nga at napilit ko siya na ako na ang mag huhugas dahil nakipag agawan pa ito sa akin kanina na siya nalang daw ang maghuhugas.

"Ahm.. Pwede bang sabay na tayong umuwi?" Tanong nalang nito kaya naman napakunot ang noo ko sa tanong niya. Nilingon ko siya.

"Ha? Bakit? Wala ka na bang gagawin? Hindi ba busy ka ngayon?" Tanong ko nang makalingon ako then binalik ko na agad ang tigin ko sa hinuhugasan.

"Yup, Kaya kung pwede mag stay ka muna dito? Nandito ka narin naman, mamimiss kasi kita pag hindi kita nakikita."

Napatigil naman ako sa sinabi niya. Biglang uminit ang mukha ko. Nang makarecover ay nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa.

"Okay lang ba sayo?" Tanong ulit nito mula sa aking likuran.

"Okay lang naman." Sagot ko ng may pagpipigil ng kilig.

"Yes!" Tuwang tuwang bulong nito na rinig ko naman.

"Mauna ka na dun sa desk mo, Kaya ko na rito." Sabi ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nanonood sakin. Di kasi ako makakilos ng maayos dito, knowing that his near me.

"Sige." Sabi nito na may tuwang tuwa pa rin na to ng boses at umalis na nga siya sa pwesto niya sa bandang likuran ko.

Pagkatapos kong maghugas ng pinagkainan namin, ay dumaretso na ako sa may sala at umupo sa isa sa mga sofa. Nakita ko naman si Jackson na abala na sa desk niya, na katapat lang ng sofa na inuupuan ko sa mga oras na ito.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkalikot ng cellphone ko. Nahuhuli ko naman si Jackson na pasulyap-sulyap sa akin habang may binabasa siya sa mga hawak niyang papel sa mga oras na to.

"Tapusiin mo muna yang ginagawa mo wag ka ng tingin ng tingin sakin." Sabi ko ng may halong pang aasar habang tinutuon ko pa rin ang sarili ko sa phone ko. Di ko alam pero kinikilig ako sa mga oras na to.

"Ito nap o." Sabi naman niya. Napangiti naman ako dahil inaamin niyang tumitingin nga siya sakin.

Ilang minuto ang lumipas at nakaramdam na ako ng antok. Di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Kriszalyn, tayo na." Naririnig kong sabi ni Jackson habang nararamdaman kong marahan niyang hinahanaplos ang mukha ko. Ramdam ko ang mainit at malambot niyang kamay sa aking mukha. Tinatamad pa ang mga mata ko para magmulat dahil siguro sa antok.

"Tayo ka na at kain na tayo. Sige ka paghindi ka gumising dyan hahalikan kita." Naalarma ako sa sinabi niya kaya naman unti-unti ko ng iniangat ang ulo ko at inimulat ang mga mata ko. Pero nagulat ako nang magdampi na ang mga labi namin.

Hindi na ako nakapalag pa sa nangyari dahil narin sa gulat ay nabato ako. Kaya naman nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad akong umiwas ng tayo sa kanya. Narinig ko naman si Jackson na tawa ng tawa sa nangyari.

"Gising ka na pala." Natatawa pa rin sabi nito. Kung hindi lang siguro nag iinit ang mukha eh nasapak ko na ito.

"Bat mo ginawa yun?" Nag iinit pa rin ang mukhang tanong ko sa kanya. Nakatalikod ako sa kanya dahil nasa sofa pa rin siya at nakaupo. Ayokon ipakita ang mukha ko sa kanya dahil feeling ko pulang pula ako sa mga oras na ito.

"Kasalanan mo naman yun umangat kasi bigla yang ulo mo. Kaya yun." Natatawang sabi niya halos hirap na nga ito sa kakatawa na nagpakunot ng noo ko.

"So.. Kasalanan ko pa? Dahil lang sa pag-angat ng ulo ko? Eh kung hindi mo naman ako pinag tangkaang halikan habang natutulog ako hindi naman mangyayari yun eh." Asar na asar na sabi ko nang makaharap ako sa kanya, hindi ko narin kasi mapigilan ang sarili ko na harapin siya kahit na alam kong namumula ang mukha ko dahil sa nangyari. Gustong gusto ko na siyang hampasin sa sobrang kahihiyan.

"Kasalanan mo pa rin. Masyado ka kasing Maganda para tiisin." Hindi makatingin na sabi nito nang humarap ako sa kanya. Natahimik naman kaming dalawa ng ilang Segundo.

"Oh.. Sorry na. Tara na alis na tayo at kumain na tayo. Nagugutom na ko oh... tsaka ikaw alam kong gutom ka narin." Pag iiba nito ng topic, sabay hawak nito sa kamay ko. Inilock niya sa mga kamay niya ng mahigpit. Hindi na ko nakaangal pa at hinila na niya ako palabas ng office.

Nagpaalam na kami sa secretary niyang si Gina na kinikilig sa nakitang ayos naming ni Jackson. Ngumiti nalang ako rito kahit na naiilang ako,

Paglabas namin ng building ay medyo madilim na pala. Matagal tagal din pala akong nakatulog kanina. Ilang minuto din ang lumipas ay dumating na ang sasakyan ni Jackson na minamaneho nan g isang driver. Siguro hindi muna si Jackson ang magdadrive dahil narin siguro sa pagod.

Pinagbuksan ako nito ng pinto at pumasok narin siya sa kabila. Bale magkatabi kami sa passenger's seat.

"Manong, sa restaurant po tayo." Sabi ni Jackson sa driver nang makaupo na siya ng kumportable sa tabi ko.

"Sa labas tayo kakain? Hindi sa bahay? Tanong ko kahit obvious na ang sagot gusto ko lang itanong kasi gusto ko na sanang mag isa sa kwarto dahil sa kahihiyan na ayaw ko dahil gusto ko pa siyang makasama ng ganito. Kriszalyn, imayos ka.

"Yup! At wag ka ng umangal pa." Sabi naman niya ng parang nang aasar dahil narin sa pagngiti niya.

Ganun ba ko madalas umangal at tumanggi? Nagtatanong lang naman ako ahh. Sabi ko sa isip ko.

"Hindi naman ako umaangal eh. Nagtatanong lang." Asar na asar na sabi ko, tinuon ko nalang ang sarili ko sa labas ng bintana dahil sa pang aasar ni Jackson.

Hindi naman ako mapakali dahil umuulit sa isip ko yung mga nangyari kanina.

Tumigil naman ang sasakyan sa isang kilalang mamahaling restaurant. Nakapunta na ko rito dati dahil kumain narin kami nila mommy dito noon. Umorder na kami ng mga nagustuhan namin pagkain at tahimik na kumain pagkarating ng mga order namin.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now