𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙸𝙵𝚃𝙴𝙴𝙽

551 26 0
                                    

𝙈𝘼𝙧𝙠 𝙋𝙊𝙫

Dalawang araw na ang lumipas ng hindi ko nakikita si Hance. Dinadalhan naman kami ng pagkain dito at binubuhusan ng tatlong tabo para malinisan kami. Manhid na nga ata ang braso ko dahil sa pagkabitin nito.

Alalang alala ako sa bawat minuto kung nahanap ba nila si Gray. Hanggang ngayon ay mabilis parin ang pintig ng puso ko habang nakatingin sa pintuan, umaasang hindi ko masisilayan ang magpapabagsak sakin ng tuluyan, si Gray.

Nagusap usap nalang kami nila Tom at Ben kung ano na ang mga plano namin. Tinatanong nila ako kung may desisyon na ba ako o ano na ang mga gagawin ko pero sagot ko ay wala, walang wala. Wala akong option. Hindi ko maisip kung saan ito hahantong.

Siguro ay mabibigyan ng kasagutan itong mga bumabagabag sa akin kapag nakita ko na si Gray. Kung gaano niya ako macoconvince na humingi ng tulong kay daddy para sa isang milyon.

Nagpatuloy ang paguusap namin nang sa bandang gitna ay may kumatok sa pinto, walang ano ano ay bumukas ito ng napakalakas, pumasok ang napakaraming alagad ni Hance at may taong nakatalukbong ng sakong itim sa gitna nila.

Pumalibot samin ang mga guards habang si Hance ay tumabi dun sa bihag nila.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso. Heto na ang pinakakinatatakutan ko, andito na ako sa parte na iiyak ako dahil sa isang mahalagang bagay.

Alam ko kung sino to, kilalang kilala ko presensya palang niya, ang koneksyon niya para sakin. Kung gaano niya ako hinihila papalapit sa kanya.

"Here's your order..." Pangaasar ni Hance sakin.

Wala sa kanya ang mga mata ko kundi na kay Gray lang.

Iniisip ko kung ano na ang reaksyon niya ngayon... Kung ano na ang magiging consequences kapag nangyari na ang hindi dapat mangyari.

Things will change...

Hinila naman ni Hance si Gray sa harapan ko... mismo sa harapan ko.

Napailing iling nalang ako habang tumitingin parin kay Gray. Tang*na! Ayoko neto.

Nakahubad siya, kitang kita ang mga pasa niya sa katawan niya, ang mga galos, parang isang mamamatay na tao ang nasa harapan ko ngayon na naliligo ng dugo. Alam kong nanghihina siya dahil sa may ginawang hindi maganda itong si Hance dito.

Nakuyom ko ang kamao ko. Tang*ina kang Hance ka, wag mo lang akong mapakawala dito kundi ay mamamatay ka sa isang iglap.

"Ano na? Kamusta na ang isang milyon namin?

Nasa labas naba ng bahay?" Pangunguna nito at nagsindi ng sigarilyo habang pinaglalaruan ang kaawa awang si Gray.

Napansin ko na sumenyas siya sa isa sa mga body guard niya at may nakita akong kadena na inabot sa kanya.

Sh*t! Wag naman sana..

Tumawa ito at pinalupot na nga ang kadena sa leeg ni Gray pero ngayon ay hindi pa masyadong mahigpit. Alam ko na ang mga pwedeng mangyari, wala pa man akong desisyon pero ano man ang mangyari ay dun pa din to lalabas.

"Hmmm maybe Gray is your boyfriend? Or just one of the most important person to you?"

Hindi ko siya sinasagot.

Nagngingitngit ang mga ngipin ko habang nakatingin sa baba. Wag mo lang talaga akong mapakawala dito dahil sa isang iglap ay pinaglalamayan kana.

Hindi niyo alam kung gaano gumuho ang mundo ko nang makita ang imahe ni Gray na ganito, hindi niyo alam kung paano dinurog ng onting pagkakamali itong puso ko. Bumabagal na ang ikot ng mundo ko.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na mangyayari. Ano pa ba ang gusto nila maliban sa pera? Hindi naman agad agad mapapapayag si daddy nang walang dahilan.

