"𝚃𝙷𝙴 𝙵𝙸𝙽𝙰𝙻"

729 20 6
                                    


"𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫"

"Totoo ba yun?" Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan.

"Pakiulit nga pls...." Boses mula sa aking likuran.
Para akong napako sa kinatatayuan ko at ang lumingon sa likuran eh hindi ko magawa. Dahil baka paglingon ko eh mawala agad ang tunog na yon.

"Nabingi lang siguro ako, kalimutan na nga..."
Maya maya pa ay hindi ko na ulit narinig pa ang boses niyang yon at dun ko naisipang lumingon at nakita ko siyang nakatalikod at paalis na.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na habulin siya, wala akong pakealam, sana hindi ito panaginip, sana nga totoong hindi pa siya patay dahil di ko na alam kung may patutunguhan pa tong buhay ko.

Nang malapit na ako sa kanya eh agad ko siyang dinaganan at natumba naman kami dahil don, iniharap ko siya sakin at niyakap siya ng sobrang higpit, sobrang higpit sa puntong ayaw ko na siyang pakawalan.

Umiyak lang ako habang nasa ganun kaming sitwasyon, naramdaman ko naman ang mga kamay niya sa aking likuran at pinapatahan ako.

"Tangina Mark bakit mo agad ako iniwan?"

Narinig ko naman na napatawa ito, "Baliw ka pa rin talaga hanggang ngayon. Baka matuluyan talaga ako nito dahil sa higpit ng pagkakayakap mo."

Hindi pa rin talaga ako kumakalas sa pagkakayakap dahil baka pag ginawa ko yon eh magising na ako sa panaginip ko, kahit sa panaginip man lang bigyan ako ng pagkakataong makausap siya.

"Akala ko ba pagsinulat mo yung wish mo sa padlock wall eh matutupad iyon, pero bakit hindi mo man lang ako binigyan ng mensahe na namamaalam ka na nga?

Kahit like man lang sa messenger eh di mo pa naibigay. Ang daya daya naman talaga ng panahon, nakakainis."

"Gray....."

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita. Baka magising na ako nito.

"Mark I badly miss you. Ayaw kong dayain ang sarili ko at sabihing hindi na kita mahal dahil no one can erase your name in my heart, you're permanent in here."

"Ginago mo na nga ako, hindi ka pa nagpaalam sakin, you're so cruel!"

Sinulit ko na ang natitirang oras sa pagyakap sa kanya, kahit yakap nalang ang pabaon niya sakin okay lang. Kontento na ko dito.

Ilang sandali pa eh bumitaw na nga ko sa pagkakayakap at tumayo na.

"Gray, I miss you so much.. In each single day of my life, you're in there, always roaming in my mind, heart, and soul. I tried to forget you but the harder I try the harder my love fades from you."

"Ang gago ko lang, wala man lang akong nagawa para ipaglaban ang pagmamahalan natin. Parehas pa tayong hawak ng mga magulang natin sa leeg non pero ngayon pwedeng pwede na nating ituloy ang pagmamahalang naudlot." Tumayo ito at bigla nalang hinawakan ang aking baba at itinaas ito.
Lumapat ang mga labi niya sa labi ko pero hindi pa rin ako nakipaglabanan ng halikan.

"Why?" Aniya.

"Mark... Masama ang ginagawa natin, parehas tayong may mga asawa na.."

"I know... but divorced na ko.."
"Kahit na divorce ka, kahit na patay na asawa ko, we need to control our feelings, masama kung gagawin natin to."

Muli naman nitong hinawakan ang aking pisngi, "There's nothing wrong in there, giving chance to let your heart open will never be wrong, every person needs a support so tell me, pano naging mali yun?"

Oo nga naman.
Napatango nalang ako, hinayaan ko siyang lumapit sakin at hagkan ako.

Hinawakan ko siya sa mukha at nilabanan ang kanyang mga halik. Miss na miss ko na ang gagong to kaya gawin niya ang lahat ng gusto niyang gawin sakin.

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now