𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃

404 18 0
                                    

𝐆𝐑𝐚𝐲

Isang Linggo na ang nakalilipas matapos yung pangyayaring iyon. Ewan ko ba, masasabi ko bang bestfriend ko na rin yung Bon na yun dahil sobrang close na namin sa isa't isa kahit ganun kabilis? Tapos na ang bakasyon kaya naman balik eskwela na naman kami. Eto sunog-kilay na naman.

"Brooooooo!" Bulyaw sakin ni dhan sa labas ng kwarto ko, eh eto kasi ako, nakatulala sa salamin habang iniisip kung pano haharapin yung araw ko. Eh pano ba naman, yung nangyari samin ni Mark! Nahihiya ako!

"Oo eto na!!" Bulyaw ko rin sa kanya at kinuha na ang bag ko at pumasok na.

Nang makasalubong ko yung kapatid ko sa sala namin ay sinabihan ko ito, "Oh bunso, sabihin mo kay mama kainin niya na yung pagkain dun sa hapag pag dating niya ha? Bibili nalang ako sa labas."

Tumango nalang ito at nagpatuloy sa panonood. Naaawa kasi ako kay mama sa mga nagdaang araw, naging busy siya masyado sa pagtitinda ng bananacue kaya napababayaan niya na rin kalusugan niya.
Lumabas na kami ni dhan at pumasok na.

Mabuti at di pa kami late masyado, strikto kasi yung prof namin sa Calculus eh. Nilibot ko yung tingin ko sa paligid at natamaan naman nun si... Mark..

Ewan ko ba, basta nahiya nalang ako bigla at umupo nalang at nag nap habang hinihintay ang pagdating ng prof namin. Pansin kong nakatingin ito sakin kahit di ko siya nakikita kaya naman hindi ko siya magawang lingunin.

Ano na kayang nasa isip neto? Yan ang mga katanungan na nasa isip ko ngayon, baka naman galit siya dahil sa nangyari? O kaya naman bumaba na tingin niya sakin? Ewan basta! Bahala na si batman!

Nung dumating ang prof eh binati namin siya at naglabas na kami ng notes.

Habang nasa klase kami ay hindi ko parin maiwasang mailang. Kahit sabihin mong hindi na virgin yang si Mark eh pano naman ako?! Syempre mahihiya ako noh! Hindi ko nga akalaing papatol ako sa kapwa ko lalake sa sex eh. Lasing kaya ko nun.

"Pst bro..." Tawag sakin ni dhan at binulungan ako.

"Bakit tulala ka na naman? Nakikinig ka ba?"

Sa totoo lang hindi ako nakakasabay sa mga tinuturo ng prof namin. Lutang na lutang ako, kahit pilitin kong ifocus ang atensyon ko sa tinuturo ng prof namin eh di pa rin talaga. Ewan basta baliw na ko!!!

*kring!!!*

Sakto at tumunog na ang bell at napalabas nalang ako na sinundan naman ni dhan.

"Oy bro kanina ka pa lutang ah? Problema ba?" Seryoso na nitong tanong sakin.

Tinitigan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad, ewan di ko masabi sa kanya yung nangyari nga samin ni Mark, wala akong balak.

Nasa paglalakad kami nung mga oras na yon nang may biglang tumawag na unknown number sa phone ko.

[Hello?!]

Hindi ko gusto ang tono ng pananalitang iyon, at hindi ko rin kilala kung sino iyon.

[Hello sino to?]

[Arvin, hello ako to si Rina! Pumunta ka ngayon dito sa HMC! Yung mama mo nastroke---]

Nang marinig ang mga salitang yon eh bigla ko nalang naibaba yung tawag at napatulala nalang.
Gumuho ang mundo ko sa narinig...

Si mama naistroke!

*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
*
°°°°°°°°°°°°°°°°°

Andito na ako sa hospital. Tulala habang pinagmamasdan ang lagay ni mama.

Wala na akong magagawa dahil nangyari na, hindi ko naman masisi ang sarili ko dahil hindi naman sinasabi ni nanay ang nararamdaman niya. Wala akong ibang maisip kundi ang mag-isip ng paraan kung paano mababayaran ang bills niya dito.

