Chapter 2

1.1K 32 0
                                    

"Teka? nasan ako? Tsaka yung cellphone ko nasaan?" Sabi ko nang magising ako mula sa pagkakatulog.

Napabangon ako at lumabas ng kwartong iyon ng patago na para bang spy na nagiimbestiga. Malay ko bang may nag kidnap sakin habang natutulog ako sa---

'Haisst.. hindi kaya yung lalaking yun ang may pakana ng lahat ng to? Baka pinagsamantalahan niya ako habang natutulog? Pero suot ko pa naman lahat ng damit ko. Tsaka wala naman akong nararamdaman na kung ano sa katawan ko. Baka naman lumipat na kami ng bahay.--' Natigil nalang ang pag-iisip ko ng kung anu-ano nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Gising ka na pala?" Napafreeze ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki.

Napalingon ako ng dahan-dahan sa nagsalita at tumambad sakin ang lalaking kadate ko kagabi sa restaurant na si Jackson. Naka robe ito ngayon habang nakacross arms at nakasandal sa katabing pintuan ng kwarto na pinanggalingan ko. Napatayo nalang ako ng maayos dahil sa nangyari.

"Nasan tayo? Bakit mo ko dinala dito? Akala ko ba iuuwi mo na ako sa bahay ko?"

"Oo nga! nandito na tayo sa bahay mo, natin."

"What?! Anong bahay natin?" Gulat na tanong ko.

"Hindi mo pa ba alam? Dito na tayo titira sa bahay na to simula ngayon. Sa ayaw at sa gusto mo. Tsaka sinabi na to ng mga magulang natin. Hindi mo pa ba alam?"

"Ha? What do you mean? Sinabi ng mga magulang natin. eh.. hindi nga manlang ako nasabihan o nainform manlang. Tsaka hindi pa nga ako pumapayag na magpakasal sayo at mas lalong hindi pa nga tayo kasal tapos sasabihin mo sakin na titira tayong dalawa sa iisang bubong? Are you serious?"

Nginitian lang niya ako ng nakakaloko at papasok na sana sa loob ng kwarto niya.

"Teka! hindi pa tayo tapos mag-usap." Sabi ko. Kaya naman napatigil siya sa pagpasok ng kwarto niya at humarap sakin. Kaya medyo nataranta ako kasi seryoso yung tingin niya sakin habang papalapit siya ng papalapit sakin, ako naman atras ng atras hanggang sa mapadait nalang yung likod ko sa pader which means wala na akong aatrasan pa.

Nang palapit ng palapit na siya ay napapikit nalang ako sa sobrang hiya dahil ang lapit na talaga ng mukha niya sakin.

' Lord, ano ba tong napasok ko. Kakakilala ko lang sa lalaking to at pinatira na kami agad sa iisang bahay. Tapos hindi ko akalaing maniak pala tong kasama ko na future husband kunno ko.'

Ilang segundo ang lumipas at saktong pagmulat ko ay pinitik ni Jackson ang cute na cute na ilong ko.

"Akala mo naman may gagawin talaga ako sayong masama." Sabay sabi niya at alis sa harap ko.

"Hoy! Walang hiya ka. Ang sakit ah. Nasaan ang phone ko? Nasayo ba?" Naiinis na tanong ko habang hawak ang ilong ko na pinitik niya.

"Ah.. yun ba? Wait.." Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at paglabas niya ay inabot niya sakin ang phone ko.

Dali-dali ko naman tong kinuha at tiwagan si Mommy.

"Hello Mom? Ano na naman po ba to?"

(Ang alin?) Painosenteng tanong ng mommy ko sakin.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now