𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙾𝚄𝚁𝚃𝚈 𝙾𝙽𝙴

345 13 0
                                    

𝐁𝐚𝐝 𝐁𝐨𝐲 𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐇𝐢𝐬  𝐓𝐮𝐭𝐨𝐫"
Written and Owned by: Jack
No copyright | ARR 2015
(Revised January 2023)

WARNING: NO SOFT COPIES | NO COPYRIGHT
Plagiarism is a crime.

Ang mga pangalan ng karakter, lugar, pangyayari at iba pang bagay na nakapaloob, sa kwentong ito ay kathang isip lamang. Anumang pagkakaugnay sa ibang mga istorya ay hindi sinasadya o nagkataon lamang.
——

"𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫"

Sa hindi inaasahang pagkakataon nangyari na naman ang bagay na yon. Aminado akong nagustuhan ko yon at kung maaari eh rerequest pa ako ng round 2 pero nahiya naman ako. Piniringan na naman nito bago dalhin pabalik sa kotse niya.

Inadjust naman niya yung inuupuan ko at napahiga ako dahil don sabay nang pagibabaw nito sakin at kinulong ako.

Hindi ko maiwasang kabahan sa kanya, "Gray you're only mine. Don't you ever cheat on me, I swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo." Napatingin ako dito at seryoso siya sa mga sinasabi niya, hinawakan pa niya ang baba ko at iniangat para mahalikan ako.

Tumayo na rin siya at nagmaneho na, kahit late kami eh go lang. Siya naman daw ang bahala.

Nang makarating kami eh sinalubong agad kami nung body guards ng papa niya, "Mark hinahanap ka ng dad mo, pumunta ka ngayon sa office niya." Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

Napangiti nalang siya at ganun din ako, lalakad na sana kami ng sabay nang pigilin kami ng body guards ng papa niya, "Ikaw lang ang hinahanap Mark wala namang mangyayari kung iiwan mo dito si Gray"

Nagkatinginan naman kami at napangiti nalang para sabihin na ayos lang ako.

**********

𝙏𝙃𝙞𝙧𝙙 𝙋𝙚𝙧𝙨𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙫

Dumiretso na sa dean's office si Mark habang si Gray eh sa klase naman. Parehong kabado ang dalawa pero think positive pa rin sila.

Habang nasa klase si Gray umupo na sa harapan si Mark ng daddy niya. Hindi ito makatingin ng diretso sa papa niyang emotionless ang timpla.

"Why are you late?"

Hindi pa rin makaimik itong si Mark.

"Bakit kasama mo na naman yung Gray na yon?"
May ipinakitang video ang papa niya dito, nagulat siya dahil don, may sumusubaybay pala sa kanila kanina habang ginagawa nila ang bagay na yon.

"Fvck you Mark! Kelan ka pa naging ganyan?!"

Muntik nang mabasag ng papa niya yung hawak na cellphone at lumabas don si Jenel na nakangisi.

Galit ang naramdaman ni Mark sa pagkakataong iyon, matagal na niyang alam na gaganti ang isang to pero wala sa isip niya na ganun pala ang gagawin nito.

"Putangina naman anak eh! Ok lang sana kung sa babae mo yun ginawa pero bakit sa kapwa mo pa?! Mas masahol pa kayo sa hayop!"

Nagpintig ang tenga ni  Mark, hindi niya akalain na lalabas sa bibig ng papa niya ang mga katagang yon.

Dahil sa galit eh napatayo ito at hinarap ang papa niya, "Dad, wala kayong pakealam sa kung anong gusto namin gawin, at mas lalong wala kayong karapatan para pagsalitaan kami ng ganyan dahil mahal namin ang isa't isa!" Hindi na niya natantya pa ang mga lumalabas sa bibig niya dahil sa sobrang galit. Siguro kung hindi niya lang ito tatay eh napatay na niya ito.

Nagulat ang tatay nito sa mga lumabas sa bibig niya, nasuntok niya ito ng sobrang lakas at napatumba siya dahil don. "Guards!!!"

Agad nagsidatingan ang mga body guards at agad hinawakan yung kamay nitong si Mark, "Wala akong anak na bastos, at mas lalong wala akong anak na bakla!!"

"Dalhin niyo yan sa bahay, ikulong niyo sa kwarto."
Inilabas na si Mark at agad sinakay sa Van.

Naiwan naman ang dad niya don at may ginawa saglit bago ito sumunod sa bahay nila.

*******

Umuwi ng magisa si Gray, gabing gabi na rin bago siya nakauwi dahil hinintay niya pa si Mark.

Nang makarating na sa bahay nila eh magbebless na sana ito nang hindi iyon tanggapin ng mama niya, "Anak umamin ka nga sakin, ano ang namamagitan sa inyong dalawa ni Mark?" Kalmado pero pagalit na bungad ng mama niya.

Nagulat naman ito at hindi agad nakasagot, "Anak ano bang nangyayari sayo?! Pinanganak kitang lalake kaya panindigan mo yun!"

"Ma... ma mahal ko si Mark at mahal namin ang isa't isa!"

"Tumahimik ka dahil hindi ka niya mahal!"

Mas lalong nagulat si Gray sa sinabi ng kanyang mama. "Tinawagan ako ni sir Edroy, sinabi niya sakin ang lahat lahat at isa na don ang pinaglalaruan ka nga lang ng Mark na yon! Kinukuha niya lang ang loob mo para ipahiya ka sa campus at nangyari na nga!"

May ipinakitang video ang mama nito na pineplay sa facebook, nanlaki ang mata nito dahil sa nakita. Gumuho ang mundo niya ng makita niya yon.

"M-maa..."

"Ma... kakausapin ko siya kinabukasan.."

"Anong kakausapin?! Malinaw na ang lahat na pinaglololoko ka lang nung Mark na yon! Saka kumuha na rin ako ng scholarship sa ibang bansa, dun kana magaaral."

Mas masahol pa sa namatayan ang bigat na dinadala niya ngayon. Hindi niya akalain na lahat ng yon at magagawa ni Ivan sa kanya, kabaliktaran ng pagkatao ni Ivan ang nakita niya ngayon dito.

*********

"Putangina Mark! Pagdusahan mo yang pagiging bakla mo!" Sabay suntok sa tagliran nito ng sobrang lakas at sumuka ito ng dugo.

Kanina pa pinauulanan ng suntok itong si Mark. Sinubukan mang pigilan ng mama ni Mark ang papa nito pero wala siyang magawa dahil hinaharang siya ng mga body guards.

Hindi mo makikitaan ng sakit itong si Mark pag titignan mo sa mukha, pilit niyang kinakaya ang suntok ng tatay niya para lang isipin na hindi siya magdudusa sa ginawa niya.

"Ano ha?!"

Sa mukha naman ito pinuruhan ngayon. Habang sa makatulog na nga ito.

To be continue................

🤭🤭 ang huling dalawang chapter magtatapos nato 😊

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now