𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚃𝚆𝙴𝙽𝚃𝚈 𝙵𝙾𝚄𝚁

459 25 0
                                    


𝐆𝐑𝐚𝐲 𝐏𝐎𝐯

11:59

Isang minuto nalang ang hinihintay namin at pasko na. Lahat kami ay masayang naghihintay sa pagsapit ng alas dose ng gabi.

Nariyan ang graham na aking ginawa, ang cake na dala ni kuya Jasper, crispy pata na inorder ni mama, pansit at spaghetti, at syempre ang ice cream na di mawawala at marami pa.

At lumipas na nga ang isang minuto at sabay sabay naming binati ang isa't isa.

"Merry Christmas ma, bunso." Sabay hug at kiss sa noo nila.

"Merry Christmas kuya Jasper." Sabay bro hug ko sa kanya.

"Merry Christmas anak." At niyakap ako ni mama sabay kiss sa noo ko.

"Merry Christmas kuya!! Regalo ko?!?!" Imbis na yakapin niya ako eh binatukan ko nga. Loko!

"Merry Christmas sayo bro." Tapos nagkatawanan kaming lahat.

May kinuha namang regalo sakin si mama at binuksan ko naman agad yon, "Thank you ma!!" Sobrang saya ko nang makita ang niregalo sakin ni mama, isang relo na matagal ko ng pinagiipunan.

May binigay din sakin si kuya Jesper na isang paper bag, "Thanks bro." Binuksan ko ang binigay niyang regalo at natuwa ako nang makita ang isang pair ng sapatos. Yaman talaga neto.

"Oh kinuha ko yan sa collection ko ah! Ingatan mo yan!"

"Yes bro. Thank you talaga," hilig ko kasi talaga ang sapatos eh. Kaya minsan kapag dumadalaw ako sa bahay nila kuya hanggang tingin nalang ako sa mga sapatos niyang magaganda.

Napatingin naman ako sa kapatid ko na nakasimangot sa isang sulok. Napatawa nalang kaming tatlo at sabay sabay na binigay ang mga regalo namin sa kanya na agad niyang ikinangiti.

"Thank you ma, kuya, at kuya Jasper!!" Tumakbo naman siya agad kasama ang mga regalo niya sa kwarto niya at kumain na nga kami.

Kuha lang ako ng kuha dahil napakarami talagang handa dito, una kong tinikman yung graham ko na ginawa at masarap nga unang tikim palang, sunod ay yung spag na favorite ko din then yung cake na dala ni kuya Jasper na sobrang sarap!

"Uy dahan dahan lang." Natatawa niyang sabi sakin at ngumisi ngisi. Tengene neto!

Sinamaan ko nalang siya ng tingin dahil nasa harapan namin si mama. Inosente po ako!

Sa gitna ng aming pagkain ay nakatanggap ng call si kuya Jasper at agad niya naman itong sinagot at lumabas, naiwan nalang kaming dalawa ni mama dito.

"Ahmm ma, sabi sakin ni insan ipinaalam niya na ako sa inyo na aalis kami mamaya? Totoo po ba yun?" Paguumpisa ko ng topic namin.

"Oo anak, may tiwala naman ako dyan sa kuya mo, basta okay lang sakin kahit anong oras ka umuwi basta magtetext ka sakin ayos ba nak?" Paglalambing ni mama habang nakain.

"Opo ma, san po ba kami pupunta?" Tanong ko kay mama.

"Sabi niya gagala lang daw kayo dyan sa labas, naiinip na rin kasi siya dito sa bahay eh, may family problem kasi sa kanila nak kaya dito na muna siya."
Pageexplain sakin ni mama.

"Ah ok ma... ilang days kaya siya dito?"

"Mga nasa 1 week din siguro nak, kakausapin ko pa ang kapatid ko kung anong nangyari bat sila nagaway, ayaw magsalita ng insan mo eh, sabi niya sakin mas mabuti daw kung sila nalang ang maguusap."

Nacurious tuloy ako bat nagaway si tita Josie at yung insan ko, sa sobra ba naman nilang close mag-ina eh, magaaway pa sila? At sa araw pa ng pasko? Kaya naman pala malaman din yung dalang bag ng insan ko na nasa kwarto ko eh. Dito pala siya samin muna.

