𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝙵𝙾𝚄𝚁

893 38 0
                                    


𝐀𝐫𝐯𝐢𝐧 𝐏𝐎𝐯

Ambilis ng kalabog ng dibdib ko, parang nagaapoy na dahil sa nangyar.

Para bang nagblur lahat ng nasa paligid at siya lang ang tanging clear dun, parang huminto ang oras sa pagkakataong iyon.

It's only him and I...

Nung magising ako sa katotohanan ay ako na ang kusang tumayo at tumalikod sa kanya para punasan ang labi ko.

Nanginginig ako ngayon. Bakit ganun nalang ang naramdaman ko sa tagpo na yon? Bakit ko nagustuhan ang aksidenteng halikan naming yun?

Bakit hindi ako tumutol?

Umuulap ng maraming katanungan sa aking isip, inayos ko muna ang sarili bago siya harapin. Galit kaya siya? Ano na kaya ang nasa isip nito?

Nang harapin siya ay napako ako sa hubad niyang katawan. Boxer lang ang suot niya at kapansin pansin ang mga sugat at pasa niya sa ibat ibang parte ng katawan niya. Para naman akong nakaramdam ng kirot sa puso nung makita ang mga yun.

"Why are your here? Where did you get my address?" Pagsusungit nito at kinuha niya ang sando niya at sinuot.

"I'm just here to have a practice with you. We're partner."

Napahawak siya sa ulo niya at parang may dinadaing na masakit, nakita kong umupo siya ng pabagsak sa kama niya at pumikit ng saglit.

Mukhang may sakit yata ang isang to ah? Pano kami makakapag-practice neto? Ito kaya ang dahilan kung bakit siya lumiban ng dalawang araw sa klase?
Nanahimik nalang ako. Eh bakit kasi hindi man lang siya nagsabi na ganun na pala ang kalagayan niya para di ako nagsayang ng pagod para pumunta dito?

"Take care nalang sayo." Palabas na sana ako ng pintuan nang tawagin niya ako sa aking pangalan.

"Arvin wait." Sabi nito at napalingon naman ako sa kanya.

Nakita ko siyang tumayo at may kinuha sa closet niya at nagbihis. Nagsapatos siya at kinuha na ang bola.

Kunot-noo akong napatingin sa kanya.

"Halika na." Cold nitong sabi at kinuha ang jacket niya sa closet niya.

Iniwan niya akong laglag ang panga. Totoo ba tong mga nangyayari? Lakas tama ng isang yon. Bahala siya dyan kapag natumba nalang siya.

Sumasabay nalang ako kung saan siya tutungo. Nasa likuran niya ako habang naglalakad kami.
Obvious naman na ayaw namin sa isat isa diba?

Besides nakakatakot din ang isang to, natatakot akong baka mamaya ay malagutan nalang ako ng hininga. Alam kong maraming nakamasid na mata samin kaya nakatingin lang ako sa baba. Damn!

He's really dangerous. Hindi mo alam kung kasapi niya ba ang mga nakamasid o hindi.

Gustuhin ko man magquit nalang pero andito na ako eh, wala namang mangyayari kung wala akong gagawing masama.

Andito na kami sa single court. Sa kanila din yata ito dahil hawak niya ang susi at nilock niya iyon nung nakapasok na kaming dalawa. Bat kailangan pang ilock?

"Maraming adik dyan sa kanto, baka pagtangkaan pa tayo."

tumango nalang ako at hinintay ang susunod na gagawin.

Nakita ko siyang dinribol ang bola at pumwesto siya sa 3 point lane at nashoot niya nga yun. Ang bilis ng mga galaw niya, mas mabilis pa sakin.

Napapanganga nalang ako sa twing nashoshoot niya ng madalian ang bola sa 3 point. Kayang kaya niyang habulin ang score ng kalaban kahit last second remaining nalang. Siguro kapag dumating lang siya nung 5th game eh nakuha na niya ang MVP mula sakin. Hayop maglaro ng isang to.

Nagulat nalang ako dahil nasa harapan ko na siya,

"It"s your turn" Binigay niya sakin ang bola at siya naman ang umupo at nanood sakin.

Hindi naman ako papatalo sa isang to, kung magaling siya eh mas gagalingan ko pa.

Dinribol ko ang bola at nagimagine ng mga kalaban sa harapan ko. Pumwesto na ako sa 3 point lane at na shoot ko yon. Pangalawa eh nashoot, ganun din sa pangatlo, pang-apat, panglima, panganim, pero nung pito eh hindi ko na shoot dahil nadistract ako nun sa mga ingay mula sa labas. Naka tatlong missed ako, si Mark eh dalawa lang.

Nakakairita lang ang mga titig niya sakin, hindi kasi ako sanay kaya nagkukunwari nalang ako na hindi ko yun nakikita.

Natapos na ang laro namin gabi na din, makikitaan mo kami ng pagmamayabang habang nilalaro ang bola. Hindi ko alam na may mas ibubuga pa pala ang isang to dahil onti nalang eh lalayo na ang score niya sa score ko. Napakabilis niya at hindi mo makikita ang mga galaw niyang nakakamangha.

Nung nag one on one kami eh hindi ko mahabol sa kanya ang bola at may mga moves siya na ginagawa para lituhin ako. Focus lang talaga namin ay ang 3 point lane.

Pawisan kaming natapos ng laro. Nakita kong tinanggal niya ang sando niya at nagpunas ng mga pawis niya, jacket nalang niya ang ginawa niyang damit niya. Naghubad na din ako ng damit at pinalitan ulit yon ng bago sa bag ko.

Walang ano ano eh umalis nalang siya at ganun na din ako, hinintay nalang niya ako sa labas at nilock na yung gate sa single court nung nakalabas na ako.
Parehas lang naman kami ng daan kaya sumabay nalang ako sa kanya kahit nasa likod niya lang ako, mahirap na dahil gabi na din, gaya ng sinabi niya eh marami daw adik sa bandang dulo ng kanto. Baka may mangyari pang di maganda.

Hindi naman kami nagpansinan at nung nakahanap ako ng tricycle eh agad akong sumakay don at umuwi na ng diretso.

Laglag balikat akong umakyat ng kwarto at naghilamos at humiga na nga ako para matulog.
Bigla namang pumasok sa isip ko yung nangyari samin kanina.

Bakit ko nga ba nagustuhan ang aksidenteng halik na yun? Or should I say hindi ko yun nagustuhan but why do I need to feel the way that ako at siya lang ang naroon sa mga oras na yun? Bakit hindi siya nagalit o kumuha man lang ng kahit anong reaction?
Naguguluhan na ako sa sarili ko. There's no one can explain how I feel but it will when my heart beats crazy...

Itutuloy....................

Good evening guys, mga nag aabang sa kwento ko salamat sa inyo guys.... Ito lang muna guys

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now