Chapter 23

449 13 0
                                    

"Good morning my princess." He said while smiling softly. I was shock so I hide my face from him with my blanket.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" Tanong ko habang nakatakip pa rin sa mukha ko yung kumot.

Nahihiya ako kasi syempre bagong gising ako tas makikita ko nalang siya pag gising ko na nasa harap ko.

"Why are you hiding your beautiful face?" Natatawang sabi niya base sa kanyang boses.

"Eh kasi eh.." Sabi ko nalang di ko na matuloy kasi I can't find words to answer his question.

He slowly grab my blanket to expose my face.

"See, you're beautiful kahit bagong gising oh." He said and he slowly kissed my forehead.

"Binobola mo naman ako eh." Sinamaan ko siya ng tingin at napanguso ako ng wala sa oras.

"No, it's true." Sabi niya. While stroking my hair and put it to the

sides of my ears.

Hindi ba dapat nasa office siya ngayon? Anong ginagawa niya dito? Sabado ngayon ah.

"Oh wait? Diba dapat nasa office ka na ngayon? Anong oras na oh.. Di ka ba malelate?" Nagtataka kong tanong. Napangiti naman siya ng di ko inaasahan.

"Nope. I'm on my leave so, sa monday na ulit ang balik ko ng office." He said while slowly caressing my cheeks into my chin. Naramdaman ko ang mainit niyang kamay habang hinahaplos ang mga ito, kasabay ng pagtingin niya sakin mga mata na tila ba may sinasabi.

"Ah okay." I awkwardly said at nag iwas na ko ng tingin sa kanyang mga mata, ramdam ko na para bang nag init ang aking mukha dahil sa nangyayari. Di rin kasi ako sanay sa ginagawa niya sa mga oras na to.

Saktong wala rin akong pasok ngayong saturday to sunday and same as him. Wala din kasi siyang pasok sa office pag sunday.

"So let's go? Let's take some breakfast." He said while smiling cutely habang hinihila niya ko mula sa pagkakahiga ko.

Grr it seduces me. Kriszalyn magtigil ka.

Wala naman akong magawa kundi ang bumangon. Sinabihan ko siya na mauna na sa pagbaba dahil maliligo na muna ako. Tumango naman siya dito.

Dumaretso agad ako sa cabinet at kumuha ng mga susuotin ko. Dumaretso ako agad ng CR para magshower na.

Paglabas ko ng banyo, nasa pinapatuyo ko pa rin ang buhok ko gamit ang towel pero nakabihis na ko. Nagulat ako nang makitang nandun pa rin si Jackson at nakahiga sa kama ko.

"Akala ko nakababa ka na.." Gulat na gulat na sabi ko habang pinapatuyo pa rin ang buhok ko.

"Gusto ko kasing hintayin ka para sabay na tayo. Common let's go, kain na tayo. May lakad din tayo after breakfast." Nakangiti niyang sabi. Hinila naman niya ako at hinawakan ang aking kamay, pero bago pa kami tuluyang makalabas ay iniwan ko na yung dala dala kong towel sa kama ko.

Pagkarating namin sa dining area, ay nakahanda na ang pagkain roon. Pinag usod niya ko ng upuan, at umupo narin siya sa tabi ko.

Inabot niya agad ang fried rice at inalok ako nito. Tumungo naman ako at nilagyan niya ang pinggan ko nun. Nilagyan niya rin ito ng bacon at hot dog.

Nang matapos kami ay dumaretso na ulit ako sa kwarto para magbihis. Sabi niya maghihintay nalang daw siya sa sala. Tumungo naman ako at sinunod iyon.

Pagkalabas ko ay nakita kong abala siya sa cellphone niya. Tumigil lang ito nang mapansin na pababa na ako ng hagdan nakita ko ang pagngiti niya nang makita ako. Hinawakan niya ulit ang kamay ko pagkababa ko, at sabay na kaming lumabas ng bahay.

My Future Husband is a Vampire?Where stories live. Discover now