Pagtapos nun ay bumalik na rin si kuya Jasper at kumain na kami ng ayos.

Matapos naming kumain eh umakyat na kami sa kwarto ko ni kuya Jester at as usual nilock namin yun.

Nang malock na namin ay napaupo ako at siya naman ay humiga, binuksan ko nalang ang tv.

"Insan sa nga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Basta ako na bahala. Sumama ka nalang sakin." Ani kuya Jasper.

Napatango nalang ako dahil wala naman atang balak magsabi to kung saan nga kami pupunta.

"Magmovie marathon nalang tayo." Suggest nito at yun naman ang ginawa ko.

Lumipas na ang ilang oras na panonood ng hunger games at wala pa ring imik tong insan ko, muntanga naman to, nakakasakal kaya yung ganitong kapaligiran.

"Insan ano na balak natin?" Tanong ko rito.

Mag 2:00 oclock na rin kasi at inaantok na ako. Ewan ko ba kung niloloko lang ako nila mama at kuya para naman hindi ako agad agad makakatulog, minsan kasi pagtapos kong kumain ng handa sa pasko eh natutulog ako agad, baka siguro ayaw lang nilang matulog ako ng maaga kaya naman gumawa sila ng paraan para dilatin yung mata ko.

Nagtampo na ako kay insan at humiga nalang at napaside view para di siya makita, nagtalukbong na rin ako ng kumot sa mukha dahil tampo ako sa kanya.

Hmpfk! Kainis tong insan ko paasa!

Ilang sandali pa ay kinalabit ako ng insan ko at di ko siya kinibo, kanina tanong ako ng tanong sa kanya hindi naman niya sinasagot, ngayon bahala siya sa buhay niya, matutulog na ako!

Hindi ko na siya naramdaman pa at kinutuban na ako nung tumagal tagal na. Hinanap ko siya ngunit hindi ko siya makita, aba tangna niya wag niya akong matakot takot dyan dahil di ako takot!

"I-insan hoy!" Paglingon ko sa kaliwa ay wala, lumingon ako sa kanan ngunit wala din, onti onti akong lumingon sa likod ko at nakita ko yung manika! Ahh putek! Bakit niya dinala yan dyan?!

Nagsisigaw ako sa takot at nagkulong sa closet ko. Hindi ko alam na meron din pala siyang nilagay na doll dun kaya nagtatalon ako sa kama dahil sa takot.
Aba talagang kabisado na ako ng ugok na to!

"Hoy layo mo sakin yan ah!!!" Lintek nawawala antok ko sa kanya eh.

Tinawanan niya lang ako at napahiga kami parehas sa kama at napatingin ng diretso sa kisame.

"Insan san nga kasi tayo pupunta?"
Seryoso ko ng tanong dito.

"Basta nga kasi. Magbihis ka na nga dyan, aalis na tayo." Seryoso rin niyang sabi.

Nagbihis na ako ng mabilisan at yun bumaba na rin kami.

Nagpaalam na muna ako kay mama at umalis na nga kami.

Una wala kaming imikan ni insan, hindi ko gusto yung air dito samin kaya naman nagsalita na rin ako kahit mema lang.

"Kuya malayo pa ba?"

"Andito na tayo insan." Napatingin naman ako sa harapan nito ng litong lito, luh, ano namang gagawin namin dito?

"Insan bat dito tayo sa football field? Anong gagawin natin dito eh di naman ako marunong maglaro ng football?"

Hindi niya ako pinansin at pinapasok niya ako sa loob at umupo sa mga bench dun. Kung di ko lang talaga kilala tong pinsan ko eh pinagisipan ko na to na nagdrudrugs. Balew ata to! Ano namang ginagawa namin ng gantong oras dito?!

Magsasalita na sana ako na aalis na ako nang may biglang nagsalita sa likuran namin na malapit sa gate ng football field.

"Pre..."

Bigla naman akong napalingon dito at napako sa kanya ang mga tingin ko...

Itutoloy.......................

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now