𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚂𝙸𝚇𝚃𝙴𝙴𝙽

527 26 0
                                    

𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫

Napakasakit isipin na gagawin sakin to ni Mark.

Si Mark na siya pa namang pinagkakatiwalaan kong nagbago na ngunit hindi pa pala. Siya parin ang dating basagularong Mark na palagi naming nakikita.

Nawala lahat ng paghanga ko sa kanyang onti onti na siyang nagbabago, bumalik muli ang dati.

Sa galit ko ay hindi nalang ako umiimik sa kanya. Ayokong siyang sabihan ng kung ano o magstart ng paguusapan namin dahil wala akong gana.

Nakaupo ako ngayon sa sofa malayo kay Mark.

Parehas kaming tahimik at naghahari na dito ang katahimikan. Parehas kaming lutang, nasa baba lang ang tingin at maraming iniisip na mga bagay.

Hindi ko ba alam kung maaawa ako pero yung konsensya ko ang nagdadala sakin para kahit onti lang ay kaawaan ko siya.

Makikitaan mo siya ng pagod, sakit, at guilt base sa pagtingin ko sa kanya ng palihim. Unang masisilayan mo ang kanyang katawan na may bahid ng mga dugo, pasa, at sugat. Ang kanyang mukha ay mas masahol pa yata sa punching bag kung suntukin dahil magang maga ang pagmumukha nito. Nakakaramdam ako ng kirot sa puso sa twing masisilayan ko ang imahe niya ngayon.

"Sorry."

Hindi ko alam na lalabas sa bibig niya ang salitang yon. Sorry. Wala yata sa bokabularyo niya yon sa loob ng campus. Ni mga taong nasasanggi niya at tumitilapon ang mga gamit ay hindi niya sasabihan ng ganun tapos ngayong nasa ganito akong sitwasyon ay magsosorry siya? Hindi talaga ako makapaniwala.

"Hmmm... Kung hindi lang ako nalasing ng todo ay di ako mapapasok sa gulong to." Sabi pa nito at hindi pa rin niya ako tinitingnan.

Pagtapos nun ay wala na siyang sinabi pa. Tumayo na siya sa pagkakaupo niya at dumiretso sa kusina para kumuha ng tubig para linisin ang mga sugat niya.

Hindi pa nga talaga siya nagbabago. Ang lahat ng nakita ko ay isang panandaliang magandang panaginip lamang.

Bumalik muli ang takot ko sa kanya, lahat ay bumalik. Walang nagbago sa ugali niya.

Walang pinagkaiba ang imahe ni Mark sakin dahil parehas lang kami ng lagay. Parehas kaming ginawang punching bag, parehas kaming naliligo sa sarili naming dugo, parehas kaming may mga sugat, wala kaming pinagkaiba.

Tumayo na din ako at pumunta na muna sa banyo. Tinanggal ko na muna ang mga dugo sa katawan ko gamit ang tubig  at nagsabon para mawala ang amoy. Nung pagkatapos kong maglinis ay nakita ko naman si Mark sa harap ng pinto at naghihintay sakin para lumabas. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang sa kusina para uminom.

Habang nasa kusina ako ay hindi ko maiwasang mapa-isip. Gabi na pala, hinahanap na siguro ako nila mama. Wala naman ako magagawa kundi magalala nalang, sana wag naman nila idamay ang magulang ko dito, wala naman kaming maitutulong sa gulong ito eh. Narinig ko na ang lahat lahat, pera ang kailangan nila at hindi lang basta simpleng halaga kundi isang milyon ang kapalit. Naguguluhan pa din ako kung bakit ako nadamay dito at kung bakit humihingi sakin ng tawad itong si Mark. Masasagutan din to pag natapos to.

Sana ay wag humingi sila mama ng tulong sa mga pulis para ipahanap ako. Kapag nalaman ni Ramiz ang tungkol dito ay pwede niya kaming patayin.

Sana lang ay hindi magalala sila mama.
Dahil wala naman akong damit eh pumasok ako sa may kaliitan na kwarto. May mga damit dun na tingin ko ay babagay sakin kaya kumuha naman ako don.

Pagtapos kong magbihis at paglingon ko ay nakita ko na naman si Mark sa pintuan ng kwarto. Hindi ako makatingin sa kanya dahil iba pa rin ang mga tingin niya, medyo nakakatakot.

Hindi ko nalang siya pinansin at lumabas na ng kwarto. Napagisipan ko nalang na sa sofa nalang ako matutulog at si Mark nalang sa kwarto total sanay naman ako matulog kahit saan. Mayaman kaya siya at ako ay mahirap lang, malamang sa malamang ay hindi makakatulog yan dito.

Gusto ko na ring matulog dahil pagod ako. Magiipon lang ako ng lakas para hindi ako manghina o makaramdam ng sakit. Dagdag mo pa tong saklay ko sa kamay. Natamaan kasi ito ng suntok nung body guard ni Ramiz kaya kumikirot din hanggang ngayon.

(Author note: ang full name ni Hance Ramiz.. Ramiz lang tawag ni gray sa kanya.)

Ito namang paa ko eh parang bumalik sa dati. Hindi tuloy ako makatulog dahil sa sakit. Wala namn akong kahit anong pain reliever na dala dito kaya titiisin ko nalang. Mawawala din to kapag nakatulog na ako.

Patulog na sana ako sa pagkakataong iyon nang masilayan ko sa gilid ko ang walang emosyon at nakatayo na si Mark. May dala siyang isang unan at kumot. Nagtaka naman ako kung bakit siya nakatayo sa gilid ko.

"Bakit?" Tanong ko at iniiwasan ang mga tingin niya mula sa akin.

"Dun kana sa kwarto matulog, ako nalang dito." Medyo may pagka-mahangin nitong sabi at pinapaalis ako.

"Wag na. Ikaw nalang dun. Baka di ka pa makatulog niyan dito. Sanay naman na akong matulog sa ganitong klaseng higaan." Sabi ko at tinalikuran nalang siya. Ramdam ko na di pa rin siya umaalis kaya naman napalingon ulit ako sa kanya.

"Are you declining my request?" Masungit na tanong nito at tumayo nalang ako para wala ng gulo.

Lakas naman kasi ng trip nito eh. Bakit ba siya namimilit? Sabi na ngang ayos na ako dun eh.

Wag niya lang akong sisihin kapag hindi siya nakatulog dyan.

"K." Laglag balikat kong sabi habang dala dala ang unan at kumot papasok ng kwarto.

"Good night. Sweet dreams."

Itutuloy.. . .. . .. . .. . .. .. . .. . .. . .. . .

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now