Nakita kong tinanggal ni Hance ang sako sa ulo ni Gray at mas lalo pa akong nakaramdam ng kirot sa puso nang makita ang lagay niya.

Maraming pasa sa mukha niya at magang maga ang mga ito, pawisan siya at nagkalat ang mga dugo sa ibat ibang parte ng katawan niya dahil sa pawis.

Sobrang awa na ako sa kanya. Nakamulat pa ang mga mata nito at halata mong hindi na siya komportable sa kalagayan niya, makikitaan mo siya ng pagod at pagkadismaya sa ekspresyon niya ngayon.

Napaiwas naman ako ng tingin mula sa kanya. Hindi ko yata siya kayang harapin ng ganyan. Mas lalo lang akong masasaktan sa mga nakikita ko at panghihinaan ng loob.

Tinayo niya ang nakaluhod sa harapan ko at nilebel sa harapan ko. Inilapit niya ito na sobrang lapit sa akin na halos maamoy ko na ang hininga niya.

Nagkatinginan kami. Nadedestruct ako sa fierce niyang timpla. Parang wala siya sa kalagayan niyang yan o pilit niya lang na kinakaya.

Maraming katanungan na mahahanap sa kanyang mata, kirot at pagkalito.

"Diba mahalaga siya para sayo? Patunayan mo." Hamon naman ni Hance at pumagitna sa gilid namin.

Napatingin ako sa kanya at laking gulat ko nang ngumuso siya sakin. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ko to pwedeng gawin dahil lalake ako at lalake din itong nasa harapan ko. Kahit anong parte ng mukha niya ay ayokong halikan dahil hindi uso saming mga lalake yun dahil hindi naman kami mga bakla. At hindi naman ganun magshow ang dalawang gender ng pagpapahalaga sa bawat isa.

Napailing ako bilang pagtanggi. Ito namang si Gray eh cold na cold ang dating niya. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya.

Nakakaramdam lang ako ng pagkailang sa sitwasyon namin ngayon. Bakit niya ba kasi ako tinitingnan ng ganito?

"Ayaw mo?" Pagpupumilit nito at nilatigo ang likod ni Gray sanhi para mapapikit siya sa harapan ko.

Naiiyak na ako.

"Isa."

*Plak!* Pikit

"Dalawa."

*plak!* Pikit

T*NG*NA!!

Ilang segundo ay mabilisan kong hinalikan si Gray sa labi in just a segconds. 2 seconds.
"Isa p---" Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang may tumawag sa cellphone ko.

"Hello? Where's my son? Are he okay?" Rinig kong boses ni mama mula sa kabilang linya na may bahid ng sobrang pagaalala.

"I won't tell you everything unless you will pay me 1 million." May pagkablack mail na sabi nito.

"Okay okay we will but not now or tomorrow maybe in  next 3-4 weeks. We need to earn more to reach that. All we can pay to you is just a 700k. Wala pa kaming ganung halaga sa ngayon."
Sabi ni mommy na may pagkaalangan.

"All right but just make sure na wala kang police na dadalhin dito or sasama kung ayaw mong maputulan ng leeg tong anak mo. But don't forget, 3 weeks lang ang ibibigay ko sayo at kung di mo pa yun mabibigay, sad to say na wala na." May otoridad na sabi nitong si Hance.

"Okay okay" Sabay baba ng tawag.

Hindi naman porket may-ari na kami ng university ay mayaman pa din kami. Bago makamit nila mom at dad ang university ay marami silang utang na binabayaran. Hindi kami ganun kayaman para mareach ang ganung pera though ngayon ay maluho pa ako.

"Dalhin yang mga yan sa bakanteng kwarto.

Make sure na hindi mo pagsasamahin yang apat na ayan ah." Utos ni Hance sa assistant niya.

"Master... Dalawa lang po ang bakanteng kwarto dito, yung tatlo po ay occupied na naming lahat." Sabi nito na ikinakamot ng ulo ni Hance.

"Fine, hatiin mo nalang sila sa dalawa. Siguraduhin niyo lang na nasa ayos na kalagayan yang apat na yan kundi ay mapipilitan silang hindi ibigay ang pera."

Itutuloy.......................

Yan na heheh

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now