Tinawagan ko ang kapatid ko na alam kong kararating palang sa school niya at sinagot naman niya agad ito.

"Hello? Kuya? Bakit ka napatawag? Alam mo namang nasa klase ako eh."

"Bunso magpaalam ka na muna sa adviser mo, importante lang dali. Pumunta ka dito sa Healing Medical Center."

Wala na akong sinabi pa at binabaan na siya. Naiiyak ako ngayon, papaano na to? Baka mahinto pa ako sa pag-aaral dahil hindi kami makakaalis dito habang hindi nagbabayad?

Kinalma ko muna ang sarili ko, umupo muna ako sa tabi ni nanay habang pinagmamasdan siya.

"Nay hindi naman satin mangyayari to kung hindi tayo iniwan ni tatay." Kinakausap ko ang walang malay na si inay.

Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa kalagayan namin ngayon. Alam niyo yung feeling na parang walang wala na? Blanko na ang isip ko ngayon kung paano makakakuha ng ganung kalaking pera.

Nang dumating si bunso ay pinakiusapan ko siya na bantayan muna si inay. Pupunta muna ako sa Dean's Office, pakikiusapan ko lang na titigil ako sa pag-aaral muna. Mas mahalaga ang kalagayan ni nanay kesa sa scholarship ko.

Kahit sabihin pa nating scholarship yan, 30% pa rin ang binabayaran ko dyan at hindi ko na yun mababayaran pa dahil ipambabayad ko yon sa bill ni inay.

Hindi ko muna pinaalam sa bunso ko yon, siguro magagalit si nanay kapag nalaman niya ang gagawin ko, masakit mang isipin na wala na talagang pag-asa pero kakayanin ko, malalagpasan ko din to.

Nilakad ko lang dito papunta sa university. Tulala akong naglalakad at halos lahat ng dumadaan eh napapatingin sakin. Nag-iisip ako kung hanggang kelan ko to gagawin, hanggang kelan ako magtatagal sa sitwasyong ito? Blankong blanko na ako ngayon.

Nang malapit na ako sa Dean's Office ay para akong napako sa kinatatayuan ko, para akong tinutusok ng milyong milyong mga karayom. Ang sakit lang talaga, kung kelang ito na ang last stage eh dito pa ako bibigay. Hay buhay.

Kumatok muna ako at pinapasok ako nung secretary niya. Bumungad sakin si sir Edroy na maraming inaasikasong paper works. Busyng busy siya ngayon.

Umupo na ako sa harapan niya at nag good morning sa kanya. Kahit anong problema pa ang sumabay sakin, hinding hindi ko pa rin tatanggalin ang mga ngiti sa aking labi.

"What brings you here, Mr Salvador?" Nakita kong itinabi na muna ni sir ang mga paper works niya at hinarap ako as respect.

Kelan man ay bibigay na ako, kanina ko pa ikinukubli ang emosyon ko. Gusto kong umiyak sa harapan niya at magmakaawa na bigyan ako ng oportunidad pero tanggap ko na.

"A-ah... Sir... Sorry po pero titigil na muna po ako sa pag-aaral ko." Hindi ako nakatingin ng diretso, gaya ko ay nasa baba lang ang tingin ko.

"Why? This is your last stage at graduate kana ng kurso mo."

"Y-yes sir but kailangan lang po para kay nanay. N-na... Ano.... S-...ss... Stroke p-po kasi siya... At wala na po akong ipambabayad ng 30% sa tuition kaya titigil na po ako."

Umiyak na nga ako, hindi ko na mapigilan eh, kahit ano pang tatag mo sa buhay ay kayang sirain ng problema.

Aalis na sana ako non, nasa pintuan na ako nang tawagin ako ni sir.
"Mr Salvador..."

Lumingon lang ako kay sir at sinenyasan niya ako na umupo ulit.

"Y-yes, s-sir?"

Tumingin sakin si sir ng seryoso at parang may lungkot sa mga mata niya.

"Be the tutor of my son, Mark lesther Montez."

Dug....

Dug..........

Dug............

Dug.......

Dug..........

Itutoloy.................

There he is.. Heheheheheheh....

Continue later at 5pm .........

Abangan........

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz