Chapter 30 (Last Part)

591 18 9
                                    

Nakatayo ako at naghihintay, napangiti nang makita ko na ang pagbukas ng pinto. Sumalubong sakin ang liwanag na nanggagaling sa pinto. Masaya ako na nandidito na ko ngayon. Masaya na ako na wala ng gulo ngayon.

Maganda ang tanawin habang dahan dahan akong naglalakad at ninanamnam ang bawat sandali. Rinig ko ang musika na mas lalong nagpapasaya sakin sa mga oras na ito.

Nagbalik ang lahat ng mga alaala sakin, ang mga paghihirap, ang mga lungkot, at saya. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ngayon.

Sinalubong ako ng aking mommy at daddy. Masayang masaya ako na nandito ang lahat ng taong mahal ko ngayon.

Oo, kasal na namin ngayon. Suot ko ang puting puti na dress na pinili ko mismo para sa araw na ito. Para akong prinsesa na ikakasal sa prinsipe niya. Marami man nangyari at nagbago, nagpapasalamat pa rin ako dahil eto na kami ngayon.

Kumikinang ang paligid dahil sa gold ang white notif, nakalatag din ang red carpet na nilalakad namin ngayon ng mga magulang ko, nakakalat din ang mga puti at pulang rosas sa paligid na mas lalong nagpaganda at nagpabango sa paligid.

Mas lalong nagpangiti sakin ngayon ang nakangiting lalaki sa harapan ngayon, ang nag iisa kong mamahalin habang buhay. Ang lalaking lahat sakin, ang lalaking nagmamahal sakin ng lubos at walang kulang.

Kita ko ang pag luha niya habang hinihintay akong mapalapit sa kanya. Nang makalapit ay niyakap siya ng mga magulang ko at kitang kita ang pagtanggap sa kanya.

Oo, alam na ng mga magulang ko ang lahat, kung ano ba talaga ang pagkatao ni Jackson at kung anong mga nangyari noon hanggang sa ngayon, nakarecover na kami sa lahat pagkalipas ng tatlong buwan ay eto na kami ngayon.

Hinarap na niya ako, ngumiti ito at muling nagpunas ng luha. Napangiti ako sa mga pangyayari, hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan akong makalapit kami sa tapat ng pari.

Sinambit na nga ng pari ang mga salita para sa okasyon ngayon. Magkaharap na kami ni Jackson sa mga oras na ito, parehong nakangiti at nangingilid ang luha.

Masayang masaya kaming dalawa parang kami nga lang dalawa ang nandidito sa mga oras na ito. Nakatingin kami parehas sa isat-isa, mata sa mata.

Mababasa ko mula sa mga mata niya ang saya ang mga pangako niya na di kami magkakahiwalay at kami lang dalawa habambuhay.

"You may now kiss the bride." Banggit ng pari pagkatapos namin magsabihan ng aming mga pangako sa isat-isa.

Mas lalo kaming napangiti dahil ganap na kaming mag asawa sa mga oras na ito. Dahan-dahan na ngang itinaas ni Jackson ang telang nakatakip sakin at ngumiti.

"Mahal na mahal kita." Aniya.

"Mahal na mahal din kita." Sagot ko at unti-unti na ngang lumapit ang labi niya sa labi ko. Nagnahalikan kami na parang kami lang dalawa.

Ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan namin dalawa sa isat-isa. Sa dami ng pagsubok, kaming dalawa pa rin ang nagkatuluyan.

Bumilis ang pag tibok ng aking puso, ramdam ko ang pagbabago sa sarili ko nang mag iba ang paningin ko at malakas ang pandinig ko. Siguro ay nag iba ang kulay ng mata ko sa mga oras ito.

Nang magkahiwalay ang aming mga labi ay napangiti si Jackson dahil mukhang alam niya na ang dahilan ng pagbabago ko at dahil ito sa di maiwasan at makontrol na kapangyarihan na baguhan pa lamang sa akin ngayon.

Oo, bampira na ko sa mga oras na ito. Pano? Dahil kay Jackson at sa kwintas na binigay niya sakin noon. Kung paano? Mahabang kwento pero ito ang nagligtas sa akin ngayon.

Masaya naman ako sa aking pagbabago at sa mga nangyari. Worth it ang lahat lalo na at ganito ang ending. Hindi pa nga lang ako sanay sa ganitong pagbabago.

Inakap ako ni Jackson at napakalma ako nito dahilan para bumalik ako sa normal. Alam na alam talaga niya kung paano ako pakalmahin dahil sa di ko makontrol na damdamin. Kaya di ako nangangamba dahil nandito naman siya sa tabi ko, para turuan ako sa mga pagbabago. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking to.

Sana wala ng iba pang pagsubok na mas lalala pa o magiging katulad ng noon. Pero kung magkaganun man, nandito pa rin ako at handang lumaban para sa kanya at para sa aming dalawa.

My Future Husband is a Vampire?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora