𝐒𝐲𝐧𝐨𝐩𝐬𝐢𝐬

3K 70 1
                                    

"𝐁𝐚𝐝 𝐁𝐨𝐲 𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐇𝐢𝐬  𝐓𝐮𝐭𝐨𝐫"
Written and Owned by: Jack
No copyright | ARR 2015
(Revised January 2023)

WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT
Plagiarism is a crime.

Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakaugnay sa ibang mga istorya ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
——

Main Characters

Main Characters

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Dahil sa kahirapan natuto akong sumabak sa hirap ng buhay. Pinagsasabay ko ang pagtratrabaho sa pag-aaral though hindi yon madali.

Syempre hindi sapat ang kinakayod ni mama para saming magkapatid. Gayong nasa college na ako eh hindi talaga ako susuko, kunting tiis nalang ay makakagraduate na ako bilang Civil Engineering sa San Diego University. This is my last stage kaya ginagawa ko na ang lahat para ipagpatuloy pa ito.

Nung sa akala ko ay wala ng trahedya ang mangyayari pa, eh kung malas talaga ang pagkakataon, si nanay ay nastroke at critical ang lagay niya ngayon. Ayaw ko siyang dalhin sa public hospital kahit wala kaming pera ay dinala ko siya sa private hospital, gusto kong makasiguro na nasa okay na kalagayan nga itong mama ko, wala kasi akong tiwala sa mga doctor sa public hospital.

Wala na akong magagawa dahil nangyari na, hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil hindi naman sinasabi ni nanay ang nararamdaman niya. Wala akong ibang maisip kundi ang mag-isip ng paraan kung paano mababayaran ang bills niya dito.

Tinawagan ko ang kapatid ko na alam kong kararating palang sa school niya at sinagot naman niya agad ito.

"Hello? Kuya? Bakit ka napatawag? Alam mo namang nasa klase ako eh."

"Bunso magpaalam ka na muna sa adviser mo, importante lang dali. Pumunta ka dito sa Healing Medical Center."

Wala na akong sinabi pa at binabaan na siya. Naiiyak ako ngayon, papaano na to? Baka mahinto pa ako sa pag-aaral dahil hindi kami makakaalis dito habang hindi nagbabayad?

Kinalma ko muna ang sarili ko, umupo muna ako sa tabi ni nanay habang pinagmamasdan siya.

"Nay hindi naman satin mangyayari to kung hindi tayo iniwan ni tatay." Kinakausap ko ang walang malay na si inay.

Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa kalagayan namin ngayon. Alam niyo yung feeling na parang walang wala na?

Blanko na ang isip ko ngayon kung paano makakakuha ng ganung kalaking pera.

Nang dumating si bunso ay pinakiusapan ko siya na bantayan muna si inay. Pupunta muna ako sa Dean's Office, pakikiusapan ko lang na titigil ako sa pag-aaral muna. Mas mahalaga ang kalagayan ni nanay kesa sa scholarship ko.

Kahit sabihin pa nating scholarship yan, 30% pa rin ang binabayaran ko dyan at hindi ko na yun mababayaran pa dahil ipambabayad ko yon sa bill ni inay.

Hindi ko muna pinaalam sa bunso ko yon, siguro magagalit si nanay kapag nalaman niya ang gagawin ko, masakit mang isipin na wala na talagang pag-asa pero kakayanin ko, malalagpasan ko din to.

Nilakad ko lang dito papunta sa university. Tulala akong naglalakad at halos lahat ng dumadaan eh napapatingin sakin. Nag-iisip ako kung hanggang kelan ko to gagawin, hanggang kelan ako magtatagal sa sitwasyong ito? Blankong blanko na ako ngayon.

Nang malapit na ako sa Dean's Office ay para akong napako sa kinatatayuan ko, para akong tinutusok ng milyong milyong mga karayom. Ang sakit lang talaga, kung kelang ito na ang last stage eh dito pa ako bibigay. Hay buhay.

Kumatok muna ako at pinapasok ako nung secretary niya. Bumungad sakin si sir Edroy na maraming inaasikasong paper works. Busyng busy siya ngayon.

Umupo na ako sa harapan niya at nag good morning sa kanya. Kahit anong problema pa ang sumabay sakin, hinding hindi ko pa rin tatanggalin ang mga ngiti sa aking labi.

"What brings you here, Mr Salvador?" Nakita kong itinabi na muna ni sir ang mga paper works niya at hinarap ako as respect.

Kelan man ay bibigay na ako, kanina ko pa ikinukubli ang emosyon ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya at magmakaawa na bigyan ako ng oportunidad pero tanggap ko na.

"A-ah... Sir... Sorry po pero titigil na muna po ako sa pag-aaral ko." Hindi ako nakatingin ng diretso, gaya ko ay nasa baba lang ang tingin ko.

"Why? This is your last stage at graduate kana ng kurso mo."

"Y-yes sir but kailangan lang po para kay nanay. N-na... Ano.... S-...ss... Stroke p-po kasi siya... At wala na po akong ipambabayad ng 30% sa tuition kaya titigil na po ako."
Umiyak na nga ako, hindi ko na mapigilan eh, kahit ano pang tatag mo sa buhay ay kayang sirain ng problema.
Aalis na sana ako non, nasa pintuan na ako nang tawagin ako ni sir.

"Mr Salvador..."

Lumingon lang ako kay sir at sinenyasan niya ako na umupo ulit.

"Y-yes, s-sir?"
Tumingin sakin si sir ng seryoso at parang may lungkot sa mga mata niya.

"Be the tutor of my son, Mark lesther Montez."

Dug....

Dug............

Dug.......

Dug.........

Itutuloy..........

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now