𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽𝚃𝙴𝙴𝙽

538 27 0
                                    


𝙂𝙍𝙖𝙮 𝙋𝙊𝙫

Nagising nalang ako sa isang katok mula sa pintuan. Narinig ko ang tunog ng isang susi at mga boses ng lalake.

Napabangon naman ako bigla at lumabas sa kwarto. Nakita ko ang ilan sa mga body guards ni Ramiz at inabutan kami ng kakainin namin.

Sakto lang ito sa almusal namin at pananghalian na din. Pagkatapos non ay agad na silang lumabas.

Kinuha ko naman ang tray at inilagay sa lamesa. Napatingin naman ako sa mahimbing na natutulog na si Mark. Sa sahig na pala siya natulog. Wala siyang kahit anong sapin para sa likuran niya, tanging unan at kumot na nakabalot lang sa kanya ang makikita mo.

Naawa naman ako sa lagay niya kaya naman kumuha ako ng kumot at nilagay sa likod niya. Masarap yata ang tulog nito kaya hindi ko na muna siya gigisingin. Malamang napuyat yan dahil hindi siguro sanay sa ganyang higaan.

Napangiti ako ng wala sa oras at naramdaman ko na naman ang pagkirot ng binti ko. Napaupo nalang ako sa malapit na upuan at minasahe masahe nalang para mawala ang kirot. Naiwan ko kasi ang pain reliever kaya kumikirot to eh.

Napapaungol nalang ako para kahit papano ay mawala ang sakit. Sana wag lang akong marinig nitong si Mark dahil ayoko siyang makasama or makitang tinitingnan ako pag nagising siya.

Nakakalusaw at nakakatakot kasi ang mga tingin niya eh.

Nasa gitna ako ng pag-kain nang may maramdamang presensya mula sa likuran ko.

"Sino ang naglagay ng kumot sakin at sapin?"

Namula naman ako bigla sa hiya. Wag niyang sabihin na may concern ako sa kanya? (eh totoo naman) baka gising na siya nun. Nagkunware lang na tulog.

"Ahhh... Ano kawawa kasi yung lagay mo nun... kaya ano kumuha ako ng kumot at sapin para ilagay sayo." Sabi ko na may paligoy ligoy at inubos ang isang basong tubig na nasa harapan ko.

Nakikita ko ang kakaibang ngiti sa kanyang labi habang umuupo sa tabi ko at nagpapalaman ng tinapay niya. Hindi naman ako makatingin ng diretso dahil sa sobrang pula ko.

"Puti mo pala saka lakas ng hilik mo kagabi sa sobrang sarap ng pagtulog mo." Sabi pa nito na lalong kinapula ko.

Tangna nito! Bakit niya ba ako sinusubaybayan?

Bakit kailangan niya pang imention ang mga bagay na yun? Nakakapanghinala tuloy.

"Ahhh.. Sorry.. ganun lang talaga ako matulog." Paliwanag ko at tumayo na ako at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Nawawala tuloy kirot ng binti ko sa kanya eh. Ayos naman na ang pakiramdam ko ngayon na hindi na katulad kahapon na sobrang maga ng katawan ko na di ko magalaw.

Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang mga ngiting iyon ni Mark. Bihira ko kasing makita na ngumingiti siya, evan sa loob ng campus ay hindi niya yun ginagawa kahit may mga laban siya sa pageants. He keeps being a cold gangster pero iba na siya ngayon. Sumisilay na ang mga ngiti niya sa labi niya. Ewan ko ba kung bakit yun ang una kong naiisip. Sure himala lang talaga ang nangyari kaya nakaka-amaze.

Nang makabalik sa katinuan ay lumabas na ako at nagkulong sa kwarto. Hindi na ako nagugutom eh, or gusto ko pang kumain pero nakakailang lang talaga na makasama siya.

Ilang minuto na ako sa loob ng kwarto nagkukulong. Kumanta ako sa isip ko para hindi marinig ng isa dyan. Nangalkal ako ng mga gamit pero boring parin. Sa inip ay lumabas na ako ng kwarto.

May narinig naman akong tunog mula sa banyo. Nakabukas ang ilaw at nakabukas din ang pinto na as in bukas talaga. Sa kuryosidad ko ay lumapit ako sa naririnig kong tunog.
Walang Iba- Ezra Band

"Ilang beses ng nag-away
Hanggang sa mag-kasakitan
Di na alam ang pinagmulan"

Habang hinihirit niya ang mga nota ay napapapikit ako sa lamig ng boses na yon. Tila napahinto ako sa harap ng pinto ng banyo at nakinig sa bawat notang kinakanta niya

"Pati maliliit na bagay na napaguusapan bigla nalang pinagaawayan

Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko"

Hindi ko alam ngunit kusa na akong sumabay sa kinakanta niya, nakuha niya ang tibok ng puso ko.
"Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano ikaw pa rin ang gusto ko

Kahit na sinusuntok mo ako, binabatukan at nasusugatan mo

Ikaw parin walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba...

Walang iba ahaha...

Nagsimula sa mga asaran
Hanggang sa magka-initan
Isang eksenang bangayan na naman

Ba't ba kasi pinagpipilitan
Ang di maintindihan,
di naman kinakailangan

Ngunit kahit na ganito,
Madalas na di tayo magkasundo

Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko...

Kahit na binabato mo ako ng kung ano-ano ikaw parin ang gusto ko
Kahit na sinusuntok mo ako binabatukan at nasusugatan mo

Ikaw parin walang iba
Ang gusto kong makasama

Walang iba..."

Hindi ko namalayan na magkalapit na pala kami.

Itutuloy............

Bad Boy Inlove His Tutor (Completed) Where stories live. Discover now