𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃𝙴𝙴𝙽

541 29 0
                                    

𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫

Magkalapit na kami ngayon. Amoy ko na ang hininga niya, rinig ko na ang pintig ng puso niya, ang aming mga balat ay magkadikit at sa twing magdidikit ang aming mga braso ay nakakaramdam ako ng kakaibang boltahe. Wala akong ibang maisip kundi siya at ako lang sa pagkakataong ito.

Bakit ko ba to nararamdaman? Hindi naman ganito ang naramdaman ko nung nagkagirlfriend ako nung high school palang ako pero bakit ganito? Kakaiba ng sobra.

Ako nalang ang umiwas sa kanya at lumabas ng banyo. Naakit lang naman ako sa napaka-lamig niyang boses dagdag mo pa tong mahilig ako sa duet at paborito ko yung kanta. Katunayan ay lagi ko yang kinakanta sa twing malungkot ako, sa twing pakiramdam ko ay mag-isa lang ako, napapagaan ng kantang yon ang pakiramdam ko.

Siguro ay alam niya lang ang kanta at narinig niya mula sa akin kaya kinanta na rin niya. Ang naguguluhan lang ako kung bakit nasa ganun agad kaming posisyon? Bakit ganun nalang ang dala sakin ng tagpo naming iyon? Bakit parang ambilis naman yata ng mga pangyayari?

Nakita ko kung ano ang naging reaksyon niya, emotionless kung tawagin, wala na kasi akong makita sa pagkakataong yon kundi siya lang, ang focus ko ay sa kinakanta namin.

Tangna. Sobra na akong naguguluhan. Hindi ko gusto tong mga nangyayari.

Iniiwasan ko nalang ang mga pumapasok na bagay sa aking isipan na may koneksyon tungkol kay Mark pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko. It's just I want to know him more. Curious lang ako sa tao, napaka moody kasi ng isang yon kaya kailangan ko pang alamin ang mga tungkol sa kanya as a strange friend.

Ngayon ay question pa din sakin kung kaibigan ko nga ba si Mark. Hindi ko kasi alam kung ganun din ako sa kanya or just a random person. Well kung friends nga talaga kami eh dapat alamin ko talaga kung sino siya hindi kakaibiganin ko nalang siya ng basta basta. Para kasi sakin marami akong gusto sa isang tao bilang kaibigan, marami rin akong ayaw. Mapili ako at pili lang ang mga kaibigan na meron ako. Then if he want me to part of his life as a friend edi go, wala naman masama dun eh.

Bumalik nalang ulit ako sa kwarto at nagpahinga ng onti. Mabilis pa din kasi ang tibok ng puso ko, parang nagaapoy at di ko mahabol. Kahit tuloy makirot na ang binti ko ay di ko pa rin maramdaman, namamanhid na ako.

"Walang iba..."

Nagrereflect na naman ulit sa isip ko yung kanta na iyon at yung moment namin kanina ni Mark.

Siguro nga hilig niya ang music, siguro ay kasali siya sa Glee Club.

Eh kung yon nalang kaya ang gawin namin sa loob ng ilang Linggo? Mag-iisang araw palang kasi kami dito ay bore na bore na ako dagdag mo pa yung akwardness namin dito minsan at yung sobrang tahimik. Nakakabingi.

Lumabas ako sa kwarto at hinanap siya, nakita ko siya sa may sofa na nakahiga, nagbabasa ng libro. Hindi niya ako makita dahil nakatalikod siya sakin habang ang mga mata niya ay focus lang din sa binabasa niya.

Dahil nga sa nakatalikod siya sakin at nakaharap sa amin ang binabasa niya eh nakibasa na din ako. Kahit di ko nasimulan ang story ay naiintindihan ko pa din naman. Yung lalake ay gustong magpakamatay at sumama sa libing ng girlfriend niya.

"Sheen." Sabi nito at nagcrack yung boses niya. Umiiyak ba siya?

"Sheen I really miss you... Pls wait me there, someday we will be together." Dagdag pa nito at kumpirmado na naiiyak nga siya. Bigla nalang niyang sinara ang libro at hinarap ako. Nang makita ako ay mabilisan niyang pinunasan ang mga luha niya.

Tumabi ako malapit sa kanya, "Mahal mo pa yung tao noh? Halatang hindi ka pa nakakamove-on bro." Sabi ko dito habang tinitingnan siya.

"Tagal na akong nakamove-on." Sabi nito na may halong paligoy ligoy.

Mukhang magiging boy version yata ako dito ni Dj ChaCha ngayon ah?

"Bro wag mong lokohin sarili mo. Alam mo naman yan eh. Saka wala namang masama kung di ka pa rin maka get over dun sa pagka-wala ng girlfriend mo. Maybe hindi talaga kayo para sa isat isa."

Napatingin naman siya sakin na kakaiba ang timpla. "Wag mong sabihin yan, mahal namin ang isat isa." Sabi pa nito.

Napatawa naman ako sa sinabi niya. "Hindi nababase kung gaano niyo kamahal ang isat isa. Loyalty ang pinaguusapan dito. Walang permanente sa mundo bro, lahat nagbabago, malay mo, ngayon na pala dadating ang magpapatibok at magpapabuhay dyan sa puso mo."

Napa-pout naman siya at napailing iling. "Hindi mangyayari yun, mahal ko ang nobya ko." Pagpupumilit nito.

"Sabi mo eh." Natatawa kong sabi.
"Ikaw ba pare, ilan na ba naging nobya mo?" Tanong nito sakin.

"Ako? Isa palang naman."

"Eh ngayon ba?"

"Wala pa rin eh, wala pang dumadating, natrapik yata sa EDSA." Nasabi ko nalang dahil wala pa naman talagang nakakasungkit ng puso ko.

"Pero gusto mo ba magka-nobya?"

Napatawa ulit ako, "Bro, wala akong maisasagot dyan. Malawak ang kolehiyo, papasok ka sa ibat ibang klase ng relasyon. Nawawalan na nga ko ng pag-asa na dadating pa yun eh, kasi last stage na to at graduate na tayo sa kursong kinuha natin. Masaya pa naman daw bumuo ng mga hindi makalilimutang alaala lalo na kapag magkakaron ka ng karelasyon sa kolehiyo base na rin sa mga nababasa ko sa mga libro."

Pagpapakatotoo ko at napatingin nalang sa baba.
Sana ngayong nalalapit na pasko ay kasama ko na ang bubuo ng masasayang alaala namin. Sana nga ay dumating na yung taong yun.

"Makakasama mo din yung taong yun, baka hindi mo alam na bukas kumakatok na yun sa puso mo."

Itutuloy.............................

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now